CHAPTER 8

6 0 0
                                    

Masakit pala kapag mismong mga kaibigan mo ang nanlalait sayo, yung tipong sila pala ang hihila sa iyo pababa. Walang ibang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo. Kailangan mong magpakatatag para mabuhay ka sa realidad na kinatatayuan mo.

"Mr. Mendoza, stop texting under your desk and focus in our discussion or else I will confiscate your phone" suway ng English teacher namin kay Mark.

Napako naman ako sa kinakaupuan ko habang pinagsasabihan si Mark at tila hindi makagalaw. Nagtetext rin kasi ako sa ilalim ng desk ko at dahil memorya ko na ang keypad ng cellphone ko, hindi obvious na nagtetext ako sa ilalim.

I felt guilty sa nangyari kasi muntik ng masamsam ang phone ni Mark. Magkatext kasi kami that time.

Agad kong ibinulsa ang cellphone ko at nagfocus sa discussion. Lumingon ako sandali sa likuran ko kung saan naka upo si Mark and andun siya, busy na sa pakikipagbulungan kay Gino.

-----

Papunta na kami sa classroom namin sa values ng marinig ko ang boses ni Cristine na nasa likuran lang namin ni Anne.

"Paano kateks na naman si Elai" inis na sabi niya.

"Ang landi kasi, tamo pati sa discussion nakikipagtext, ang landi landin, kainis" sabi pa ni Marie.

Napayuko nalang ako sa sinabi nila. Oo na! Kasalanan ko na. Nakakainis lang kasi ... Kasi wala akong lakas ng loob kausapin sina Cristine.

Umuna pa sa paglalakad sina Cristine sa amin at sumalyap pa sa akin sabay irap.

Pakiramdam ko napakasama kong tao. Pakiramdam ko wala akong silbi. Bakit ba kasi ganun nalang bigla ang pakikitungo sa akin nina Marie at Cristine. Dati naman magkakaibigan kami pero bakit in a sudden nawala na lahat ng pinagsamahan namin.

Naging kaibigan ba talaga nila ako o ginamit lang nila ako? Awan ko ba! Naguguluhan na ako! Parang konti nalang sasabog na ako anytime.

-----

Friday. Thanks God it's friday! Makakapagpahinga na ako the next day sa mga nangyayari sa akin sa school.

Andito kami ngayon sa labas ng Theater Room ng school. Nandito kami para manuod ng isang history movie tapos gagawan namin ng report. Hindi ko nga alam kung bakit may bayad pa yung panunuod namin samantalang sa school namam ito at isa pa ay gagawan namin ito ng report.

Habang nasa pila kami ay lumapit sa pwesto ko si Marie. Kinabahan ako ng sobra sa paglapit niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Kamusta ka naman Elai?" mahinahon niyang tanong

"Okay naman ako, bakit?" Sagot ko sa kanya.

"Mabuti kung ganun, asan nga pala si Anne, bakit hindi mo kasama?" tanong niya. Parang back to normal na ulit, ganito rin yung pakikitungo niya sa akin nung nakakasama ko pa siya. Yung kalmado lang siya at mabait sa akin, yung tipong aawayin niya ang nasa paligid niya maliban sa akin...

"Anne! Nandito ka na pala!" Biglang sabi ni Marie ng dumating si Anne. Nginitian lang siya ni Anne at tinapik sa braso.

"Nga pala Anne, gusto mo ba sumama mamaya?" tanong ni Marie kay Anne.

"Saan naman?"

"Sa mall, wala lang mamasyal lang tayo after nitong movie analysis natin" masayang pag aakit ni Marie kay Anne.

"Asge, samahan kita mamaya" nakangiti nitong sagot.

Pagtapos nun ay binaling na ulit ni Marie ang atensyon niya sa akin.

"Kamusta naman kayo ni Mark?" Seryosong tanong niya.

"Ah...err.."

Bago pa ako makasagot ay umimik na siya.

High School ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon