CHAPTER 10

7 1 0
                                    

Ang bilis talaga ng araw ano? Hindi mo na napapansin dahil sa daming nagyayari. Isang linggo nalang at December na. Ibig sabihin, malapit na ang laban namin sa Cantata. Costumes nalang ang inaayos namin sa ngayon at boom! Ready to fight na kami.

Wala namang premyo pag nanalo ka dun pero may extra points kasi pag sumali sa contest na yun. Ang alam ko pa ipanlalaban daw sa ibang school once na nanalo kayo sa lahat ng sections. Nahahati kasi sa 3 levels ang contest. First level is labanan versus sa mga handle section ng teacher namin sa MAPEH tapos second level is labanan versus sa iba pang nanalo tapos may top 6 na pipiliin at yun ang maglalabanan sa 3rd level at yun na nga, ang manalo dun is magcocompete sa ibang school.

"Hey girls, kayo na ang bahalang bumili ng sari-sarili niyong medyas. Make sure na kulay puti at ang haba ay hanngang sa taas ng tuhod. Sa boys naman, kanya kanya kayong hanap ng ribbon bow. Ako na at ang iba pang mga officers ang bahala sa mga garlands at iba pang mga props na kailangan natin, gaya ng napag usapan, 30 pesos ang ambagan natin. Hanggang bukas nalang ang ambagan natin, okay?" pagpapaliwanag ni Sharmaine.

Tumango nalang kaming magkakaklase sa sinabi niya. Kaba at excitement yung nararamdaman namin magkaklase. Next week na yung big day namin. Whooo.

---

Saturday night. Naiisip ko palang yung contest sa Monday kinakabahan na ako. Ayos na lahat ng gagamitin at susuotin ko for that day.

Naramdaman ko naman na nagvibrate ang phone ko.

Mark: Kain na :)

Tinignan ko ang orasan. 8pm na. Nakakain na naman ako ng dinner kaya nireplayan ko si mark ng "Ge, tapos na ako, kain ka na din:) Pakabusog :)"

Mark: Katatapos ko lang din. Kamusta? :)

Umayos ako ng pagkakahiga sa kama ko at kinuha yung favorite kong stuff toy na bull dog.

Ako: Ayun, okay naman kahit hindi parin kami okay ni Cristine :")

Mark: Hayaan mo na muna yun, akong bahala sayo.

Ako: Sge sabi mo e :)

Mark: Oo malakas ka sa akin e :)

Ako: Naman. Haha. So kamusta ka naman?

Mark: okay lang din naman. Normal parin, laging pinapagalitan ng mga teachers.

Ako: Haha, favorite kasi kayo ng mga teachers natin :)

Mark: Kamusta naman kayo ni Jayson? Kayo na ba? Haha

Ako: Sira! Mamatay na pati kung siya lang magiging boyfriend ko. Hahaha.

Umikot ako ng onti sa kama ko. Nakadapa na ako ngayon habang nagtetext.

Mark: Hahaha, sino ba kasi Crush mo?

Ako: Sinabi ko na sayo ah, Jacob:")

Mark: Oo nga pala, hahaha, bakit hindi ka pa nagboboyfriend?

Ako: Ayoko e, sagabal lang :) Ikaw bakit hindi ka nag gigirlfriend?

Mark: May nililigawan ako :)

Napa ayos ako bigla ng higa ko. Sino naman kaya? Nacurious ako bigla.

Ako: Ha? Sino? Si Mitch ba? Hahaha.

Mark: Hindi. Kaklase lang natin :)

Ako: Hulaan ko, si Veronica :P

Mark: Mali. Hahaha.

Ako: Ahhh. Sino pala?

Mark: Si Jenny :)

Napa upo ako sa text niyang yun. Si Jenny? Wala namang pagdududa kasi maganda naman si Jenny tapos mabait din naman.

High School ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon