CHAPTER 7

12 0 0
                                    

"Grabe! Kinikilig talaga ako kay Mark" masayang sabi ni Christine na may kasama pang paghampas kay Alex. "Hanggang gabi magkatext kami tapos ang sweet sweet pa niya" halata sa mga mata niya ang sobrang pagkasaya.

Namiss ko tuloy bigla si Jacob. Kumusta na kaya siya. Matagal tagal ko na rin siyang hindi nakikita. Masyadong malayo ang Manila dito sa lugar namin tapos hindi ko pa siya makita sa facebook yung account niya. Haaayss.

"oyy guys nagtext sakin si Jhunel" biglang sabi ni Anne.

"Ano daw sabi?" tanong ni Marie.

"Kung kamusta na daw si Vin. Hahaha" Sagot ni Anne sanhi para mahampas ko siya sa braso niya ng mahina.

"Mukhang seryoso si tutuy a. May pag asa ba naman?" Natatawang tanong ni Sharmaine.

"Wala" maikli kong sagot.

"Hard sis. Kaya ako'y sayo e" Sabi pa ni Jenny.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Sharmaine. Tamang tambay lang habang nag aantay ng alas-4 ng hapon dahil yun ang time ng labasan namin.

"mabait naman si Jhunel a, ba't ayaw mo dun?" tanong ni Cristina.

"Ee, basta ayoko. Yun lang" sagot ko na lamang.

Ayoko sa kanya dahil hindi ko siya type. Sayo na kung gusto mo. Hmp!

Maya maya pa ay may nagtext sa akin. Galing yung message sa kanya. Kay Mark. Ewan ko ba kung bakit ganito yung nararamdaman ko, hindi ko maiwasan na hindi ngumiti pag nagtetext siya o kaya naman pag nagkakatext kami. Ang weird nga e, nag umpisa 'tong weird feeling nung sabihin niyang hindi niya gusto si Jhunel para sa akin. Na sinabi pa nga niya na muntik na niyang masuntok si Jhunel dahil sa kayabangan na taglay nito pero hindi ko naman siya masisisi kung ganun yung maaring reaksyon ni Mark kay Jhunel, ang yabang naman kasi talaga ni Jhunel, buti na nga lang daw ay napigilan siya ng mga kasama niya kundi baka daw nagkagulo. Tapos sabi pa sakin ni Mark dati na pag ayaw ko daw sa isang lalaki, sabihin ko lang daw na may boyfriend na ako, for sure daw ay lalayuan na ako ng taong yun at luckily mukhang effective naman kasi hindi na ako nilalapitan ni Jhunel sa school. Nakikitanong nalang siya sa mga kaibigan ko kung kamusta na daw ba ako.

"Ayan na naman yang ngiti mo Vin, sino yan ha?" pakiki usyoso ni Cristine.

"Ah, wala, may nag gm kasi ng joke message, natawa lang ako. Hahaha"

"4 na pala. Ano? Tara na?" pag aakit ni Mira na sa ngayon ay nag aayos na ng gamit.

Nagsitayuan na kami at nagpa-alam kay Sharmaine. Another day na naman bukas at super excited na ako para bukas. Ewan ko ba pero ginaganahan na akong pumasok sa school.

-----

"Our activity for today is about superstitious belief, so I have to choose 2 partners you in each group"

Nosebleed. Ghad! Actually favorite ko ang subject na ito. English kasi eh, pero tamad talaga akong mag aral kaya naman hindi kataasan yung grades ko.

"Mr. Mendoza and Ms. Dizon, please come here in front" napatingin lang ako sa paligid ko, nasa unahan na yung dalawa kong kagrupo na sina Cristina at Gino.

Tumayo na si Mark na nasa likuran ko lang kaya naman tumayo na rin ako kahit nag aalangan ako dahil nahihiya ako kahit pa na sabihin na kaklase ko sila.

"Okay, so the activity that we will do is about superstitious so I want this 2 partners go at the back" Sinunod naman namin siya at naglakad kami papunta sa likod.

"The thing that you will do is to walk here when I say so, this superstitious belief is called Sukob, okay, walk here students slowly.." naglakad naman kami ng mabagal. Nasa unahan ko sina Gino at Cristina at mabagal silang maglakad, ako naman kasabay kong maglakad si Mark. Unlike sa text na parehas kaming nag uusap at close, kabaliktaran sa personal, hindi kami nag uusap sa personal at hindi niyo masasabing CLOSE.

High School ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon