CHAPTER 9

3 0 0
                                    

4 months nalang at matatapos na ang school year. Dalawang buwan na rin akong hindi kinakausap ni Anne. Dalawang buwan ko na rin nakakasama sina Sol at Kris.

"May bago kayong magiging classmate. Siya si Veronica. Come in Veronica" pumasok ang isang babae sa aming classroom. May itsura naman siya, tuwid ang buhok at at, basta ayos lang siyang tingnan. Tiningnan ko naman yung mga kaklase ko at narinig kong nagbulungan na "November na ah! Nagtransfer pa!" Yung iba naman na boys narinig kong sinabi na "Chix pre"

Umupo yung Veronica sa pwesto namin nina Jenny, syempre wala na siyang mauupuan sa unahan kaya dito ang bagsak niya sa likuran.

As usual nagdiscuss lang ng nagdiscuss yung teacher namin sa Science tapos sinabi na may quiz daw kami bukas kaya kailangan namin na magreview.

On the way na kami sa Math Classroom namin ng lapitan ako ni Cristine na ikinagulat ko.

"Hoy wag kang magtetext kay Leo!" galit nitong sabi. Hindi ko siya maintindihan. Simula pa naman nung una nakakatext ko na si Leo pero bakit ngayon lang niya ako pinapatigil. Tsaka isa pa, kaibigan ko si Leo. Ano bang problema nito.

"Nakikinig ka ba? Sabi ko wag ka na magtetext kay Leo, kami na kaya wag kang umepal! Baka naman agawin mo pa! Landi!"

Tumango nalang ako sa kanya as response. Naisip ko naman na pati ba naman kaibigan kong lalaki pinapalayo na rin sakin.

Bakit ba ganito pakikitungo ng Cristine na yun sa akin? Dahil kay Mark? Malapit na ako sumabog. Nakakainis na. Gustong gusto ko na talaga siyang sagutin pero.. Pero hindi ko kaya.

Kung si Jayson lang siya, kanina ko pa siya nasapak, nakurot, nasabunutan at sinagot sagot, pero hindi e, siya si Cristine at babae siya. Hindi ko alam kung paano makipag away sa mga babae. Mga lalaki lang kasi ang kaya kong awayin dahil na rin siguro sa mga lalaki ang kapatid ko.

"Ang yabang talaga nun, Hayaan mo na yun, naiinggit lang yun sayo. Maganda ka kasi" pagkoComfort ni Sol.

"Magpapagaan ka lang ng loob, nambobola ka pa" pabiro kong sabi sa kanya.

"bakit?! Totoong maganda ka naman eh!" gusto kong maniwala sa sinabi ni Sol pero ayaw pumasok sa isipan ko. Hindi ako maganda at alam ko yun sa sarili ko.

"Ewan sayo" nalang ang nasabi ko kay Sol at nauna na akong naglakad papunta sa classroom namin.

---

5:30 pm na ako nakauwi sa bahay dahil sa practice namin ng cantata. Isa iyong christmas jingle kung saan buong klase ay kasali. Malapit na kasi yung competition at kailangan daw namin manalo dun.

Pagod. Yun yung nararamdaman ko ngayon. Ang dami kasing nangyayari palagi sa school kaya siguro sobra yung pagod ko.

Maya maya pa ay nagvibrate ang cellphone ko.

Mark: Hi:)

Ako: Hello :)

Mark: Kain na :)

Ako: Sige mamaya pa ako. Kain ka na :)

Mark: Nagluluto pa si mama eh, hehe. Kamusta naman?

Ako: Okay naman :) kilala ko na bago mong crush :P

Inayos ko ang pagkakahiga ko sa kama at inantay ang pagreply ni Mark. Maya maya ay nagvibrate muli ang cellphone ko.

Pagtingin ko sa Sender, nalungkot ako. Siguro dahil hindi si Mark kundi si Leo.

Leo: sorry sa inasal ni Cristine :(

Ako: Okay lang yun. Wala naman na sakin yung ginawa niya :)

Leo: nagseselos kasi siya sa atin kaya nagkaganun yun.

High School ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon