-SAMARA POV-
"Hoy Sam! Naka tulala ka nanaman diyan, nag lunch kana ba?" tiningnan ko ito ng masama, alam na nga nya na hinintay ko siya eh mag tatanong pa.
"Sa tingin mo Alli? Hihintayin kaya kita kung nag lunch nako?" bara ko sa kanya. Nakakainis kasi alam mong gutom na gutom kana tapos pag hihintayin ka ng napagka tagal, ugali na talaga ng babae na to yan eh.
"Ewan ko sayo! Hindi ka lang pinapansin ni papa JR ganyan nanaman ugali mo." pang aasar pa nito.
Eh ano naman? Huhuhu. Buseeeet ka talaga Allison alam ko na nga pinapa muka mo pa sakin. Lintik na JR kasi yon eh! Saksakan ng suplado kala mo di ka kilala eh First Year Highschool pa nga lang kami classmate na nya ko.
Hindi nako sumagot at hinila ko na lang si Alli papuntang canteen para mag lunch, langya gutom na gutom nako kagabi pa ko di nakain dahil sa report na ginawa ko. Nag order na kami at syempre as usual same food kami ng magaling kong kaibigan, naupo kami sa dulo ng canteen of course my favorite place ayoko kasi sa masyadong maingay naiirita ako.
Habang hinihintay namin ang order namin inayos ko muna yung mga gamit ko dahil akala mo na sila tambakan sa loob ng bag ko. "Alam mo na ba yung kumakalat na tsismis?" tanong sakin ni Alli habang nag sasalamin ito. Pag sa tsismis asahan mo na itong babae nato ang nangunguna. "Tsismis saan? Tungkol kanino?" sana naman hindi ako yon at alam ko na madaming na iinsecure sakin dito sa campus. Ansabeeee haha Pero totoo naman kasi.
Sakto naman na isinerve na ng waiter sa table ang mga order namin. Itinabi ko muna ang mga gamit ko sa isang bangko at nag simula nakong kumain. "Alam mo ba na yang 3 years mo ng inaasam asam." sabay nguso nito sa likod ko mabilis ko yung tiningnan at laking gulat ko na si JR pala ang tinutukoy nya. "Bakla pala!" agad kong tinakpan ang mapusok na bibig ng kaibigan ko kahit kailan talaga walang magandang lumalabas na mabuting salita dito.
"Gaga ka talaga Alli. Paano kung madinig ka!" saway ko sa kanya. At teka sino nanaman kaya na walang magawa sa buhay ang nagpakalat non? Sigurado ko busted nanaman kay JR yon haha. 3 years ko na kayang kilala si James Russell Santiago kahit na mapayat lang siya asahan mo naman na matalino at wag ka noon yatang nagpa ulan ng kagwapuhan eh sinalo niya lahat , wala ka ng hahanapin pang iba kay JR. Kaya nga hanggang ngayon crush na crush ko yon eh ay NO! Mahal ko na pala hahaha.
Tinanggal ko na ang pagkaka takip ng kamay ko sa bibig ni Alli saka ko nilingon ulit si JR kaya naka hinga ko ng maluwag buti na lang at hindi siya nakatingin dito. "Hellooooo..." Sabay tirik pa ng mata nito sakin. "Bakit ba patay na patay ka sa lalaki na yan? Eh hindi ka nga nya pinapansin." nag simula na itong kumain. Araaaay Alli buset ka mag dahan dahan ka naman sa pananalita mo.
Kung sa bagay may point naman tong kaibigan ko, minsan nga na nagka salubong kami sa hallway hindi man lang ako pinansin eh alam naman niya na classmate niya ko pero sanay naman nako sa kasupladuhan ng lalaking yon.
Pero bigla ko tuloy naalala yung nangyari 3 years ago, yun yung first na nakipag usap siya saken at ako naman kilig na kilig ganun din sila Alli alam kasi nila na gusto ko talaga si JR "Hi Sam" natigilan ako sa pag sasalita ng madinig ko ang boses na yon, mabilis kong nilingon si JR. " Hello James, bakit? " tanong ko. As in talagang ang lakas ng kabog ng dibdib ko "If its ok to you I want to borrow your notebook, I lost mine." sabi nito habang hinihimas ang batok niya na parang nahihiya." Sige wait lang. " syempre agad kong hinalungkat sa bag ko yung hinihiram niya, at sa kaswertihang palad buti na lang nadala ko. Pag kasara ko ng bag ko inabot ko agad kay JR yung notebook "Here. Isoli mo na lang sakin pag tapos kana." sabi ko. Ngumiti naman siya saken at tumango.
Grabe pamatay yung braces, yung mata niya ang ganda ganda ang sarap lang titigan tapos ang tangkad pa niya ang talino wala ka talagang itatapon sa kanya ang problema lang talaga suplado. "Samara thank you." at tumalikod na siya. Ay putcha! Bigla ko naalala dun ko nga pala isinulat yung I LIKE YOU JAMES RUSSELL SANTIAGO with matching heart heart pa.
"Hoy Sam nakatulala ka nanaman dyan! Ano nanaman ba iniisip mo?" Inis na tanong sakin ni Alli. Nilingon ko naman siya anak ng tokwa nag bbring back memories nanaman pala ako hayup! hahaha.
"Wala gaga. Tara na nga sa room." pag aya ko sa kanya. Baka malate pa kami sa next subject nakakahiya.
BINABASA MO ANG
Even More (On Going)
Teen FictionA story of a senior high school student who follows her heart and her dream.