Chapter Four

9 0 0
                                    

Maaga kong pumasok sa school ngayon para makapag report ako sa office namin sa Theater kung di ba naman kasi ako tanga sa dami ng pwede kong makalimutan yun pang importante.  Pero bago pumunta sa office namin dumiretso muna ko sa room para ibaba ang gamit ko sa daan pa lang mapapansin ng maaga pa talaga dahil wala pa masyadong istudyante. Pag pasok ko sa room hindi ko inaasahang may mauuna pa pala sakin. Ang amoy niyang kahit sinong babae mapapasunod, ayos na ayos ang buhok  at naka earphone habang nag babasa. Hay nako JR hindi yata ako mag sasawang titigan ka. Nagulat ako ng nag angat siya ng tingin sakin at salubong ang kilay. Parang nagtatanong na bakit ako naka tingin sa kanya.  Mabilis akong nag iba ng tingin at ibinaba ang gamit ko nakita ko naman tinanggal niya yung isang kapares ng earphone niya kaya nag lakas loob nakong batiin siya. " G-Good Morning JR." nauutal ngunit lakas loob kong bati sa kanya.


Nag angat siya ng tingin sakin. " Morning Sam. " bati din nito at muling ipinasok akong earphone sa kanyang tenga at binalingan ang librong binabasa.

Anak ng panahon!! Walangya ngayon lang ako binati nito sa buong buhay ko ah. Putcha! May sakit kaya tong si JR? O kaya baka masarap yung hinandang pagkain ng nanay niya sa kanya.  Kaya good mood. Hah! Kelan nga ba naging good mood o bad mood si JR haha pero kahit na ngayon lang niya ko binati eh. 

" Krrrrrrrrrrrrrnnnnnnnnnggggggggggggg..... " ay sira ang moment ko hanep. Ayan na nag dadatingan na mga panira sa imagination kong classmate. Nag simula ng umingay ang paligid dahil padami na ng padami ang mga dumadating sa room. Sa sobrang tuwa ko dahil binati ako ni JR nakalimutan ko nanaman na mag report sa office namin walangya ka talaga Samara oo. " Good morning girls. " bati ni Elle samin halos sabay-sabay silang dumating nila Alli.  At kasabay din nitong dumating ang Prof namin.

" Goodmorning class. Hmmm no late for this subject hah nakakapag taka yata. " sabi nito sabay ngiti saming lahat. Himala ang mga nangyayare ngayong umaga ah maganda ngiti samin ni Ms Torres na napaka dalang niyang gawin dahil isa to sa mga masusungit na prof parang si Sir Franco. Ngunit naagaw ang atensyon namin ng biglang pumasok mula sa pinto ang isang lalaki matangkad ito,maputi at maayos din ang buhok nitong maitim makapal ang kilay at may mahahabang pilik mata. Putcha parang si JR ang lakas ng dating.  Hindi kaya anak ni Ms Torres to? Eh pero teka eh ang alam ko wala pang asawa to eh di kaya anak niya sa pagka dalaga? Ay putcha Sam wag kang judgemental!

" By the way class I want you to meet Derek Justin Romero he is transferring to our school. Mr. Romero introduce your self. " utos  ni Ms Torres dito at tinuro ang gitna .

Tumango naman ito. " Hi guys I'm Derek from Manila but I decided to transfer here in Southville Batangas " pakilala nito habang naka ngiti samin lahat. At umingay bigla ang classroom dahil sa mga babaeng kilig na kilig sa kanya sabay sabay ang mga bulungan nito. "Mr Romero go to your seats now para makapag simula na tayo." sabi ni Ms Torres habang naka ngiti. Mabilis naman sumunod tong bagong classmate daw namin napatitig ako sa kanya dahil dito siya nag lalakad palapit sakin ay gago sa tabi ko lang pala may bakanteng isang bangko.

Hindi din naman nag tagal at nag simula na ang discussion, putcha naiilang ako dito sa katabi ko. May dumi ba ko sa mukha? Tingin ng tingin yung Derek nato. Ang shunga lang niya mag transfer ba naman kung kelan matatapos na yung year haha eh ano pa matututunan niya? Dipende na lang kung fast learner yung mokong nato. " Guys I'm very sorry kung maaga ko kayong ididismiss we're all busy preparing for the upcoming event. But you need to review tonight cause tomorrow we have our last quiz ok ? " malungkot na paalala nito samin habang inililigpit ang mga gamit. Ma'am naman ok na sana yung maaga niyo kami dinismiss eh pero yung magpapa quiz kayo bukas eh hindi masarap pakinggan. " Yes ma'am " sagot naming lahat. " Ok class dismiss . " at lumabas na ng classroom ang prof namin. Nilapitan naman ako ni Yasmin " Sam wala ka naman gagawin mamaya right? " tanong nito. " Hindi ko sure. Bakit ? " Tanong ko dito. Hindi kasi ako sigurado dahil kailangan ko pa talagang mag report sa office namin dahil sa di ko pag attend ng practice namin kahapon.

" Nakakainis talaga yang mga schedule mo. Basta pag di ka busy sumunod ka na lang sa gym, si Alli sasama na samin. " nakangusong sagot nito sakin. Alam ko matagal na niya kong pinipilit manuod ng rehersal niya ganito si Yasmin gusto niya kahit na mapapanuod naman namin siya sa mismong pageant eh panuodin pa din namin siya. " Sorry Yas! Pero promise pag wala akong practice sa Theater mamaya pupunta ko agad don okay? " nakangiti kong sabi sa kanya kaya sumigla naman bigla ang gaga at kitang kita mo talagang umaliwalas bigla ang mukha. " Thank you Sam! Love nyo talaga ko! Sige na mag liligpit nako ng gamit. " at mabilis na kumilas sa pagkaka yakap sakin.

Pagka alis ni Yasmin binaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa pag babasa ng binili kong libro napaka tagal na kasi nato at hanggang ngayon hindi ko pa natatapos. Lilingunin ko pa muna sana si JR pero napansin kong nakatitig sakin si Derek. Kunot noo ko siyang tiningnan at tinanong. " Yes? May kailangan ka? " sabay sara ko sa libro ko. Ngumit naman siya sakin ay syet gwapo din tong isang to eh.. " Ahmm wala naman gusto ko lang magpa kilala sayo." Sabi niya at nilahad ang kamay sa harap ko. Tipid naman akong ngumiti ngunit di ko tinanggap ang kamay niya sorry may pagka suplada din naman ako minsan noh. "I'm Samara but call me Sam for short.. " pakilala ko dito. Bigla naman may lumipad na papel sa table ko at nilingon ko kung san ito nanggaling. Talaga nga naman oo nagiging retarded nanaman tong si Simon porke wala si Yasmin eh. Dinig kong nag tawanan sila ni Zander. " Opps sorry Sam hahaha. Cute mo kasing batuhin ng papel hahahaha. " sabi ulit ni Zander habang tawa ng tawa.Inirapan ko lang sila ngunit napansin kong nakatingin si JR sakin kaya mabilis kong binago ang ekspresyon ng mukha ko at ngumit kay JR at ngumit din sakin ang gago syet! Ang gwapo lang talaga ng prinsipe ko. JR kanina ka pa ahh kanina mo pa ko pinapakilig. Ano ba nakain mo? Huhuhuh.  

" Crush mo si James noh? " ano dawww? Ansabeee Derek . Bigla kong nilingon ang loko ano ba pinag sasabi ng bwiset nato kay bago bago hindi pa nag iinit ang puwet sa bangko napaka feeling close na. 

"Wow! Feeling close ka? Sino naman may sabi sayo na crush ko si James? manahimik ka nga dyan! " bara ko sa kanya. Binalingan ko na lang ulit yung librong binabasa ko at hindi na siya pinansin.

" Wehhhhh? Crush mo eh hahahaha. Obvious na obvious ka miss. " tawang tawang sabi nito sakin. Ang gago akala ko matino isa din palang pamwisit.

" Tigilan mo nga ako! Busy ako. Tse! " pag bawal ko sa kanya sabay talikod. Leche nato tsismoso!

" Grabe ka naman. Di naman ako tsismoso pero napansin ko kasi agad di pa naman ako nag tatagal dito sa bangko nato hahaha. " sabi ulit nito sabay tawa. Hah! Napaka FC naman ng mokong nato eh ano naman paki alam nya kung crush ko si JR! " Wala akong sinabing tsismoso ka, feeling close ka lang talaga! " inis kong sagot sa kanya at ang gago tumawa ulit.  " Ay sorry napipikon na ba kita? dont worry di ko na lang sasabihin sa iba yung napapansin ko hahahahaha. " pang aasar ulit nito sakin. Kaya hinarap ko na sya at inirapan. " Pwede ba Derek bago ka pa lang dito. Can you please shut up?! " pikon kong sabi sa kanya. " Hey relax hahaha. Binibiro lang kita napaka sersyoso mo naman. " Tinaas pa nito ang dalawang kamay na parang sumusuko at biglang ngumisi sakin dahilan para lalo akong mainis.  "Kung wala kang magawa wag ako ang bwisitin mo! Kung gusto ikutin mo tong campus para bukas di ka maligaw pag pumasok ka!" sabay talikod ulit sa kanya. Leche ka! Dapat dun ka sumama sa grupo nila Simon eh mas bagay ko don kesa kay JR. Gwapo sana napaka epal nga lang. Nadinig ko naman siyang tumawa pero di ko na lang pinansin inayos ko na lang ang mga gamit ko at kailangan ko pang mag report sa office bago ko lumabas napansin ko pang nilapitan nila Zander si Derek. Hah! Sige dapat yang lalake na yan ang ibully nyo. Napaka laki ng pagkaka iba nila ni JR ko noh kahit gwapo siya di niya makukuha ang atensyon ko pwe! Bwiset!

Even More (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon