Chapter Three

14 0 0
                                    

Ilang minuto na lang before 5 PM nag lalakad na kami ni Clifford papuntang office ni Sir Franco ayaw kasi nun ng late, nadaanan pa namin si Elle sa volleyball court na nag prapractice hindi nako napansin nito dahil sobrang focus niya talaga malapit na din kasi yung event kaya nga pati itong si Yasmin puspusan na din ang rehersal "Clifford hindi ka ba nabibigatan sa dala mo?" tanong ko dito. Eh ang dami niya kasing dala pati bola dala niya "Don't worry Sam kaya ko to, wala ngang kabigat bigat eh." pag mamayabang pa nito. Natatawang napailing na lang ako oo nga pala siya nga pala si Clifford Perez ang mayabang na gwapo at isa sa heart rob ng Southville.

Nakarating na kami sa office ni Sir Franco, kumatok muna ko bago pinihit ang doorknob. "Hi sir. Mag sasubmit lang po ako ng mga activities.. " seryoso itong nakaharap sa computer niya at nag na silip kong gumagawa siya ng report "Paki baba mo na lang sa table ko Ms Rodriguez." utos nito ng hindi ako nililingon. Sinunod ko naman siya at agad na nagpa alam. "Bye po sir." hindi man ito nag salita pero nakita ko siyang tumango sakin bago ako tumalikod.

 "Sam maaga pa naman tara muna mag coffee?" aya ni Clifford sakin, kung sa bagay maaga pa naman at para makapag kwentuhan naman kami matagal tagal na din kami di nakakapag usap simula nung nag umpisa ang practice nila para sa School Event.

" Sige pero libre mo ahh?? " sabi ko pa at mabilis naman siyang tumango sakin. Hayyy napaka bait talaga ng lalake nato swerte swerte ko talaga at naging kaibigan ko to.

 "Last practice tomorrow. Hoy Samara manuod ka hah ? " nandito kami ngayon sa café malapit sa school pinag masdan ko ang paligid aba puro couples ang nandito ahhhh.Kaya minsan di ko din masisi yung ibang nakakakita samin eh kung umasta kasi tong si Clifford eh. " Opo manunuod ako. Ahhh kaya nilibre mo ko para may supporters ka haha. " biro ko dito, kahit naman kasi hindi na magbayad si Clifford ng taga cheer eh may nag kukusa na yung iba nga gumagawa pa ng tarpaulin eh. Minsan nga may nakaka away pa ko nagagalit sakin at inaahas ko daw si Clifford sa kanila my god. " Hindi ah. Yung gwapo kong to hindi na kinakailangan mag bayad para lang magkaroon ng supporters. " pag mamayabang nito. Tinulak ko naman ng mahina ang mukha niya madalas kaming ganito ni Clifford kaya nga madami ang naiingigit saken, eh ano naman magagawa ko ? Si Clifford tong makulit na lapit ng lapit saken.


Take me to your heart take me to your soul
Give me your hand before I'm old
Show me what love is - haven't got a clue

Biglang may malakas na tumugtog kaya nagka tinginan kami sabay tawa para kaming sira ulong dalawa pinag tatawanan namin yung love song. Naalala kong puro couples kasi ang nasa loob kaya siguro ganun ang music.


Ilang minuto ang lumipas at nag aya na din akong umuwi, nakakaramdam na din kasi ako ng pagod nag prisinta si Clifford na ihahatid na din daw niya ko sa bahay para sure siya na safe ako. Ohhhh diba may pagka sweet din pala mokong nato.

Pag dating ko sa bahay naabutan ko si kuya na nag lalaro sa computer. Samantala itong bunso namin seryosong nanunuod ng volleyball sa TV, dalawang lalaki ang kapatid ko at ako ang nag iisang prinsesa sa pamilya namin. Hahaha areng. Hindi man lang ako pinansin ng magkapatid nato, pumasok nako sa kwarto at nagpalit ng damit. Ay tanga ka talaga Samara may practice ka pala sa theater ngayon dali dali akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si mama sa kusina.

" Mama may practice pala kami ngayon sa theater sa school. Nakalimutan ko po nakaka inis!" sabi ko dito habang abala, at nag luluto na ito ng hapunan namen at palagay ko malapit ng dumating si papa. Ang tanga tanga ko talaga sa haba ng oras kanina yun pa nakalimutan ko.

"Samara hindi mo ba tinitingnan yang schedule mo? alam mo naman na importante iyon " sabi nito habang tinitikman ang niluluto niya. Patay ako nito ehh, ako pa naman lead role tapos ako pa itong wala. Dahil sa pagiging memeber ko sa Theater sa school naka kuha ako ng half scholarship sa Southville kaya sobrang importante sakin yon. " Alam ko ma pero nawala sa isip ko sa dami ng ginagawa ko sa school. " paliwanag ko sa kanya. Umiling iling lang ito at pinag tuunan na ulit ng pansin ang pag luluto. Naka nguso na lang akong tumalikod at bumalik sa kwarto ko.

Habang wala pa kong ginagawa at nag luluto pa lang si mama ng hapunan naisip kong bisitihahin ang social media account ko at mabilis na hinanap ang account ni JR, tss wala talagang pag babago hayy nako kahit kelan talaga hindi siya updated. " Sam bumaba kana jan. Kakain na." Sigaw ni kuya. " Oo nandyan na. " mabilis kong pinatay ang cellphone ko at mabilis na bumaba ng kwarto grabe amoy pa lang napaka bango na , napaka swerte talaga namin kay Mama kaya mahal na mahal namin siya eh.

Umupo na kaming lahat sa harap ng dining table. " Samara sabi ng mama mo sakin nakalimutan mo nanaman daw na may practice ka ngayon. " pasensya na pa may pagka alsymers yung anak niyo eh. " Opo. Nawala lang sa isip ko ang dami ko po kasing ginagawa sa school . " explain ko. Alam ko hindi ako pagagalitan ni Papa ako kaya ang pinaka paborito natong anak ako lang daw kasi ang nag iisang anak niyang babae. " Nawala pala bakit hindi mo hinanap haha. " pilosopong sabat ng kuya ko sabay subo nito ng kanin. Ayooooon patawa din tong kuya ko eh.

" Bryan kumain ka lang jan, wag mo umpisahan yung kapatid mo.!" saway ni mama. Oh buti nga. Kahit kelan talaga isip bata tong si Kuya eh kaya laging iniiwanan ng girlfriend niya eh.

Even More (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon