Chapter Seven

8 0 0
                                    


Buti na lang at nakapag review ako kagabi, kahit medyo puyat kinaya ko pa din ang gumising ng maaga, nag lalakad nako ngayon sa hall way halos lahat abala na sa darating ng school event dito sa campus dalawang araw mula ngayon ay mag sisimula na ito kaya talagang puspusan na. Pati nga quiz namin puspusan na din akala mo naman mawawala yung quiz pag nag simula na yung event. 

"Good morning Sam." bati ni Derek sakin, naka upo ito sa arm chair. Pilit na ngiti lamang ang ibinalik ko dito. Hayyyy buti na lang naka ayos na mga upuan. Umupo nako sa upuan ko ng biglang dumating si JR kasama ang dalawang kaibigan niya, akala ko nabago na ang pakikitungo niya saken dahil sa nangyari kahapon pero mali pala. Back to normal nanaman. Napailing na lang ako at binuklat ang reviewer ko.

"Kung nakakalusaw lang ang pag titig, malamang kanina ka pa lusaw " natatawang bulong saken ni Derek.

" What! Can you please stop talking to me? Hindi mo ba nakikita nag rere--- " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nag salita siya ulit.

"He's staring at you." seryoso nitong sabi. Bigla naman akong natigilan, teka lang hah? Hindi kasi mag sink in sa utak ko yung sinabi ng mokong nato eh. Di nga ? Si JR ? Nakatitig sakin ? Napayuko naman ako bigla.

"Ano nanaman ba yang sinasabi mo ??" mahinhin kong tanong. Nikekeleg kashe ako HAHA.

" Aybingi!" naiinis nitong sagot at bigla akong tinalikuran. Aba loko to ah... Pagka tapos ako idistract tatalikuran na lang ako. Bastos!

Palihim ko naman tiningnan si JR pero busy ito sa pakikipag usap kila Leo at Simon. Buset na Derek yon ahh niloloko lang yata ako.

"Good morning guys." ay buset! Si maam naman bigla na lang pumapasok.

"Good morning ma'am.." bati naman namin.

"Guys ready yourself the quiz will start in one minute." sabi nito. Okay Samara erase erase muna lahat ng kalanturan mo, kailangan mong maiperfect yung quiz. Napatingin naman ako kay Derek seryoso itong nag babasa, kahit ayaw na siyang isali ni maam sa quiz hindi siya pumayag. Part daw yon ng pag hahabol niya sa lessons. "Ok let's start." sabi nito at saka pumalakpak bigla naman akong kinabahan.

Isang oras halos ang lumipas at natapos din ang quiz kaya nag simula nanamang mag ingay ang mga classmates ko, nag mamadali naman umalis ang prof namin kailangan daw nilang matapos yung arrangement sa program.

"Sam sumama ka sakin sa student council, ibibigay ko sayo yung mga ididistribute mo sa mga classmates natin para sa opening." ay gago ka. Uso ba gulatan ngayon ? Bigla naman akong napalingon. Ayyyyyy.. Hehe si JR pala.

Napatitig tuloy ako dito.... Ang gwapo gwapo niya talaga grabe.

"Ms Class President... Are you listening ????" kunot noong tanong nito saken. Ay hehe nakatitig pala ko. Naku Sam umayos ka nga nag mumuka ka nanaman ewan sa kinikilos mo.

Even More (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon