AFTER 7 DAYS
Simula nung pumayag ako na ihatid ako ni JR last week madami ng nag bago naging madalas nayon, lalo na nung natapos yung event minsan hinihintay niya ko sa lobby ng school pero madalas hinihintay niya ko sa tapat ng bahay namin. Madalas na din kaming mag kasama kung dati hindi niya ko pinapansin ngayon naman parang ayaw na niya kong mawala sa paningin nya. Nararamdaman ko parang may iba na sa pagitan namin pero natatakot akong tanungin kasi nga baka wala naman talaga baka friendship lang ang gusto ni JR, aaminin ko umaasa na talaga ko na baka may chance na. Sila Alli na mismo nag sabi na meron dahil kung wala hindi mangyayari lahat ng ito.
" Oh Sam napaka tahimik mo naman? " Tanong ni Elle. Nandito kami ngayon sa garden,sa wakas after the event nag kasama-sama na din kami. Panalo nanaman ang team nila Elle sa Volleyball at itong si Yasmin walang duda nasungkit nanaman niya ang title.
" Hayy nako pano hindi matutulala yan, eh nalilito na siya sa nararamdaman niya kay JR. " sagot ni Yasmin.
" Yas kahit kelan talaga mali ka. Etong si Sam confirm naman na talaga yung feelings nya for JR. Eto lang talagang si JR ang complicated." Alli is right.
" Ewan ko ba naman kasi sayo Sam bakit kasi natatakot kang tanungin kung anu ba talaga real score sa inyong dalawa. " dagdag pa ni Elle.
" Yes Elle is right. Why so scared?? " tanong ni Yasmin.
Ang sarap lang sa feeling na napaka understanding and supportive ng mga kaibigan ko. Pero para sa kanila madali na tanungin ko yon pero for me it's really hard kasi ako yung nasa situation.
" Girls alam niyo naman na hindi ganun kadali yon diba?. At isa pa babae ako parang desperada naman ang labas ko pag ganon. " I explained.
" Oh well it's your opinion. But what ever happens nandito lang kami for you ok? " Elle is really understanding.
" Tamaaaa. " Alli and Yasmin.
" Derek??? " Tawag ni Alli dito. Napalingon naman ako sa pwesto nito. Ano naman ginagawa ng mayabang nato dito sa garden.
" Hi Allison. Hi guys. " bati nito samin lahat.
" Ano ginagawa mo dito??" Tanong ni Elle.
" I'm looking for Percy, baka nakita nyo siya?? " oh well hindi kami hanapan ng nawawalang tao.
" Hindi eh. Baka kasama girlfriend nya." Sagot ni Alli.
" Ah sige thank you hah. " at umalis na din ito.
" Alam niyo guys yang si Derek gwapo noh? " sabi ni Yasmin. Tse!
" Yes he is. Iba yung pagka gwapo niya kay Tyron at JR. " sige Allison kompara mo pa.
" Wait. Sam kelan na nga yung tour naten?? " tanong ni Yasmin.
" Sa isang araw na. Bakit? " oo nga pala tour na.
" Ito kasing si Simon ang kulit kulit. Tabi daw kami sa Van eh ayoko nga!" Reklamo ni Yasmin.
" Nga pala ang tagal ng nanliligaw sayo non bakit di mo pa sinasagot??" Tanong ko.
" Sam alam mo naman hindi pa naka sulat sa book of life ko yang pag jojowa haha. " loko talaga tong si Yasmin.
" Eh kung ganon pala de bastedin mo na. Kawawa naman yung tao parang asong susunod-sunod sayo." Suwestiyon ni Elle.
" Girls hindi ko na kasalanan yon, at isa pa hindi ko sinabing ligawan nya ko. " gumana nanaman yung pagka maldita ng kaibigan ko.
" Bahala ka nga. Sige ka pag ikaw nainlove kay Simon tapos siya naman no pansin na sa feelings mo, ikaw din talo sa ending. " pananakot ni Alli. Pero talagang matigas tong kaibigan ko haha.
" Nevaaa.. Anyway oh eh ikaw Sam sinabi na ba ni JR sayo na tabi kayo sa Van? " tanong ni Yasmin.
" Hindi pa. Di pa kami nag uusap simula kanina. " namimiss ko na nga sya ehh.
" Aysus! Yan na nga ba sinasabi ko, mga paasa yang ganyan sa una lang magagaling. " etong si Alli hindi ko alam kung san ba panig. Minsan bitter minsan naman feeling in love.
Busy na kaming lahat para sa tour, nag grocery na nga kaming magkakaibigan eh. Napag paplanuhan namin na kami ni Elle ang magkatabi at si Alli at Yasmin naman. Mas mabuti na din daw yun para komportable. Sa bagay ok nga yon, pero ang hindi ok itong si JR mula kanina hindi ko pa siya nakikita,wala din siya sa council hindi din nagpakita sa room.
" Girls mauna nako sa inyo hah? May family dinner kami eh. " paalam ni Yasmin.
" Sige ingat. Ahmm Girls I need to go na din nag tetext na kapatid ko wala si mudra sa bahay. "Ah so talagang kami na lang ni Elle ang matitira after ng shopping at grocery nato.
" Oh sige ingat Alli. " paalam namin ni Elle.
" Sam parating na yung sundo ko, gusto mo ihatid ka na namin?? " hayyyyy mag isa nanaman ako?
" Ahh hindi na Elle. Thank you na lang, saka may nakalimutan akong bilin sa Book Store babalikan ko pa. " nakakahiya naman ang layo kaya nila samin.
" Sure ka hah? Oh eto na pala. Sam goodbye. Ingat sa pag uwi. " paalam nito saken at bumeso.
" Thanks ikaw din. Bye. " well Sam since maaga pa naman let's go mag lakad lakad tyo dito sa mall.
" Hello Ma'am good afternoon. " bati saken ng sales lady.
Ngumiti lang ako,nag diretso ako sa teen fiction area ewan ko ba bakit ang hilig ko mag basa ng romance wala naman akong napapala hahaha.
" Ay sorry." Sabay pulot ko sa mga nabagsak niyang dala.
" Shit! Hindi kasi tumutingin sa paligid." Nadinig kong sabi nito.
" Sorry na nga diba? Prob----!" Natigilan ako sa nakita ko. Sa damidami ng national book store eh dito pa kami nagkita. Lintik naman ohh..
" Sam!"
"Derek!!!" Ang oa ng reaction ko eh kasi naman ang arte. Buti nga pinulot ko pa eh.
" Why are you here?" Tanong nito. Aba at bakit siya lang ba pwede dito??
Tinaasan ko naman siya ng kilay. " At bakit ikaw lang ba may rights na mag punta dito?? " kala nya ahh..
" Wala akong sinasabi. Akina nga yan!" Sabay hila nito sa mga libro na hawak ko.
" Ikaw na nga tong tinulungan ikaw pa galit. " explain ko.
" Tsss.." teka nga kala ko ba mag papaturo saken yung mokong nato.
" Hoy Derek wait. Kala ko ba mag papatutor ka saken? " tanong ko.
" No! Not anymore. Kaya ko na." Pag susungit nito.
" Ang weird mo Derek. Saka bakit ba parang iniiwasan mo ko? " oo nga bakit nga ba hah?hmp!
" I'm not avoiding you. Your just assuming. " sagot nito at bigla akong tinalikuran.
Ang yabang talaga. Kaya mag kasundo sila ni Percy eh, parehong mahangin nakakainis di naman gwapo! Tse!
BINABASA MO ANG
Even More (On Going)
Teen FictionA story of a senior high school student who follows her heart and her dream.