Chapter Six

10 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa coffee shop dahil kay Allison , lahat kasi ng kaberatan alam ayon pati tong sila JR nasama at si Derek hindi niya tinigilan sa kadaldalan niya feeling ko tuloy naiirita na si mokong haha dapat lang sayo yan. Tiningnan ko si JR at tahimik lang na nag lalaro gamit ang phone nya " Nag lalaro ka pala niyan? " tanong ko. Aba syempre grab the opportunity minsan lang mag kakasakit si JR este magkaka roon ng mood sumama sa lahat ng pag aaya nila dito lagi silang bigo.

" Oo naman. " sagot nito saken at muling bumaling si nilalaro. Oo ako na ang laging nag fifirst move kay JR kasi naman kung hindi ako ang gagawa eh walang mangyayare noh.  Hindi ko nga alam kung alam niyang crush na crush ko siya eh.

" Alam mo gusto ko din sana matuto mag laro ng ganyan, kaso wala ng time hehe. " nahihiyang sabi ko dito habang sinisipsip ang milk shake inorder ko. Bakit ba kasi di ako matuto ng laro na yon.  " Turuan kita. " magka sabay na sabi ni JR at Derek. Nag tinginan naman ang mga kasama namin saming tatlo ano daw? tuturuan ako nino? nilang dalawa? Wow hahahaha nabibinge na ba ko? " Ano ba ginagawa niyo ? " tanong ni Elle saka nag palipat lipat ang tingin niya saming tatlo. Hayyy nako sino ba naman kasi may sabi na gusto ko magpa turo ng laro na yan. " Ah hehehe wala nanunuod lang ako kay JR " sagot ko dito saka inirapan si Derek.  " Uyyy tuturuan daw siya. Haba naman ng hair ng bestfriend ko hahahaha. " Panunukso ni Alli saka tumawa ng malakas.

" Ahmm guys mabuti pa ubusin na natin to. Baka gabihin pa tayo sa daan. " pag iiba ko sa usapan para na din sa iba mapunta ang atensyon nila. Pinandilatan ko naman si Alli ngunit ngumiti lang ito sakin. Baliw talaga.

" Yes Sam is right. Delikado sa mga girls ang gabihin sila sa pag uwi. " pag sang ayon ni JR saken pero kay Derek naman siya nakatingin.

Hindi din naman nag tagal at umuwi na din kami, napilit ni Simon si Yasmin na ihatid niya ito.... Love na love talaga niya tong bestfriend ko kaya kahit bully si Simon eh gusto ko siya para kay Yas. This is the most unforgettable day of my life, ito kasi yung araw na kinausap ako ni JR at napatunayan ko na kahit suplado siya eh bongga naman ang pagka gentleman niya hayyyyyy lalo tuloy akong naiinlove sa kanya eh siya lang naman ang nag hatid sakin pauwi halos lahat sila ay may sasakyan kami lang ni Yasmin tong wala pero si Yas may sasakyan siya at may driver hindi lang talaga siya nag pasundo para maihatid ni Simon. Bwiset na Allison kay JR ako pilit na ipinasabay at may dadaanan pa daw siya at hindi daw yon along the way pero alam na alam kong plano talaga ni Alli yon para kami ni JR ang magka moment. Gaga talaga yung babae na yon pero sobrang thankful ako at nakasama ko si JR kaya lang nung nasa daan kami halos walang gustong mag salita samin dalawa. " Music tayo. " paalam ko sa kanya saka pinundot yung sounds system sa kotse niya.  Tumango lang siya bilang sagot sakin. 

Even More (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon