Pag labas ko ng classroom napansin kong naka sunod sakin tong Derek nato. Ano ba trip ng bwiset nato? Hindi ba niya alam na ako ang Class President? Nag dire diretso na lang ako sa pag lalakad nasa likod ko sila nila Zander hindi nako mag tataka kung bakit mabilis silang nakapag palagayan ng loob pare pareho silang bwiset!
" Samara si James nakati----" hindi ko na pinatapos pa sa sasabihin si Derek mabilis akong huminto at sabay batok! Bwiset ka!
" Araaaayyy. Makapanakit naman to. " dapat lang sayo yan gago! Nasaktan ang uto haha hindi na binitawan yung batok niya. Bigla naman nag tawanan sila Zander sabay akbay kay Derek.
" Feeling close ka din eh nohhh??? " naiinis kong sabi. Napansin kong nauna ng mag lakad si JR kasabay ni Simon. Naiwan na magka akbay si Derek at Zander.
" Eh totoo naman kasi nakatingin siya sayo. Dapat pala di ko na lang sinabi. " sabi nito na naka nguso pa habang hinihimas ang nasaktan niyang batok.
" Epal ka noh? Mapag gawa ka ng kwento. Umuwi kana nga! " at nag lakad nako ng mabilis. Dinig ko pang nag tawanan silang dalawa at malakas na nag apir tss parehong bugok. Agad naman akong nakarating sa office ng theater namin naka usap ko ang president namin at sinabing wala munang practice humingi din ako ng pasensya sa nangyare kahapon pero wala din palang practice kaya naka hinga ako ng maluwag. Minabuti ko ng pumunta sa gym pra mapanuod mag rehearse si Yasmin nakita ko naman agad sila Alli kaya mabilis ko na silang nilapitan at nakakatuwang naka reserve na pala ang uupuan ko. Nang mapansin ako ni Alli bineso niya ako at itinuon uli ang atensyon kay Yasmin na panay ang pacute sa mga nanunuod at sabay flying kiss sa mga lalaking hiyaw ng hiyaw sa kanya. Natatawang napa iling na lang ako sa dami ng gustong manligaw kay Yas itong si Simon lang ang nakapasa pero kahit na nakapasa itong si Simon di pa din ganun kadali ang inaabot niyang panliligaw kay Yas. Nang makita ko ni Yas mabilis naman siyang kumaway sakin at ngumiti kaya ganun din ang ginawa ko sa kanya. Etong si Elle naman busy masyado sa pag ppractice sa Volleyball, habang pinapanuod namin si Yas dinig na dinig ko ang inay sa likuran namin. Kaya mabilis ko itong nilingon naknam putcha naman talaga abat hanggang dito ba naman. "Tssssss" sabay irap ko sa kanila. Ang mga mokong kaya pala nandito sinamahan si Simon na manuod kay Yas. "Hi Sam" bati nito sakin at di pa nakuntento bwiset kinalabit pa ko. " Oh ano ? Bat ba di ka pa umuwi! " inis kong lingon dito.
" Ayoko pa maaga pa eh. Sungit naman hahaha " sabay tawa.
" Kung ayaw mong umuwi tigilan mo ko! Nanunuod ako! " pag susungit ko. Masyadong abala nakitang nanunuod ako eh. Bwiset!
"Grabe naman! Ang sungit naman ng Class President nato" sabay lingon kay Zander. Ah alam naman palang class president ako eh bakit ako ng pinag ttripan mong bwiset ka!
" Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo. " inis ko siyang tinalikuran at tinuon na lang ang atensyon ko sa panunuod.
" Sam I though you will not gonna co-- " si Elle. Napahinto ito sa pag sasalita at napatingin sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Even More (On Going)
Teen FictionA story of a senior high school student who follows her heart and her dream.