Chapter Ten

7 0 0
                                    


Nandito kami ngayon sa The Other Place isa sa mga sikat na restaurant dito sa Batangas hindi ko alam kung ano ang meron bakit may dinner kami masyadong pa suspense tong si papa at kailangan pang lumabas.  Magkaka tabi kaming tatlo si papa naman sa trono eka nga nila at si mama sa kanan naman malapit kay papa sa pag order ng pagkain kami ang nasusunod kaya walang natitira pag sa labas kami kumakain.

"Siguro nagulat kayo dahil bigla ko kayang inayang mag dinner sa labas?" si papa.  Nagpalipat-lipat nang tingin si papa samin. Nag taka tuloy ako.

"Bakit nga po ba pa?" tanong ni kuya. Na nakatingin din sa kanya.

"Well kinausap ko na ang mama ninyo about dito sa trabaho ko i have a seminar sa states for 6 months and-" 

"6 months papa?" napalakas yata boses ko dahil nag tinginan samin yung mga ibang nasa table na kumakain.

"Yes Sam. And after that seminar magkakaroon ako ng madaming opportunities at isa pa dahil sa ibinigay saking project kaya ko kailangan yon anak." pagpapaliwanag ni papa.

"Pero papa napaka tagal naman po ng 6 months." sabi ko habang pinag lalaruan ko yung tissue.

"I know Sam pero kailangan ko din tanggapin yon dahil lumalaki na kayo ng mga kapatid mo at hindi biro ang pagpapa-aral anak." 

"Tama si papa Sam.. Kahit ayaw niyang malayo satin hindi naman ppwede yon dahil pareho na tayong nasa kolehiyo lalo na ikaw at highschool na si Luis." si kuya. 

May point naman sila pero nalulungkot lang kasi ako na kailangan pang lumayo ni Papa para sa amin. Tiningnan ko si mama nakita ko sa mga mata niyang malungkot siya pero wala siyang magawa dahil para din samin yung gagawin ni papa. Nakita kong hinawakan ni papa ang kaliwang kamay niyang nakapatong sa lamesa ngumiti si mama sa kanya at nag buntong hininga. Gusto ko pa sanang mag salita kaso dumating na yung order namin, kumain kami at nag kwentuhan saglit tapos umuwi na din, pagkatapos kong mag linis nahiga nako. Naiisip ko pa din yung mga sinabi ni papa samin sobrang nalulungkot talaga ko naiisip ko pa lang na aalis si papa pero sa usapan naman namin kanina sinabi niyang aalis siya pagkatapos ng graduation ko kaya kahit papano nabawasan yung bigat ng nararamdaman ko. 

Pipikit na sana ko nang biglang may kumatok sa pinto, kaya bumangon ako agad para buksan at bumungad sa harap ko si Papa. Naupo kami sa kama ko at malungkot ko siyang tiningnan.

"Sam anak pwede ba kitang maka-usap?" tanong ni papa.

"Opo papa."

"Alam ko masyado ko kayong nabigla sa mga pangyayari lalo kana. Pero sana naiintindihan mo ako." sabi ni papa saka hinawakan ang kamay ko. Tumango naman ako.

"Opo papa. Huwag po kayong mag-alala mag aaral po kaming mabuti para masuklian yung pag hihirap niyo samin nila kuya." sabi ko at niyakap ko na siya. Naramdaman kong gumanti din ng yakap si papa sakin.

"Salamat anak. Mahal na mahal namin kayo ng mama ninyo kaya gagawin namin lahat para mapaganda ang buhay niyo.. " bumitaw si papa sa pagkaka yakap sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Basta anak si mama niyo tulungan niyo hah wag niyong bibigyan ng sakit ng ulo." paalala niya na parang natatawa pa.

"Malabo papa na mangyari yon hehe." sabi ko.

"Osige anak mag pahinga kana at bukas na yung event niyo. " tumayo na si papa at hinalikan ako sa ulo.

"Goodnight po papa." 

Pagkalabas ni papa ng pinto nahiga na ulit ako napaka sarap ng may papa na napaka bait sobrang swerte na yata namin sa magulang na hindi kami pinapabayaan.. 


Masyado yatang masarap ang tulog ko kagabi pagka tapos namin mag usap ni papa kaya eto ako ngayon kumakanta kanta pa habang nag susuklay katatapos ko lang maligo excited din ako dahil eto na ang unang araw ng school event namin. Pagka suklay ko bumaba na ko para mag breakfast.

"Oh Sam halika na dito. Naka handa ang pagkain." si mama.

"Opo ma. Nasan si kuya?" tanong ko. Himala kasi.

"Hay nako maagang umalis at kailangan daw niyang ipasa yung project niya. Ewan ko ba sa kuya mo na yan." sagot ni mama saka inabot yung plato sakin.

Even More (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon