Chapter 8
Proposal
Bigla na lang akong may naramdaman na malamig na dumikit sa pisngi ko. And I almost jumped from my seat. It's cold... Pagtingin ko naman kung sino iyon ay nakita kong nakangiti na sa akin si Kalyx at pinakita niya sa akin ang dala niya.
"Strawberry chocolate frappe." Pagkatapos ay binigay niya iyon sa akin.
We were at the library. We agreed to meet here today to study. Malapit na rin kasi ang exams week. Hindi ko alam kung pwede lang ba rito sa library ang pagkain, but it's just a drink...
"You like that, right?"
Unti-unti naman akong tumango sa kaniya. I like food with strawberries in it. I also like strawberry shortcake. And with chocolate pa sa strawberry for me it's just the perfect combination. "Thank you." I thanked him.
Ngumiti lang naman sa akin si Kalyx at nagbukas na ng libro. I also noticed na mukhang pinagbubutihan na rin niya ngayon ang pag-aaral niya. I think makakabawi pa naman siya and he can also graduate on time. Basta ba ay magsipag na siya ngayon sa studies niya. At mukhang iyon naman ang ginagawa niya.
Paglabas naman namin ng library ay nakasalubong namin sina Bianca at Kassie. Masama agad ang tingin ni Bianca kay Kalyx na kasama ko. While Kassie chose to just check on me.
"Hi, Rin. You're probably reviewing for the exams?"
Tumango ako kay Kassie. "Uh, yes. Kayo rin?" Tumingin ako kay Bianca at nakita kong bahagya na lang siyang nagbuntong-hininga.
Pagkatapos ay nagpaalam na rin sila sa aking tutuloy na sa loob ng library.
At pagkaalis nina Bianca ay nakita ko namang mukhang bahagyang tumawa si Kalyx. "I really don't get Bianca. She's still mad at me for something from years ago?" Napailing din siya.
Nalaman ko na rin iyong dati tungkol sa kay Kalyx at iyong naging kaibigan din ni Bianca sa first year pa...
Kalyx looked at me. "Anyway, I think I didn't know that you're a friend to Bianca." He said.
Tumango naman ako. "Oo, noong high school pa."
Nakita ko namang bahagyang kumunot ang noo ni Kalyx. "Really? Did we come from the same high school? I didn't notice..." Tumingin siya muli sa akin.
"Uh, ako rin parang hindi rin kita nakita dati... At isa pa hindi lang din si Bianca ang friends ko..." And back in high school I was mostly always with Janine and Ethan than I was with Bianca and the others.
And Bianca also has a lot of friends. She's friendly.
"Ihahatid na kita sa inyo..." Kalyx offered after. At tapos na rin kaming mag-study. It's time to go home...
Umiling naman ako sa kaniya. "Hindi na, papunta na rin ang driver..." sabi ko naman. Palaging hatid-sundo lang ako ng driver namin. Hindi rin kasi ako masyadong pinapayagan ni Mommy na mag-drive.
Si Ethan lang din dati ang nakapagturo sa akin ng driving. At dati ay hinahatid at sinusundo rin ako madalas ni Ethan, but now ang driver na lang namin ang palaging naghahatid-sundo sa akin sa university.
Tumango na rin si Kalyx sa akin pagkatapos.
One time Henry called for us to meet. He's like Ethan's best friend. He was also our class president back then. Henry excelled in both academic and sports. He's also talented and he knows dancing and singing. May skills din siya sa arts. And he's a good guy. Also good looking, too. He was like the leader of our group of friends in high school.
"What's up, Ry?"
Tumingin ako kay Bianca na lumapit na agad kay Henry pagdating namin sa pinagkitaan.
BINABASA MO ANG
Selflessly
General FictionCzarina Alcantara has always put everyone first before herself... She loves selflessly... While the bad boy Kalyx Gavin Sevilla has been nothing but selfish.