Chapter 4
An Agreement
The next morning ay nagulat na lang ako na nagising na ako sa tabi niya. Mabuti na lang at natutulog pa naman siya. Tiningnan ko siyang nakapikit pa naman ang mga mata. Agad na rin akong bumangon pagkatapos.
And then I thought of making him breakfast. Lumabas muli ako para mag-grocery sa baba lang naman. I have to buy eggs and other.
Last night when I thought of his situation and that I couldn't leave him all alone like that being sick. Wala siyang kasama kaya sinamahan ko na muna siya. Nag-alala na rin ako na paano kung tumaas pa ang lagnat niya. He has no other person in his place to take care of him.
I also thought of using his phone and calling someone. His friends ba. To come over and look after him kasi kailangan ko na rin umuwi kagabi at hahanapin na ako ni Mommy sa bahay. But then I realized that I didn't really know that much about him. At ayaw ko rin na pakialaman ang phone niya. At baka hindi ko rin alam ang password.
So in the end I managed to call at home and told Manang that I'll be staying in Bianca's house... Kilala na rin naman ni Mommy si Bianca at nakatulog na rin ako dati sa kanila...
I knew that I lied... And it wasn't any good. I'm being a bad girl and not the good girl that daddy had always told me to be...
Pero ngayon ko lang naman din ginawa ito...
I sighed. And then I started making breakfast. Naturuan din naman kasi ako nina Manang sa bahay when it came to cooking. Hindi pa naman ako talagang expert sa pagluluto. But I already know how to at least. At simple't usual na breakfast lang din naman ang ginawa ko. Nagprito lang ako ng itlog at hotdog. And then rice. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang inumin sa umaga. Pero dumaan na rin ako kanina sa isang coffee shop d'yan sa baba na nakita ko at bumili ako ng coffee namin.
Sakto na tapos na ako sa niluto nang makita kong nandoon na sa kitchen niya si Kalyx nakatayo at tiningnan ako. Nagkatinginan din kaming dalawa.
"I thought you left already..." He said.
Umiling naman ako. "Uh, how are you feeling now? I want to check your temperature again. And, I also made breakfast now. Kumain ka na para makainom ka rin uli ng gamot ngayon..." sabi ko naman sa kaniya.
Tahimik lang siyang umupo roon at tiningnan ang pagkain na hinanda ko. "Let's have breakfast." He said.
Tumango naman ako at naupo na rin doon na nagsimulang kumain kasabay siya.
After that ako na rin ang naglinis ng pinagkainan namin. Ininom niya rin iyong coffee na binili ko kanina. Pareho lang din iyon ng sa akin. It's actually my favorite. I'm glad that he likes it, too.
Pagkatapos I asked him to check his temperature. Ginawa naman niya. At nakita ko rin ang result na bumaba na nga ang lagnat niya. Napangiti ako. It's just my first time to take care of someone sick by myself. And I just kind of feel proud of my self a little. I feel like I did a good job kahit papaano.
"I have to go home now. Baka hanapin na talaga ako sa amin. I will leave your medicine here. Please take it still kahit pa bumuti na ang pakiramdam mo para hindi ka na rin balikan pa ng sakit." bilin ko sa kaniya.
Kinuha ko na rin ang bag ko pagkatapos at handa na akong umalis.
"Wait,"
Bumaling muli ako sa kaniya nang tawagin niya ako.
"Uh, thank you..." aniya.
Bahagya naman akong napangiti sa kaniya at tumango lang. And then I already got busy with my phone dahil nakatanggap na nga ako ng tawag kay Mommy.
"Yes, Mom. Opo, pauwi na po ako ngayon." I answered my phone. Nakalabas na rin ako sa condo ni Kalyx at tuluyan nang nakaalis pagkatapos dumating ng binook ko na sundo.
And then weeks later, it was our enrollment for the next semester already. Parang hindi lang namin naramdaman ang ilang linggo na break namin at fourth year na rin ako ngayon sa course ko. It's my last year until I finish Political Science.
And during our enrollment, I saw Ethan and Janine together. Palagi naman silang magkasama noon pa man, at kasama rin nila ako. Pero nitong break ay iniwasan ko na rin muna ang magkita kami...
Unang lumapit sa akin si Ethan nang makita nila ako ni Janine. "We've invited you a few times during the break. Pero hindi ka sumasama sa amin. Janine and I went to Boracay..." He said.
Nakita ko nga rin iyon sa Facebook post ni Janine. I smiled to Ethan. "It's okay, uh, have you had fun? It looks fun." I said.
Ethan sighed. "You should join us next time."
Tumango na lang din ako sa sinabi ni Ethan.
"And, Rina, about Kalyx Sevilla..."
Natigilan ako. Magpapaalam na sana ako kay Ethan na aalis pero binanggit pa niya si Kalyx. Napatingin ako sa paligid. Baka may makarinig sa kaniya...
"I just can't... I really don't believe that you two know each other, you know—"
Hindi ko na alam ang isasagot ko kay Ethan o ang sasabihin ko pa sa kaniya. And then I realized that I didn't just lied to my mom the last time about sleeping in Bianca's house... But I remember that I also lied to Ethan about this...
Bigla naman akong nakaramdam na may tumayo sa tabi ko at inakbayan na naman ako. Pagtingin ko ay nakita kong si Kalyx iyon. Bahagyang umawang ang labi ko.
"Are you done here? Let's go now?" He asked me na parang wala lang. Like it's just the normal thing he does. He was looking at me.
Nakatingin kaming dalawa sa isa't isa. Hanggang sa unti-unti na rin akong tumango sa kaniya. At sumama... Wala na rin nasabi pa si Ethan na pinigilan din siya ni Janine na tawagin pa ako.
Nang makalayo na kami roon ni Kalyx ay bumitiw din muli ako sa kaniya. "What are you doing..."
He looked at me. "Didn't I just saved your ass there?"
Hindi ako nakasagot sa kaniya.
"Look, I don't really get the thing fully... But I guess you're trying to get away from those people?" He's talking about Janine and Ethan. "And you're also Bianca's friend, right?"
"Are you close with Bianca?" I asked him.
Umiling naman siya. Pagkatapos ay ngumisi rin siya. "Bianca? No way." He looked at me again. "Anyway, didn't you hear ang nagkakalat din ngayon na usapan sa campus natin?" He asked me.
Napaisip naman ako. Umiling ako. I'm not really aware of most of the other people's business...
"People are talking about you and I. Remember when I left the bar with you the last time? Now everyone thinks we're a thing." He said.
My eyes widened a fraction. "What?"
He just nonchalantly nodded. "Yup. And how about you? Why does your friend seem to have always mentioned me to you? Ano bang pinag-uusapan ninyo tungkol sa akin." He asked.
Umiling naman ako sa kaniya. "It's nothing..."
"Hmm. Really? You can tell me... if you're in trouble, you know..."
Nagkatinginan kaming dalawa pagkatapos ng sinabi niya.
And then that day ended with the two of us ending up making a deal. An agreement that both of us could benefit...
Or was it mostly just me? Kasi hindi naman talaga niya ako kailangan...
BINABASA MO ANG
Selflessly
General FictionCzarina Alcantara has always put everyone first before herself... She loves selflessly... While the bad boy Kalyx Gavin Sevilla has been nothing but selfish.