Chapter 4

13 0 0
                                    

ROBBED FOR YOU

Chapter 4

Ang akala ko isang beses lang siya bibisita, para mag-check lang. Pero nasundan pa pala. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi sampu na. O ewan, hindi ko na mabilang.

Tatlong buwan na akong buntis. Ang sabi niya ay day-off niya naman kaya may libreng oras siya para bumisita rito. Minsan maaga siyang pumupunta siya ang nagluluto ng pagkain ko sa umaga at ng baon rin sa tanghali. Para raw healthy, para sa baby.

Kung minsan naman at hindi niya ako na-aabutan ay bumibisita siya sa bakery at doon ibibigay ang mga dapat kong kainin at inumin, para healthy si baby. Nagtataka na tuloy si Aling Susan, pero hindi magawang makapagtanong dahil hindi niya ugali. Siguro ay tsaka na magtatanong kapag lumobo na ang tiyan ko.

Sa dalawang buwan, ang alam ko ay walong beses lang ang day-off. Apat sa isang buwan dahil bawat isang linggo may isang araw na day-off. Pero ang dalas naman yata ng day-off niya o kaya naman ay nagpapa-swap lang siya ng sched.

"Check up?" tanong ko sa kanya. Tanghali. Nandito siya sa apartment ko at may dalang groceries ulit. Nagtutupi ako ng mga labahan ko at siya naman ay inaayos ang grocery sa mini ref na binili niya para sa mga groceries. Gusto ko mang tanggihan ay hindi ko na ginawa, masasayang ang ilang prutas at gulay na bili niya kapag hindi ko na ref.

"Yeah."

"Kailan?"

"This Saturday? Your day-off right?"

"Okay, sige."

Nagpatuloy kami sa ginagawa namin. Tahimik lang kami. Nang matapos ako sa pagtutupi ay tumayo na ako para magluto at siya naman ay patuloy pa rin sa paglalagay ng groceries pero ngayon ay sa cabinet na.

Bumaling siya sa akin nang makita akong kinuha ang kawali. Nagkalapit kami sa isa't isa nang pumunta ako sa lababo.

Ang bango...

Sinabunan ko kawali. Napalayo siya sa akin para kunin sa mesa ang iba pang groceries. Ako naman ay binanlawan ang kawali.

Ganoon nalang ang pagtigil ng hininga ko ng maramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko. Ang mabangong amoy niya na hindi ko matukoy kung ano ay pumasok sa mga ilong ko at may kung anong idinulot sa akin.

Nilingon ko siya at ang una kong nakita ay ang mahaba at makinis niyang leeg. Napaawang ang labi ko nang makita ang maliit na nunal roon. Inangat ko ang ulo at natagpuan siyang nasa akin na ang tingin at hindi na sa cabinet na kanina lang ay inangatan niya ng tingin.

Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya at napunta lang ulit iyon sa leeg niya dahilan para makita ko ang paggalaw ng adam's apple niya.

Ang bango...

Parang hinihila ako ng bangong meron siya at para inuutusan ako ng katawan ko na ibaon ang ilong ko roon para ubusin ang amoy niya. Napapikit ako at nagpahila sa nararamdaman...ang bango.

Parang sariwang hangin na hindi mo pagsasawaan, parang...

Mabilis na napadilat ang mga mata ko nang marinig ang tunog ng cellphone ko.

Nagtagpo ang mga mata namin. Ang mga mata niyang parang inaantok ay natagpuan ang aking nanlaki dahil sa gulat. Umiigting ang mga panga na napalunok siya at umiwas tingin. Inayos muli ang groceries sa taas ng cabinet.

"Hello..."

"Ate," nanginginig ang tono ng boses ko.

"Simon..."

"Ate, si tatay dinala na naman sa ospital." nanginginig ang boses niya. "Kaninang madaling araw nahilo siya hindi makatayo, akala lumilindol. Sinabihan ko na eh na ako na ang magsisibak ng kahoy, sinabi kong ako na maglalaba..." hindi mapagpatuloy ng kapatid ko ang gustong sabihin.

Robbed For You(Buenafluente Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon