Chapter 1

8 0 0
                                    

ROBBED FOR YOU

Chapter 1

"Tuloy na ang alis mo bukas, ate?" tanong ni Simon. Kapatid ko.

Nasa kusina siya at ako naman sa banyo naglalaba ng mga damit namin.

Tumango ako. Bumagal ang paghugas niya ng plato at biglang nanahimik.

"Alam mo naman na kailangan, 'di ba?" tinigil ko ang paglalaba. Pinunasan ko ang mga kamay gamit ang shorts kong pambahay.

Tumango siya. "Pero ate..." hindi niya matapos ang gustong sabihin kasi alam niya. Alam niya na hindi pwedeng lagyan ng 'pero' itong sitwasyon namin.

Magse-senior high na siya at mas lalong kakailanganin ng pera para sa pag-aaral niya at si Tatay kakailanganin ang gamot para sa maintenance niya, dahil delikado na ang blood sugar niya.

Hindi sapat ang paglalaba ko ng damit ng kapitbahay para sa mga gastusin na 'yon. At isa pa mababa ang sweldo dito. Doon sa maynila, sigurado akong sasapat. Ang classmate ko dati na waiter ang ama sa maynila ay nakaka-ipon naman daw ng sapat para sa kanila.

Nang sumunod na araw ay hinatid ako nila Tatay at Simon sa terminal ng bus.

"Mag-ingat ka anak, ha." tumango ako at binigay ang yakap sa kanila. Hindi pa man tuluyang nakaka-alis ay tumulo na ang mga luha ko. Parang may pumipiga noon habang niyayakap ko silang dalawa.

Sobrang iyakin ko talaga.

Graduate ako ng senior high school at sa tingin ko naman ay may kukuha sa akin na mga restaurant doon. Marunong naman akong mag-english at nakasali naman ako sa honor roll noong nag-aaral pa lang.

Nang makarating ako doon ay namangha ako kahit sa ingay palang ng mga sasakyan. Pati ang traffic hindi kapani-paniwala.

Nagta-traffic din naman sa probinsiya pero hindi ganito kalala.

Nang makarating doon ay naghanap kaagad ako ng apartment na matutuluyan. Napag-ipunan ko naman na 'to kaya kinaya naman ng budget ko. Inayos ko ang gamit ko at mamayang gabi ay pupuntahan ko na ang mga restaurant na si-nearch ko sa computer shop noong pinaplano ko palang ang pagpunta ng maynila.

Nang sumunod na araw ay nagbihis ako at inayusan ang sarili para maging presentable. Naturo kasi sa amin 'yon sa isang subject, isa daw iyong dahilan para tanggapin sa trabaho.

Bago ako sumakay ng jeep ay nagtanong pa ako sa mga manong doon kung anong dapat sakyan para makarating sa lokasyon ng restaurant na gusto kong apply-an.

Tahimik akong sumasakay sa jeep nang mapansin kong tinitignan ako ng isang lalaking may katabaan. Kapag nakikita niyang nakatingin ako sa kanya ay umiiwas.

"Manong bayad po." abot ko ng pamasahe sa konduktor ng jeep nang makababa na ako.

Nang ibabalik ko na sana ang wallet sa bag ko ay bigla nalang itong nawala.

May humablot!

"Magnanakaw!" I shouted at the top of my lungs. Parang-awa niyo na. Huwag naman ngayon!

Hinabol ko 'yon. May tumulong sa akin na humabol pero tulad ko ay hindi rin nila naabutan. "Ayos ka lang, miss?"

Gusto ko man tignan ng masama ang nagtanong ay hindi ko magawa. Tumulong naman sila. Pero kasi walang kwenta ang tanong.

"Report namin sa pulis, miss."

Ilang buwan ko ding pinag-ipunan 'yon. Ilang labada ang kinuskos ko magkaroon lang ng ganoong halaga. Sumakit ang likod ko noon. Ilang labenderya 'yon. Grabe ang pawis at pagod ko doon. Tapos may mga tao na hahablutin lang 'yon tapos sa kanila na? Bakit ba may maga ganoon? Ang daya!

Robbed For You(Buenafluente Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon