Chapter 7

9 0 0
                                    

ROBBED FOR YOU

Chapter 7

Mabilis akong napatayo sa higaan ko at tumakbo patungo sa lababo nang maramdaman kong muling hinahalukay ang tiyan ko. Hindi na 'to bago sa akin dahil halos tuwing paggising ay nasusuka ako pero hindi pa rin ako nasasanay.

Matapos kong sumuka ay hinugasan ko ang bibig ko. Natigilan ako sa pagsara ng gripo ng may maramdaman akong humagod sa likod ko at may baso ng tubig na lumitaw sa harap ko.

Nanindig ang mga balahibo ko sa haplos niya. Nanginig ang mga tuhod ko nang parang naririnig muli ang boses ng lalaking magnanakaw.

"Are you okay now?" bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Greg.

Tumango ako sa kanya at tinanggap ang baso ng tubig para inumin.

Dito siya natulog kagabi. Hindi niya man sinabi ang dahilan pero alam kong hindi siya umuwi dahil sa nangyari.

Nahihiya ako dahil wala akong maialok na foam man lang na maari niyang higaan ng komportable. Sa sofa siya natulog at sobrang hindi komportable niyang tignan dahil halos hindi magkasya ang katawan niya. Sa akin pa nga lang hindi na magkasya ang sofa, sa kanya pa kaya na mas malaki at mas matangkad.

"Does this happen every morning?" tukoy niya sa pagsusuka ko. May dumaang pag-aalala sa mukha niya.

Tumango ako. "Hindi naman araw-araw pero halos."

Tumango-tango siya na parang may naintindihan pagkatapos ay inayos ang salamin.

"You should eat breakfast. I'll help you with some of your things so we can move by lunch time."

Tahimik kaming kumain ng agahan. Napatingin ako sa kamay niyang nakabalot lang sa mga panyo dahil walang akong guaze.

"It's alright now." sabi niya nang makita kung nasaan ang tingin ko.

Nauna siyang matapos kumain, nang matapos ako ay sabay kaming tumayo para kunin ang plato ng isa't-isa.

"Ako na ang maghuhugas ng plato. May sugat ka."

Nang sinabi ko iyon ay napagtanto niyang tama ako kaya tumango nalang siya. Pero imbes na umupo nalang sa sofa para magpahinga ay lumapit siya sa akin sa lababo at siya ang nagpunas ng plato bago iyon ilagay sa dish rack.

Matapos naming maghugas ng plato ay nagpunta kami sa kwarto at tinulungan niya ako sa pag-aayos ng ilang gamit at paglalagay noon sa travel bag na ginamit ko sa na pinaglagyan ng gamit patungo dito sa maynila. Ako naman ang nag-ayos ng mga damit ko dahil kaunti lang naman iyon.

Nang matapos na bumyahe kami sa papunta sa condo na sinasabi niya. Nakatulog ako sa byahe dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit na nagtupi lang naman ako ng damit at naghugas ng plato na kaunti lang naman. Nagising ako nang maramdaman kong mahinang pagtapik sa aking braso.

Nang buksan ko ang mga mata ko nakasalubong nito ang kayumangging mgamata na natatakpan ng salamin. Mahabang mga pilik-mata at makapal ang mga kilay. Bumaba ang mga mata ko sa labi niyang gumagalaw na para bang may sinasabi sa akin.

"Yuri..."

Parang malambot iyon at...

"Yuri...we're here."

Nakakurap ako.

Tumayo siya ng tuwid dahilan para makita ko ang paligid. Maraming sasakyan na mamahalin na nakaparada. Siguro ay basement ito.

Lumabas ako nang sasakyan. Saglit pa akong nag-panic dahil hindi ko siya nakita pero gumaan din naman ang pakiramdam nang makita siyang galing sa likod ng sasakyan at dala-dala na ang bag kong may lamang gamit.

Robbed For You(Buenafluente Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon