Chapter 2

14 0 0
                                    

ROBBED FOR YOU

Chapter 2

"Sa barangay ba pwedeng makapagawa ng ID? Kahit national ID lang sana." tanong ko kay Agatha. Nasa apartment ko kami. Dito na siya kumain para sa pananghalian dahil hindi na siya nakapagluto at pupunta na sa trabaho mamaya.

"Meron. Para saan ba?"

"Para makapag-apply na ako sa restaurant. Medyo nauubos na kasi 'yong nakuha ko dati."

Tumingin siya sa akin at napangisi. Napilit niya akong i-kwento sa kanya ang nangyari. Nagtanong din kasi ako sa kanya kasi wala din naman akong alam tungkol doon sa bagay na 'yon. Sinabihan niya ako na parang 'di ko daw ginawa ang trabaho ko. Parang si Greg pa daw 'yong nagtatrabaho imbes na ako.

Wala naman akong alam. Tinuruan naman ako ni Agatha pero noong nandoon na, nakalimutan ko lahat ng tinuro niya.

"Bakit?" tanong ko kahit alam ko naman ang dahilan ng mga tingin niya.

Ngumisi siya. "Wala. Pero dapat magdala ka ng birth certificate mo."

"Meron ako dito."

Ang ID ko ay nasama sa wallet ko kaya hindi ako makapag-apply sa restaurant. Mabuti nalang at nasa sa folder ng bag ko ang birth certificate ko at iba pang importanteng dokumento noong mangyari ang pagnanakaw.

"Sige samahan kita magpa-ID para ma-asikaso ka kaagad. At saka may mga alam akong restaurant malapit lang. Pero ayaw mo na ba sa bakery?"

"Gusto naman. Mabait si Aling Susan at nagpapa-uwi din na tinapay minsan pero sapat lang ang suweldo ko para sakin. Wala akong mapapadala."

Nag-usap pa kami tungkol sa ibang bagay hanggang sa nagpaalam na siya umalis at pumunta na sa trabaho.

Nag-compute ako ng mga kakailanganin ko at kung ilan ang estimate na budget ang dapat meron ako para makapag-survive pa.

Mahina kong tinampal ang sarili nang maisip ulit na gawin ang ginawa ko dati. Siguradong hindi iyon magugustuhan ni Tatay at ni Simon para sa akin. Pero...para naman iyon sa kanila.

Tumunog ang cellphone kong keypad. Salamat nalang talaga sa halaga na binigay ng doktor na iyon nakabili ako ng bagong cellphone. Keypad rin naman iyong dati pero mas updated daw na keypad ito. At dito pwede akong makakuha ng litrato kahit keypad. Iyong nanakaw ko na cellphone na nasa loob ng wallet, pwede lang pang tawag at text.

Simon:

Ate, may maganda akong balita. Kinuha ako ni Mang Albo na mag-konduktor sa jeep niya. Malaki din iyon, ate, kapag pinagsama sa kita ko sa pagde-deliver ng tubig. Wala naman kaming pasok ngayon at sa susunod na linggo dahil sembreak kaya kahit huwag ka na muna magpadala. Mag-ipon ka na muna d'yan para sa sarili mo. Medyo um-okay ang blood sugar ni Tatay kaya nabawas ang gamot. Ayon lang. Good evening, ate. Sorry mahaba, isang text nalang ang natira. Limang piso lang load ko.

Ako:

Mabuti naman kung ganoon. Pero magpapadala pa rin ako, gamitin mo na 'yang kita mo para sa mga project mo at print mo ng modules, alam kong marami kayong inaaral. At saka pala dahil nadagdagan ka sa trabaho huwag mo paring pababayaan ang pag-aaral ah. Pakisabi kay Tatay, miss ko na siya. Miss din kita, bunso. Mag-ingat kayo palagi d'yan. Saan mo pala ginamit ang natitirang apat na text?

Nakatulog ako matapos ang usapan namin ng kapatid ko. Nagising ako pagka-umaga para maghanda na dahil magpapagawa ako ng ID sa barangay. Pero hindi pa sigurado 'yon dahil magta-tatlong buwan palang akong naninirahan rito sa maynila at hindi pa permanent na residente. Ang sabi naman ni Agatha ay tutulungan niya akong gawan ng paraan.

Robbed For You(Buenafluente Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon