Chapter 8

16 0 0
                                    

ROBBED FOR YOU

Chapter 8

Nagmulat ako nang makarinig ng tikhim. Nanlaki ang mga mata ko at bumaling sa kanya na ngayon ay naka-upo na sa paahan ko.

Mabilis rin akong naupo at hinaharap siya. Hindi nakatakas sa tingin ko ang pagkabigla niya sa naging aksiyon ko. Lumapit ako sa kanya at nagtataka niya naman akong tinignan.

Napangiti ako sa kanya. "Pwede ka bang tumingala?"

Umangat ang dalawa niyang kilay. "Tingala." ulit ko sa sinabi.

"What's that?" nagtataka niyang tanong.

"Ang alin?" napatingin ako sa paligid kasi ang akala ko gamit ang tinutukoy niya.

"What's 'tingala'?" nakakunot ang mga noo niya habang binibigkas iyon. Pinipilit ang sarili na alamin ang salitang iyon.

Inipit ko ang mga labi ko dahil tanong niya. Pinigil ko ang sarili sa pagtawa sa kanya bago sinagot. "Tingala. Tingin sa taas. Look up." sunod-sunod kong saad.

"Oh..." usal niya at tumingala. Pero bago pa ako makalapit para gawin ang gusto ay ibinaba niya ulit ang tingin sa akin. "Why?"

"Hmm?"

"Bakit mo ako pinapatingala?"

"Basta, tingala ka lang."

Tumingala siya pero may pagtataka pa rin sa mukha.

Dahan-dahan akong gumalaw para lumapit sa kanya. Inangat ko ang kamay at napangiti nang muling naglapat ang nunal niya sa aking daliri. Naramdaman kong natigilan siya pero hindi ko tinigil ang sarili sa gustong gawin.

"What are you doing to my mole?" malalim ang boses niyang tanong sa akin. Inangat ko ag tingin sa kanya at nakitang nakangiti siya habang tumitingala.

"Hinahawakan lang."

"You like it?"

Tumango ako. Sa tingin ko ay naramdaman niya naman iyon.

Tahimik kami habang pinagmamasdan ko lang ang nunal niya. Bahagya rin akong lumapit sa kanya dahil sa bango ng amoy niya. Ilang minuto ko iyong pinagmasdan at hinawakan. Sa tagal siguro ay nangalay siya kahit na nakapatong naman ang ulo niya sa sofa.

"I have other mole on some part of my body. Do you want to look at it too?" suhesityon niya. Marahan ang paraan nang pagkasabi niya, parang talagang kinakausap ako bilang isang pasyente.

"Ayoko, nakita ko na 'yan. 'Di ko gusto." nasa nunal niya ang atensiyon ko.

Hinawakan niya ang kamay kong nasa leeg niya at natatawang inalayo iyon sa kanya.

May galak niya akong tinignan at ibinaba ang kamay ko.

"The mole or my body?"

"Huh?"

"Alin ang nakita mo na at hindi mo gusto?"

Napatango ako nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Iyong nunal sa katawan mo. Nakita ko na, hindi ko gusto. Mas gusto ko iyong nasa leeg."

Naaaliw niya akong tinignan at marahan siyang natawa. "Okay."

"Pwede ko na bang tignan ulit?" tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya at tumingala. Pero bago ko pa magawa ang gusto ko ay napa-aray ulit ako nang maramdamang pinulikat na naman ang binti ko.

Nagmulat siya nang mata at inalalayan akong umupo ng tuwid sa sofa.

"Stretch your legs." utos niya sa akin nang muling inayos ang pagka-upo ko para makasandal ako sa gilid ng sofa at malapg nang maayos ang binti ko para mabawasan ang sakit. "Hurts?"tanong niya at sinimulang masahehin na naman ang binti ko.

Robbed For You(Buenafluente Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon