Chapter 12

5 0 0
                                    

ROBBED FOR YOU

Chapter 12

"Komportable ako kapag...ikaw."

Kumorte ang ngiti sa labi niya. Hindi naniniwala sa sinasabi ko. "No, you're not."

"Komportable nga. Pinahawak ko nga sa 'yo ang tiyan ko eh."

Lumabas ang mapuputi niyang ngipin sa ngiti at hindi talaga pinaniniwalaan ang sinabi ko.

"When you were puking at the sink, I unconsciously touched you to help, and you flinched. When you had cramps there," tinuro niya ang veranda. "...you flinched when I held your legs to massage it."

"Nabigla lang ako no'n."

Sumeryoso ang mukha niya. "You were uncomfortable. You looked scared for a while. Just tell me the truth, I won't be hurt. I understand—"

"Naalala mo noong..." putol ko sa kanya. Hindi pa sigurado kung sasabihin ko nga ba talaga.

"Noong what?" aniya dahil matagal ako at parang walang balak na magdugtong.

"Noong may nagnakaw sa bag ko? Iyong hinila ng lalaki ang buhok ko..."

Kumunot ang noo niya.

"Hindi lang niya ako ninakawan."

Nagdilim ang mga mata niya sa likod ng tila ay parisukat na salamin at parang may alam na sa kung ano ang sasabihin ko pero itinatanggi niya sa sarili.

"What else did he do?" ang marahan at magaan niyang boses na magpaparamdam sa iyo na ligtas ka ay wala na. Malalim iyon, malamig at parang delikado.

Tumikhim ako dahil hindi naging komportable. Hindi dahil sa inaalala ang pangyayaring nangyari ng gabing iyon, kasi parang limot ko na, dahil ibang haplos na ang kilala ng katawan ko. At iyon ay kanya. Hindi ako komportable dahil sa tingin na binibigay niya.

Nag-aalangan tuloy ako kung sasabihin ko pa. "Hinawakan niya ako sa braso at—" napatayo siya kaya naalarma ako. Galit na galit ang mukha niya at pakiramdam ko sa ilang segundo ay sasabog na siya.

Mabilis kong dinugtungan ang sinabi at tumayo rin para kalmahin siya. "Sa braso lang naman. Tapos noon wala na. Kaya lang ako nabibigla tuwing hinawakan mo noon dahil naaalala ko lang."

"You were traumatized, Yuri!"

"Pero ngayon hindi na. Komportable na ako sa mga hawak mo...simula noong nagka-cramps ako tapos minamasahe mo, sanay na ako. Hindi na ako nabibigla."

Natahimik kaming dalawa pero ramdam ko pa rin ang tensiyon.

"Hindi ako takot sa hawak mo. Komportable na ako. Kaya...kung...gusto mong maka-usap o mahawakan ang tiyan ko para maka-usap si baby, ayos lang. Pwedeng-pwede."

Wala siyang sinabi at marahas na naglakad para umalis. Napaawang ang labi ko at hindi inaasahan iyon. Iniwan niya lang ako pagkatapos kong aminin iyon?

Naramdaman kong may dumaloy na mainit na likido sa mukha ko. Hindi ko na naramdaman na napaluha na pala ako. Nagkulong ako sa kwarto at iniyak ang nararamdaman. Hindi ko inaasahan na nakatulugan ko pala ang pag-iyak. Nakalimutan ko tuloy na papapuntahin ko pala sana si Agatha rito.

Kinuha ko ang telepono ko at akmang tatawagan na si Agatha pero sa kalagitnaan ng pag-type ng numero niya ay nagbago ang isip ko. Parang nawalan ako ng gana.

Hapon na pala.

Dahan-dahan akong humakbang papunta sa veranda. Ang kalungkutan ko ay napawi ng simoy ng hangin at ng magandang tanawin.

Napakagandang isipin na kaya tayong bigyan ng katahimikan ng kalikasan. Ang berdeng puno, ang asul na langit at ang hindi makitang hangin...mga simpleng kulay lang pero nakakabigay ng masayang katahimikan, nakakapawi ng lungkot at nagpapaalala sa 'yo na may kagandahan sa mga simpleng bagay.

Robbed For You(Buenafluente Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon