Chapter 3

9 0 0
                                    

ROBBED FOR YOU

Chapter 3

"Here." nilapag niya sa harap ko ang binili na sa tingin ko ay avocado ang flavor dahil sa kulay no'n. Pagkatapos ay nilapag niya rin ang kanyang kape.

Pagkatapos naming mag-usap ay hinintay ko siya kasama si Agatha. Kung ano-ano ang sinasabi kanina habang naghihintay kami, biglang tumahimik nang bumalik na ulit si Greg. At nagpaalam din sa amin dahil ang sabi niya ay dapat daw magka-privacy kami.

Ngayon nandito kami sa loob ng cafe, kaunting lakad lang mula sa ospital.

Napatingin ako sa kanya habang umuupo siya. Hindi na niya suot ang puting coat dahilan para makita ang nakatagong itim niyang polo. Ang salamin ay suot-suot pa rin at minsanang ina-adjust.

"Salamat."

"I'll take my responsibility." basta-bastang sabi niya na ikinabigla ko. Wala akong nasabi dahil hindi ko iyon inaasahan.

Kasi kung titignan siya...parang ang layo at ang taas. Hindi maabot. Tapos heto ako...ang baba, ang daling tapakan.

Nakakabigla lang na ang isang tulad niyang lalaki at...doktor biglang hahabulin ako at kakausapin tapos sasabihing pananagutan 'tong dinadala ko. Bigyang nakilala niya ako bilang—

"I'll take care of him. Or her."

"Tutulungan mo ako sa pag-aalaga?"

Sinalubong niya ang tingin ko habang hinihigop ang kape niya. Tumango siya.

"Hindi ka ba nagdududa man lang?" nagtataka kong tanong. Hindi lang ako makapaniwala na siya mismo ang lalapit sa akin at magtatanog kung sa kanya ba itong dinadala ko.

"That it's mine?"

Tumango ako hinihigop ang avocado shake na bigay niya.

Marahan siyang tumawa. "Oh, I know." siguradong-sigurado siya.

"Paano?"

Marahan siyang tumawa at ngayon ay may kasama nang pag-iling. "I just know. I'm...a doctor, Yuri. One of our subject includes studying the... human body."

"Napag-aralan din naman namin 'yan."

"Oh really?" nalilibang na aniya.

"Hmm-mm." tumango ako at maligayang hinigop ang avocado shake. Sarap.

Nalilibang niya akong tinigtignan.

Bigla ay may naalala ako. "So, tutulungan mo ako sa pagpapalaki?"

Tumango siya.

"Mabuti naman kung ganoon. Pero hindi mo naman kukunin sa akin, 'di ba? Kapag lumaki na?"

Alam kong mahirap magpalaki ng bata, maliban doon wala pa akong sapat na pera at mga bagay para makatulong sa pagpapalaki. Si Simon nag-aaral pa, tapos si tatay naman may diabetes. Ang daming problema at alam kong mahihirapan ako kung mag-isa kong papalakihin. Pero aalagaan ko pa rin kasi hindi rin naman kasalanan ng bata. At alam kong may dahilan kung bakit nangyayari 'to. Hindi man alam kung ano ang dahilan pero alam kong meron.

Gamit ang hintuturo ay itinulak niya pataas ang salamin para ayusin.

"No...I have no right to do that. But if you don't want the baby so you can continue your job, I can take care of it."

"Continue my job?" hindi naman problema ang... Ah, iyong 'job'. "Hindi na ako nagta-trabaho doon, isang beses lang 'yon."

Sasabihin ko pa sanang magpapasalamat ako dahil malaki ang binigay niya at natulungan ako pero baka kung ano ang isipin niya sa akin...kahit na totoo naman.

Robbed For You(Buenafluente Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon