Chapter 15

6 0 0
                                    

ROBBED FOR YOU

Chapter 15

"Are you cold?" tanong niya sa akin habang binubuksan ang paperbag.

"Medyo lang."

Kinuha niya ang isang balot ng burger at binuksan iyon bago ibigay sa akin.

"Salamat." sabi ko at kumagat kaagad.

Marami na ang litratong nakuha namin. Kung hindi ako nagkakamali ay baka puno na ng litrato ko ang cellphone niya. Ang mukha niya doon ay kaunti lang dahil kahit anong pilit ko sa kanyang kumuha ng litrato ay ayaw niya. Isang beses lang umu-o at isang litrato lang din ang nakuha dahil gumalaw siya kaagad. Iyong iba, nakaw na kuha ko lang kapag sasabihin kong titignan ko saglit kung maganda ba kuha niya sa akin.

At dahil sa pagod sa paglibot sa buong park, naupo kami ngayon dito sa bench sa gilid ng fountain. Ito ang huling destinasyon namin sa pagkuha ng litrato kaya nang mapagod ay naupo nalang kami at naisipang kainin na ang burger na dala-dala niya kanina pa.

"Ang sarap." ani ko matapos malunok ang kakatapos lang nguyain na burger.

Aliw siyang ngumiti nang bumaling sa akin at kinagatan din ang burger.

Ang bango ng burger patty at ang lambot ng tinapay ay namayani sa akin. Matamis rin ang sauce at parang inuutusan kang kumain pa ng kumain.

Nasa pangalawang burger ko na ako, at ganoon din siya. "Hold on." aniya at bahagyang lumapit sa akin.

"Bakit?"

Umiling siya pero may mga ngiti sa mga mata habang ang labi ay nakaipit na parang may pinipigilan.

"Bakit?"

"Close your mouth." sinunod ko naman.

Bahagyang nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang marahan na paglapat ng malambot niyang hinlalaki sa gilid ng labi ko. Gumalaw iyon pagilid pagkatapos ay inalayo na sa akin.

"You had sauce on cheeks." paliwanag niya.

"Hmm." tumango ako.

Umiwas siyang tingin at inilagay ang hinlalaki sa labi pagkatapos ay mahinang kinagat iyon habang nakangiti.

Kumunot ang noo ko pero hindi nalang iyon pinansin.

"Private ba 'to?"

Mabilis niyang inalis ang hinlalaki sa labi at bumaling sa akin. "Hmm?"

"Itong park."

Tumango siya. "Yeah. It's a park for that building right there." tinignan ko ang tinuro niya at nakitang sa kabilang dulo nga ng park ay may malaking building. "It's a hotel, and this park is an extension."

Napaawang ang labi ko nang makita nga ang building na tinutukoy niya. Hindi ko iyon napansin kanina dahil natuon ang pansin ko sa mga disenyo sa loob ng park, hindi ko naman akalain na extension pala ito para sa isang hotel.

HIndi kita sa mula sa kwarto ko ang building dahil sa lokasyon ng kwarto ko. Natatakpan rin ng ibang building kapag titignan mula sa veranda kaya hindi ko masyadong napansin. Hindi ko akalain na may magandang tanawin pa pala bukod sa park na ito.

Matayog ang building o hotel. Halos salamin ang nakapalibot roon kaya parang ni-re-reflect niya ang mga ilaw mula sa labas. Pero kahit ganoon mahahalata mo pa rin na building dahil sa mga ilaw na bukas. Siguro ay gising pa ang mga taong nanunuluyan doon.

At kita rin ang may kalakihang letra umaandar sa gilid ng building, ang anggulo na nakikita ko lang mula sa kinatatayuan, nakasulat ang lahat naka-big letter na salitang THE BLUE BIRD HOTEL. Malayo ang bawat letra sa isa't-isa dahilan para mas maintindihan ng nagbabasa at kaaya-ayang tignan sa mga mata.

Robbed For You(Buenafluente Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon