"Nasaan siya Manang"
Pagaapura tanong ni Alior nang makarating siya sa bahay niya
"Nasa loob siya Sir Alior. Hindi siya lumalabas simula ng pumasok siya sa kwarto niya mahigit ika-siyam na nang gabi. Sinubukan ko siya tawagin pero ayaw niya din kumain o pagbuksan ako. Nagaalala na ako Sir Alior kaya tinawagan ko na po kayo" Pagpapaliwanag ni Manang Marie
Nang umakyat si Alior kinatok niya ang pinto at tinawag si Edran ngunit hindi ito sumasagot. Nalaman din niya na nilock ni Edran ang pinto.
"Manang paki kuha yung susi sa baba"
Pagkatapos nilang susian pagbukas ni Alior sa pinto nalaman niya pinatay ni Edran lahat ng ilaw sa sa kwarto niya. At makikita na nakatalukbong ito maririnig ang mahinang iyak sa loob
"Manang. Ako na bahala dito. Salamat po uli"
"Sige Sir"
....
"Edran" Malumanay na tawag ni Alior kay Edran ngunit hindi parin siya nito pinapansin. Maingat na tinagal ni Alior ang kumot na nakatalukbong kay Edran at nang makita niya ang mukha ni Edran ng puno ng luha at sobrang panginginig nito. nakaramdam siya ng sobrang sakit sa puso niya.
"Edran"
"Doc. Ikaw ba yan?"
Dahil hindi binuksan ni Alior ang ilaw hindi siya nakilala masydo ni Edran dahil narin sa mga luha niya.
"Hmmm. Ako ito"
Pero bigla hinila ni Edran ang kamay ni Alior at takot na takot na sinabi
"Nakita mo ba siya. Nandyan ba siya sa labas"
"Edran. Sino sinasabi mo"
"Siya. Babalik siya. Please palayuin mo siya Doc. Sasaktan niya uli ako. Baka saktan niya rin si Little Pump baka saktan ka rin niya"
"Edran. Wala mananakit sayo dito. Nasa bahay kita"
"No. Sabi niya magkikita pa kami uli. Doc. Please ayaw ko na"
Pagpapanic ni Edran na pahigpit ng pahigpit ang kapit niya kay Alior. At kahit ano pagcocomfort ni Alior hindi ito Kumakalma.
"Doc. Please. Ayaw ko na uli Bumalik dun. Gusto ko na mabuhay kasama ka. Kasama si little Pump. Pero. Baka. Saktan karin niya. Hindi. Ayaw ko. Nooo"
Nang makita ni Alior na hindi na kayang pakalmahin si Edran ng mga salita niya lang. Kaya isa lang dapat niya gawin para madistract si Edran sa anxiety at bangungut niya.
Hinawakan ni Alior ang mukha ni Edran na hanggang ngayon umiiyak parin.Pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang kamay niya. Mahigpit na kinapitan ni Edran ang kamay na nasa pisngi niya at patuluy parin sa pagpapanic.
Sa patuloy na pag agos nag luha ni Edran nakatitig parin siya sa mga mata ng Doctor
Hanggang sa maramdaman niya ang pagdampi ng labi ni Alior sa labi niya at pagpikit ng kanyang mga mata.To be continued...
YOU ARE READING
I Can Be The Father Of Your Child
Fanfiction"Diba sabi ko sayo inumin mo tong gamit mo bakit sabi ng nurse tinatapon mo lang" "Doc, I'm sorry pero ayaw ko ng mabuhay" "Hindi kaba nakokonsensya sa anak mo two months mo palang siya pinagbubuntis" "Kaya nga doc ayaw ko nang mabuhay. Dahil magdud...