05

455 5 0
                                    

TOK! TOK! TOK!


"Anak may tao sa labas, may inaasahan ba kayo?" Sabi ni mama sa baba, nasa second floor kasi yung kwarto namin ni Elaine.


"Si ate Celeste na ata 'yon ma, inaasahan yon ni ate. Ako napo ang magbubukas." Rinig kong sabi ni Elaine.


"Thanks baby sis!" Sabi ko na nasa taas pa, nagbibihis pa.


Nang makababa ako ay nakita ko ang namumutlang mukha ni Celeste sa baba na dinadaluhan nina mama at Elaine, naiiyak na ito ngunit kitang kita kong pinipigilan nya lang ito. Wala pa ata si papa sa bahay kaya hindi ko ito makita.


Agad akong tumungo sakaniya at walang sabing niyakap siya, hindi na muna ako nagtanong, kinulong ko muna ito sa mga bisig ko. "You can cry." Sabi ko.


Hindi na nito napigilan ang pag-iyak, naramdaman ko na lamang na bumasa ang aking likuran dahil sakaniyang mga luha.


"Maiwan ko muna kayo mga anak, Elaine halika na." Sabi ni mama habang nakatingin ito kay Elaine. Yinakap muna ni Elaine si Celeste kahit nakayakap ang babae sa'kin bago umalis ang kapatid ko kasama si mama.


"Y-yung daddy ko... Kapatid ko..." Humihikbing ani nito, kahit hindi ko maintindihan anong ibig sabihin niyang nangyari sa daddy nya at kapatid ay niyakap ko nalang ito at pinatahan.


"Shhh, everything will be okay. Nandito lang ako bes." Sabi ko at hinagod ang kaniyang likod.


"W-wala na si papa... at si Sky..." Nauutal nitong sabi at humagulgol na siyang ikinatigil ko.


"What?" Kumalas ako sa pagkakayakap dito at tiningnan siya nang may pag-aalala.


Yumuko lang ito at umiyak. "W-wala na...W-wala na si papa... Ang kapatid ko..."


Hindi ako makapaniwalang ulila na si Celeste, nakita ko lamang ang mag ama ngayong gabi na nagyayakapan at nagkukwentuhan habang nasa labas ng balkonahe.


Tapos ang kapatid? Sino naman ang hayop na pumatay sa batang paslit na iyon? Ano ang kasalanan ng bata?


"What happened?" Tanong ko dito habang naiiyak, napamahal na sa'kin ang batang si Sky. Para ko nang totoong kapatid iyon. Hindi hindi ko mapapatawad ang sino mang demonyo ang kumitil sa buhay ng paslit na iyon!


Hikbi lang at iyak ang tugon ni Celeste sa'kin kaya't naiyak na ako. Ang sakit, ang sakit sakit. Ang bata bata pa ni Sky, bakit kailangang kunin agad? Napakahayop nila!


Niyakap ko si Celeste at sabay kaming umiyak, maya maya pa't nagsalita ito.


"Can we go to your room bes? Gusto kong mahiga, can I also sleep here?" Sabi nito nang nakayuko.


"Of course, welcome ka naman dito palagi." Binigyan ko ito nang kiming ngiti kahit sa loob ay nadudurog na ako, alam ko ang nararamdaman nya dahil masakit din sa'kin ang pagkawala ng kapatid nito dahil para sa'kin, kapatid ko si Sky.


Pero mas masakit 'yon sa tunay nyang kapatid, lalo pa't hindi lang ang kapatid nito ang nawala dahil naulila din ito sa ama.


"Thank you." Sabi nito at sinamahan ko na sya papuntang kwarto.


Nang makarating kami sa loob ay agad na nahiga si Celeste sa kama ko at ako naman ay umupo sa tabi nito. Ayoko nang magpasikot-sikot, itatanong ko na ang nangyari. "P-paano sila namatay?" Ang sakit talaga.


Umiyak ulit ito saglit bago nagsalita, tila kumuha lang siya ng sapat na lakas ng loob para magsabi.


"P-pinasok ang bahay namin, sa tingin ko ay nasa bente ang taong may bunit sa ulo at may dalang baril at tinutukan kaming l-lahat." Umiyak ito saglit at suminghot habang nanginginig, tila takot na takot.


Lost Keychain ( Bloody Society #1)Where stories live. Discover now