16

647 8 0
                                    

CHAPTER 16


I was standing right in front of my little sister, Elaine. She was eating the apple I bought for her.


"Thank you, ate." She answered with a smile while stuffing her mouth with the apple.


"Walang anuman, Lay." I smiled back at her as I stared at her face. "Lay?" Tawag ko sakaniya.


"Po?" Sagot nito at binalingan ako ng makahulugang tingin ngunit nakangiti ito.


"May problema ba?" I asked calmly.


"Wala naman po, ate." She said and then smiled. How can she smile at a time like this?


Wala man ang sagot niya ngunit alam kong meron. Hindi siya maho-hospital kung wala siyang problema, lalo pa't 'stress' ang sabi ng doctor na dahilan kaya siya nawalan ng malay.


Hindi na daw nito kinaya ang depression at kitang kita sa mga mata niyang mugto na umiyak daw ito bago isinugod dito sa hospital. And the doctor was not lying.


Noong nakita kong nakahandusay ang kapatid ko na walang malay ay namumugto ang mga mata nito ngunit isina-walang bahala ng dalawa kong mga mata ang nakikita na ganoon dahil ang nasa isip ko lamang ay 'ang kapatid ko ay walang malay'


Binalingan ko ito ng tingin at ngumiti. "Hihintayin kita, Lay. Alam kong meron kang problema na hindi mo masabi saamin o saakin. I clearly understand if you are not ready, kaya hihintayin kita."


Nakita kong nahulog ang isang butil ng luha sa mga namumungay niyang mga mata kaya agad akong lumapit at iniharap ang mukha niya saakin at pinunasan ko ang kaniyang luha.


"A-ate, h-hindi ko na alam ang g-gagawin ko." Niyakap niya ako sa bewang saka humagulgol. Agad ko siyang niyakap pabalik at dahan dahang tinatapik ang likod nito.


Naiiyak na ako dahil sa ginagawa ng kapatid ko ngunit pinigilan ko iyon at bahagyang tumikhim.


"Lay?" Tawag ko dito kaya't napatigil siya sa pag-iyak ngunit hindi ito tumitingin sa gawi ko habang pinupunasan ang kaniyang luha.


"Sabihin mo saakin kung anong problema, Lay." Anas ko sa nanlalambing na boses habang sinusuklay ang buhok nito.


Tumawa ito ng bahagya. "I wish I could." Anas nito na ikinakunot ng nuo ko.


"What do you mean, 'you wish you could'?" Tanong ko dito habang nakakunot pa din ang aking noo.


She sobbed before answering. "It's quite complicated, ate." Binigyan ako nito ng kiming ngiti na halata namang peke.


Kahit hindi ko ito maintindihan, pinili ko na lamang na tumahimik at yakapin ito. One day. Just maybe one day, she will tell me everything...


Nasa ganoon kaming posisyon nang pumasok ang doctor habang nakangiti. Bumaling ang tingin namin sa kasama nitong pumasok. Ang ganda niya...


"Good evening, Miss Fernandez." Anas ng doctor saaming dalawa. Dalawa naman talaga kaming Fernandez diba?


"Good evening din po, doc." Anas ko at ngumiti.


"I just came here to check the patient, at the same time to tell you guys that you can go home tonight." Anas ng doctor habang nakangiti.


Napangiti ako sa sinabi ng doctor bago nagsalita. "Thank you po, doc-" Naputol ko ang sinabi ko at tumingin sa ID nito. "Walton?" Mahina kong sabi.


Lost Keychain ( Bloody Society #1)Where stories live. Discover now