HINDI AKO MAKAGALAW.
"Hey."
Jusko po, bakit ba kinakausap ako nito?
"Hey." He repeated.
Bakit ba kasi dito pa siya pinatabi ng tiyuhin niyang yun?
"Hey freak." Sabi ulit nito na nakakuha naman ng attention ko. Ngayon alam ko nang totoo pala talagang kumukulo yung dugo sa loob ng katawan ng tao.
"Anong freak? Sinong freak?" Singhal ko sakanya na nasa mababang tono, takot akong marinig kami ni Sir Mapanlinlang 'no.
"I don't know, you perhaps?" Sabi nito na hinahawakan pa ang baba kunwaring nag-iisip.
Hindi ko nalang ito pinansin at tumuloy sa pag-inom ng kape na galing pa sa starbucks kahit gusto ko nang sumabog dahil sa mokong na 'to.
"I said hey."
"Papansin kaba?"
"I just wanna ask you something." Wow, so interested pala 'to makipag-usap sakin?
"Ano?" Sabi ko sa maangas na tuno.
"Why are you drinking my coffee?"
I choked.
"You okay?" He said while staring at me, I found him kind na sana but then may dinugtong. "Because I don't care." gago kaba?
Napatingin naman ako sa nilalagok kong kape. Sa sobrang busy ko kakaisip sa mokong na 'to hindi ko namalayang iniinom ko na pala yung kape nya!
Hindi ako bumili ng kape kaya bakit ako magkakaroon? Hindi ko ba naisip yon?
"Ay hala sorry, ito oh pasensya na." Sinauli ko sakanya yung kape nya pero tiningnan lang ako nito na parang anlaki ng kasalanan ko dito.
"Are you expecting me to drink that?" Tumingin ito sakin na nakakunot ang noo at dinuduro pa ang kape.
"Bakit? Kaunti lang naman nakuha ha." Sabi ko at sinilip pa ang loob ng iced coffee.
Natawa muna ito bago nagsalita. Fuck, his laugh sent shivers down to my spine.
Char!
"You expect me to drink that? It has your saliva young lady."
Agad akong namula dahil sa kahihiyan, bakit nga ba hindi ko naisip yon?
"Sorry, Can I buy you another coffee ba?" Sabi ko sakaniya at kinuha yung kape "Akin nalang 'to."
"I have my own money." Sabi nito at umayos nang upo at kinuha ang kaniyang airpods at nilagay sa tenga nya.
Sus, baka pera ng tatay mo. Nagiging mabait na nga yung tao tapos sya mag a-attitude d'yan. Sabi ko sa isip ko, syempre sa isip lang.
Pero unfairness tahimik sya at mala cold kineme. Ang layo sa sabi ni Celeste na malandi tapos pogi din sya.
POGIII?!
"What the fuck." Sabi nito.
"Oh my god, did I say it out loud? It's not true ha!" Sabi ko na nataranta pa at pinandilatan sya ng mga mata at humawak pa sa braso nya.
Sabay na kumunot ang aming noo. Nagtataka ako kung bakit sya nagtataka at sya naman nagtataka bakit ganito ang inaasal ko.
"Are you crazy? I'm not talking to you." Sabi niya at tiningnan ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

YOU ARE READING
Lost Keychain ( Bloody Society #1)
Romansa"I really hate it when someone touches my wife. I will fucking smash that hands of yours, idiot!" That's my husband right there, the crazy possessive lunatic. 𝗕𝗖𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦