19

364 6 0
                                    

"ANONG NAME MO?" TANONG KO sa kapatid ni Leonel na nakaupo sa sofa habang matiim akong tinitingnan.

"Liam." Kiming sagot nito.

"But you can call him cookie." Agad na sagot ni Leonel na kakarating lang at may dalang juice at tinapay.

"Kuya!" Biglang sigaw ni Liam na ikinapaigtad ko.

Napailing-iling na lamang ako nang biglang ibinato ni Liam ang maliit na remote sa kapatid at binato ito pabalik ni Leonel.

"Teka, magtu-tutor pa ba ako?" Nakapamewang kong anas, tinawanan lang ako ni Leonel habang ang kapatid nitong si Liam ay nanatiling tahimik.

"Yeah, we better start. I'm tired and I wanna fucking sleep." Biglang sabi ni Liam na siyang nagpagulat sa'kin.

He looked at me with brows furrowed. "What's wrong with you?"

"Wala. Nabigla lang ako sa pagmumura mo."

"Never heard of a boy cursing? fyi, I'm 16."

Hindi na lamang ako sumagot at kinuha ang bag kong nakasukbit pa sa balikat ko at kinuha doon ang papel at nagsimulang magturo kay Liam.

LUMIPAS ANG TATLONG ORAS na pagtuturo sakaniya ay napansing kong hindi naman ito slow learner. Pag nga tinatanong ko siya ng mahihirap na tanong ay ang sagot niya palagi ay, "That's a basic question.".

For fun lang ba ang paghahanap nila ng tutor? Lakas!

"Pinagloloko niyo ba ako?" Tumingin ako kay Leonel na nakatingin din sa'kin habang pinapalipat-lipat ang tingin sa'min ng kapatid niya. "Saulo mo naman ah!" Pasigaw kong bulyaw sa kapatid ni Leonel.

Bumuntong hininga sa Liam at humarap sa'kin. "That's because, math ang tinuro mo. I'm not having any trouble with math. I love math. Sa Filipino ako nahihirapan." Seryosong boses na sagot nito na siyang ikinakunot pa lalo ng nuo ko.

"Kung ganoon, bakit hindi ka lang man nagsabi? Ha?!" Naiirita kong sabi. Tatlong oras pala akong nagsasayang ng laway ko dito tapos alam niya na pala.

"Hindi ka naman po kasi nagtanong." May bahid na sarkasmo sa boses nito na nagpapintig ng ugat sa ulo ko.

Sasagutin ko na sana siya nang magsalita si Leonel. "It's my fault, Elyse. I should've told you earlier." Kimi itong ngumiti bago bumaling ang kaniyang tingin sa kapatid. "And Liam, be nice to her." May babala at pinalidad sa boses nito.

"Sorry kuya. Sorry Ms.Tutor and since tapos na ang tutoring session, I'll excuse myself. I'm going to sleep." Hingi nito ng tawad bago tumayo at umakyat sa itaas.

Namayani ang katahimikan nang umalis si Liam at nagtungo sa taas.

"Mauuna na ako, Leonel." Basag ko sa katahimikan.

"Oh, wait." Kinuha nito ang kaniyang wallet sa bulsa bago kumuha ng sampong libo doon at ibinigay sa'kin.

Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kamay niyang inilahad saakin. Nang hindi ako natinag ay kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang sampong libo.

Agad akong natauhan sa ginawa niya at makahulugan siyang tiningnan. "Grabeng advance naman ata ito?" May bahid ng sarkasmo sa boses ko.

"Huh? 10k per day. Iyan ang sahod mo."

"ANONG 10k? Isang libo lang naman hiningi ko!" Agad kong ibinalik sa kaniya ang siyam na libo. "Ayan, okay na."

"Take it."

"Ayoko nga."

"Come on. Just take it."

"Sabing tama na nga 'to eh!" Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa pamimilit niya. Nakakairita!

Bumuntong hininga ito bago ibinalik sa wallet ang pera nito ngunit ibinalik saakin ang dalawang libo. "Since you won't take it if it's 10k per day, then let it be 1k per hour."

Tatlong libo. Para sa tatlong oras.

Okay na din 'yon! "Sige. Salamat."

Ngumiti ito bago tumayo. "I'll drive you home." Anas niya at kinuha ang susi sa kaniyang bulsa.

"Wag na, kaya ko naman." Tumayo na din ako at ibinalik ang mga gamit ko sa bag ko at isinukbit iyon sa balikat ko.

"I insist. I don't take no as an answer."

Mukhang hindi ako nito titigilan hanggat hindi ako pumapayag kaya tumango na lamang ako.

Nauna na itong maglakad palabas ng bahay habang ako ay nakasunod lang sa likuran niya. Hanggang sa makarating kami sa kanilang garahe ay walang umiimik saamin.

Agad akong nalula sa dami ng sasakyan na nakaparada doon. May iba't ibang brand ito.

Lamborghini, Rolls-Royce, Ducati, Ford, Porsche at klase-klaseng Bugatti.

Marami pang iba ngunit hindi ko alam ano ang mga pangalan ng mga iyon. Bilang lang ang mga kilala kong mga sasakyan.

Pumunta si Leonel sa nakaparadang itim na Lamborghini habang nakasunod lamang ako. Umikot siya sa pinto ng passenger seat at binuksan iyon. "Sakay na." Anas niya.

Ay wow. Gentleman.

Nakakahiya man pero go lang ako nang go, makakasakay ako for the first time in my life sa isang Lamborghini. Hay, One day. One day makakabili din ako nito. Hanggang sakay lang muna ako ngayon sa hindi ko pag-aari. Fifteen years from now ay sila naman ang sasakay sakin. Char!

Hay, buti pa ang mangarap, libre.

"Salamat." Sagot ko dito at ngumiti. Hindi naman ito kumibo at nang makasakay ako ay sumunod siyang pumasok.

Habang nasa byahe kami ay walang umimik sa'min ngunit si Leonel ang bumasag ng katahimikan. "Where do you live?"

"Sa Purok Maligaya, kanto dos." Sagot ko dito nang hindi tumitingin sakaniya.

"Uhm. Where the hell is that?"

Napakunot ang tanong ko sa sagot nito. Sa Purok Maligaya nga! Ang famous kaya ng Purok namin kasi mayroong isang branch ng boutique doon. Duh!

"Sa Tally's Boutique mo nalang ako ibaba." Nakangiwing sagot ko dito.

"Tally's Boutique?"

"Oo."

"Why do you want to go there?"

Napabuntong hininga ako bago sumagot. "Hindi mo kasi alam saan yung Purok Maligaya, kanto dos. Malapit lang sa bahay namin yong boutique na 'yon eh."

"I see. Okay then."

Hindi ko na siya sinagot at namayani ang katahimikan sa loob ng kotse. Habang siya ay nagmamaneho, nakadungaw lang ako sa bintana at dinadama ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat.

Hays, medyo malayo-layo din ang bahay namin dito.

Ilang minuto lang ang lumipas ay pumili ang sasakyan ni Leonel sa Mcdo na drive thru. "Mag o-order ako. I'm hungry as hell. Magpapasabay kaba?"

Napabaling ako kay Leonel nang magsalita ito ng pagkain. Kaso bigla kong naalala na wala na pala akong pera. Ibibigay ko kasi muna kina mama yong ibinayad sa'kin ni Leonel kanina, pandagdag sa pambayad nila para kay Elaine.

"Wala akong pera. May gagamitan ako sa pera na binayad mo. Bumili ka nalang, ayos lang ako." Anas ko sabay ngiti.

Nang matapos akong magsalita ay bigla akong sinagot ng tiyan ko, nagpapahiwatig na gutom.

Argh! Kahiya!

He chuckled before answering. "Pinapabayad ba kita? Order kana."

BUTTERCOLEINK | BCL STORIES

#LostKeychainBLOODYSOCIETY

Lost Keychain ( Bloody Society #1)Where stories live. Discover now