5 DAYS PASSED, THE DAY OF THE FUNERAL.
"Coffee?" Alo ko kay Celeste at naupo sa tabi niya.
"Thank you." Kinuha niya sakin ang kape at ininom ito.
"Parang five days ago lang si mama ang matapang at nagpapatahan sa'tin, bakit ngayon parang siya ang nawalan?" Tumawa kami ni Celeste nang bahagya at tumingin kay mama na umiiyak sa harapan ni baby Sky.
"Oo nga eh, hindi naman gaano kaclose si Sky at si tita." She agreed.
"Maybe because she learned to love your baby sister, just like I did." Naaawa ako sa lagay ni mama ngayon dahil parang malalagutan na ito ng hininga kakaiyak.
Nakakapagtaka pero hindi naman malabong napamahal din ito sakaniya.
Sa loob din naman ng limang araw na iyon hindi kami makatulog nang maayos.I can't imagine what Celeste's facing right now, her mother got into an accident after the trespassing and murdering incident.
Noong nagkamalay na ang mommy niya ay nasa hospital ito ngunit papunta pa lamang kami ni Celeste doon ay tumawag na ang WMH na tumakas ito, kalaunan ay may binalitang car accident at nakumpirmang ito ang nawawalang babae. Malapit sa QC ang car accident at ayon sa gps ng sasakyan ay papunta si Mrs. Luzvierte sa bahay ng mga magulang nito.
Celeste's mother is under a serious comatose at WMH. She suffered from a big concussion and she's now critical. The doctor said, she's good as dead. There's only a 20% possibility that she will wake up, and even though Celeste won't tell me what she's feeling right now, I can see that my best friend is devastated because of this crisis.
"Thank you for everything bes, ewan ko lang kung kakayanin ko ba ang lahat nang 'to pag wala ka at ang pamilya mo." She said and hugged me, I can feel my eyes getting watery.
"Andito lang ako palagi para sa'yo, your battle is my battle." Niyakap ko siya pabalik at humagulgol ito.
"S-salamat..."
"Come on, what are friends for?"
"Will love and help each other until death, pero mauuna kang mamatay." Sabay naming sabi at napatawa.
Dumating si Elaine at nakita kaming nagyayakapan pero hindi ito umimik, nahihiya.
"Come here, baby sis." Hindi ko na hinintay ang sagot nito at kinabig ito agad payakap sa'min, sabay kaming nagtawanan.
***
ELAINE REESE FERNANDEZ
"It's been one week since I last saw y'all happy, Ma." Sabi ko kay mama na ngayo'y naghahain ng kakainin namin.
My mother's name is Madeline Kaye Fernandez.
"Naaawa lang ako sa bata, anak." Kiming ngiti lang ang binigay sa'kin ni mama nang sabihin nya iyon.
"I know but we have to move on, lalong lalo na kayo nina ate Celeste at ate Elyse."
Hindi ito kumibo.
"Palagi ko nalang kayong naabutan, naririnig at nakikitang umiyak dahil sa nangyari sa pamilyang Luzvierte, Ma."
Tingin lang ang tugon nito sa'kin.
"Hindi ko maintindihan bakit napakasakit nito para sayo. Samantalang, hindi nga bumibisita dito si baby Sky at hindi niyo din naman kaano-ano si Unc-"
"Call your sister and ate Cel, Anak." Putol niya sa'kin sa mahinahong boses.
"Maintindihan ko pang masakit ito para kay ate Elyse, pero ma sayo? Hindi."
"Come here, Elaine." Sabi nito at umupo sa upuan sa countertop namin at sinenyasan akong tumabi sakaniya.
Agad naman akong umupo doon. "Bakit ma?"
"Nasasaktan ako dahil sa ate mo. Nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan."
"Pero ma bakit noong burol po ay naki-" Hindi na ako nito pinatapos.
"Call your sister anak, bring ate Celeste with you too, okay? I will be waiting here sa baba." Sabi nito kaya't sumang-ayon na lamang ako, may pasok din kasi kami ngayon at baka malate pa kami.
***
ELYSE CY FERNANDEZ
"Ate, tawag na tayo ni mama!" Rinig kong sabi ng nakababata kong kapatid sa baba.
"Thanks baby sis, bababa na po kami!" I shouted back, for her to hear.
"Okeyyrrss!" Sagot nito.
Napatingin ako sa nagsusuklay na si Celeste sa tapat ng salamin ko.
"Kakain na Cel." Sabi ko dito.
"Sige bes, wait lang." She continued to comb her silky curly brown hair.
Binigyan ko lamang ito ng kiming ngiti bago tumayo. "Una na ako sa baba, sunod ka nalang." Sabi ko.
"Sama na ako, wait." She rushed to put her comb inside her bag which made me laugh.
"Good morning ma." Bati ko kay mama nang makababa kami ni Celeste.
"Good morning tita." Bati ni Celeste kay mama.
"Good morning anak, good morning iha." Bati ni mama sa'min. "Kumain na kayo dito at baka ma-late pa kayo."
"Nasaan po si Elaine, ma?" Tanong ko kay mama nang hindi ko makita si Elaine sa hapag.
Sasagot na sana si mama nang may biglang nagsalita.
"Nagwiwi lang ako, ate." Ngumiti ito sa'kin bago naupo. "Good morning ate Cel."
"Good morning." Nginitian ito ni Celeste.
I scanned the room hoping to find my father in the kitchen to eat with us, but I couldn't find him anywhere.
"May business trip ang papa mo anak, dalawang linggo siya doon. Isang linggo pa lang ang nakakalipas." Sabi ni mama na tila nababasa ang isip ko.
"Sige po ma."
Katahimikan.
"Tita?"
"Ano 'yon iha?" Sagot ni mama kay Celeste.
"Sa bahay na po ako uuwi mamaya."
I chocked.
"Bakit bes? Masyado pang delikado, baka balikan ka ng mga gunman." Tutol ko kay Celeste.
Ngumiti ito. "It's okay, I can manage Cy. I will just recruit some police officers to guard our house. Uuwi na din kasi si mama bukas, diyan na siya hihintaying magising sa bahay. If magigising pa."
Oo nga pala, mayaman pala kayo.
"Hindi na ba kailangan ng doctor ni Mrs. Luzvierte?" Tanong ni mama kay Celeste.
"We have private doctors po tita." Nginitian ito ng matamis ng kaibigan ko.
"Mag-iingat kayo iha." Sabi ni mama bago tumayo at niyakap si Celeste.
"Kayo din po, maraming salamat sa pag tanggap at pagpapatira niyo sa'kin dito nang pansamantala. Hindi ko po ito makakalimutan." Sabi nito kaya natigilan ako.
"Oa mo be, welcome ka naman dito palagi." Sabi ko bago sumubo kaya't napatawa na lamang ito.
"Still, thank you."
"Group hug!" Sigaw ni Elaine na ikinatawa namin bago nagyakapan.
BUTTERCOLEINK
#LostKeychainBLOODYSOCIETY

YOU ARE READING
Lost Keychain ( Bloody Society #1)
Romance"I really hate it when someone touches my wife. I will fucking smash that hands of yours, idiot!" That's my husband right there, the crazy possessive lunatic. 𝗕𝗖𝗟 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦