#HIP01

19 1 0
                                    

"MVP"

LUMIPAS na ang ilang minuto ngunit nanatili pa rin akong nakatitig sa isang pirasong papel na hawak ng dalawang daliri ko. Gamit ang blangko at walang emosyong mata ay pinag aralan ko ang bawat detalye na naroon hanggang sa tuluyan na itong matatak sa isip ko.

Nang makuntento ay ginawa ko iyong bola gamit ang palad ko sabay hagis sa mismong bukana ng basurahan, 'di kalayuan mula sa kinatatayuan ko.

"Love letter na naman ba, Ms. Robot?"

Hindi ko na kailangan lumingon para lang makilala kung sino man ang dumating at tumabi sa akin.

"Bagong schedule, Franzel." walang gana kong sagot bago kumuha ng pamunas para linisan ang ibabaw ng counter na nasa harap ko lang.

"Bago na naman? 'Di na naawa department niyo sa inyo, ah. Patingin nga, bakit mo kasi tinapon." angil niya bago naglakad at walang kaarte arteng kinuha ang papel na iyon sa ilalim ng basurahan.

"I will inform our manager about this, hindi na din tayo magsasabay ng shift dito." wika ko bago tinapunan ng tingin ang wall clock.

5:00 pm

I held the strap of the apron that covered my white shirt and gently removed it off of me. Inalis ko na rin ang hair net na araw araw naming sinusuot at hinayaang nakalugay ang kulay abong buhok ko na umaabot na sa aking baywang.

"May klase ka ng 6:00 pm? Ano ba 'yan! Hindi na tayo makakagala every weekdays!" reklamo niya at maarteng inalis ang buhok niyang tumatakip sa kanyang noo.

"A sign from God that you should start saving money now." sarkastiko kong wika bago siya nilagpasan at lumapit sa log book ng milktea shop na pinagtratrabaho-an naming dalawang magkaibigan.

I wrote my name on it together with my signature and the my time out. Naramdaman ko ding sumunod siya at nag fill up na din sa librong iyon. Malawak kaya istrikto ang shop na ito kaya bilang isang employee, maraming kailangan gawin bago pumasok at lumabas. It's only a branch of the aforementioned business and we're one of its first staffs.

"Hindi ako maghihirap, Hurricane. Chill. Tska andyan ka naman para kupkopin ako if ever mangyari 'yun." kampante niyang turan.

I sarcastically smirked and rolled my eyes. "In your dreams, Franzel Guttierez."

"You have no choice, Hurricane Samantha Amore Aquino Del Costa." agad na angil niya siyang ikinangiwi ko. He even included my middle name, what the f'ck?

He laughed with my reaction and rested his two hands on his waist. "'Wag mo'kong hinahamon sa pagfu-full name full name mo dahil hindi kita a-atrasan kahit nakakahingal."

Hindi ko din talaga alam kung bakit napakahaba ang iginawad na pangalan sa akin ng mga magulang ko. Kung makapag-pangalan sila ay akala nila'y hindi na sila magkaka-anak ulit. Well, hindi na nga sila nagka anak pang muli pagkatapos ko, pero hindi pa rin iyon sapat na rason para parusahan ako ng ganito.

My long name made and still makes my student life a living hell. Mas mahaba pa sa research title ko noong high school.

A sour grimaced stayed in my face until a tall man entered our shop. Napatayo ng maayos si Franzel at agad na pinalambot ang sarili.

"Sir Jake!" tawag nito sa manager namin gamit ang pinakamaliit at matinis na boses na mayroon siya. I suddenly remembered Steven Basil, a tiktok content creator that is famous for his Office Gurl Teleserye.

His Irreplaceable Possession Where stories live. Discover now