#HIP12

8 1 0
                                    

  "17"

   

       Pagtungtong palang sa bungad ay dinig na dinig ko na ang naghuhurumintadong ingay mula sa loob ng arena. Hindi pa man ako nakakapasok pero alam ko na kung gaano karaming tao ang narito para panuorin ang pinakahihintay na laro ng mga magagaling na basketbolista.

Napatingin ako kay Danzel na siyang naglalakad sa unahan at biglang dinalaw ng kaba at pagkahiya.

Thousands of his fan must be here.

And now I am entering the arena with him. Ano na naman kaya ang bubungad sa amin? sa akin? Lalo pa't buhat buhat niya ang mga pagmamay ari ko, pati si Muffy, habang may hawak naman akong flower bouquet.

Hindi ba namin mas pinagmumukhang magkasintahan nga kami dahil sa pinaggagagawa naming ito? Hindi ba namin mas pinapatunayan na tama nga ang mga haka haka nila?

Why can't i feel the usual irritation? Why does it seem like i am not bothered at all? Why am i.. freaking satisfied?

I usually fought their false claims and shout to the world that i am a single woman and he is definitely not my man. I am usually uncomfortable with all the eyes that lay upon me whenever I stand beside him. I usually get anxious whenever he's near and teasing me.

But now?

I don't know what's happening now..

I don't know why i feel at peace, comfortable, and secure when i should not at first place.

"You can stay in our dressing room. Hindi pa naman nag uumpisa at may programa pa bago ang mga laro."

Napabalik lang ako sa kasalukuyan nang magsalita siya at lingonin ako habang naglalakad. Nakita kong dumaan ang pagtataka sa mukha niya bago marahang kinuha ang kamay ko at hinawakan iyon habang naglalakad.

"Tulala ka na naman." he added.

I blinked three times and tries waking myself up. I tried retreating my hand from his grasp but he only glared at me, warning me to behave or else he'll punish me.

"Okay nako sa reserved seat ko, doon nalang ako maghihintay." I informed him and stop walking when we arrived at the doorway of staff room. I can feel thousands of eyes watching and judging us but i ignored it.

"No. They will definitely bother you. And it will not just be the two of us, kung iyon ang inaalala mo." sagot naman niya hanggang sa naramdaman ko ang ang marahang paggalaw ng hinlalaki niya sa balat ko. He was moving it like he's taming a wild tigress.

I gasp because of the sudden electricity swept all over my veins. Napatingin ako doon at agad na nag init ang mga pisngi.

"C'mon."

Hindi nga siya nagpatinag at hinila akong muli papasok sa isang kwarto. Pagpasok ay bumungad sa akin ang apat na lalaking may kanya kanyang hawak na cellphone at maingay na nakaupo sa dalawang mahahabang sofa.

They all look up when we appeared and a uniformed smirk formed in their vicious lips.

"Kaya pala piniling mag AFK, si kapitana naman pala kasi ang susunduin sa labas." Ruzel meaningfully said that made others laugh.

"Grabe na talaga ang nagagawa ng pag ibig." gatong naman ni Lucas na siyang pokus na pokus sa nakahiga niyang cellphone ngunit abot langit ang ngisi.

"Naniniwala na ako sa forever, simula no'ng nakilala kita~"

Hindi ako nakapagsalita o nakagalaw man lang nang sabay sabay nilang kinanta ang linyang iyon ng kantang Bahala Na ng tambalang JaDine. Hindi ko alam kung anong una kong papansin. Ang pang aasar ba nila sa amin o ang ganda ng boses nilang apat.

His Irreplaceable Possession Where stories live. Discover now