#HIP13

5 1 0
                                    

"Motive"

   
      The program finally started and everyone is expected to stand up. I turned off my phone and stood up, resting my right hand on my left chest as we sang the national anthem.

Rites and speeches was next to the stage until it was the performance of some cheering team to entertain the guests and audience before the most awaited competition really started. I saw Danzel, standing proudly in the center with the other team captains. They were gathered by the referees for some briefing maybe, for set up on which teams is going to clash first and so on.

May kalayuan man ay kita ko pa rin kung paano nakakunot ang mga noo niya habang seryosong tinititigan ang referee na akala mo ay ginawan siya ng masama. Ibang iba sa ekspresyong ipinapakita niya sa akin tuwing magkasama kami.

Gusto kong patawan ng ibig sabihin iyon pero at the same time, ayokong maging assuming.

After nods and thumbs up from the powerful captains, they went back to their teams and the audience went wild. Kahit naman siguro sino. It's so cool watching men with unimaginable heights and.. physique.. in the same ground, walking almost together.

Hindi pa pinapakita sa malaking LED kung sino sino ang mga maglalaban laban pero nang makita kong naglalakad si Danzel palapit sa akin suot lang ang jersey short at white t-shirt niya ay alam ko nang hindi sila maglalaro sa unang game.

"Why are you here?" bungad ko sa kanya habang kinukuha niya si Muffy na nakahiga sa upuan niya at agad iyong pinatong sa kandungan niya.

"Second game kami, Amore." he answered.


So? Why are you here and not with your teammates? Aren't you going to plan or prepare something, captain? Since mukhang alam mo na kung sino ang makakalaban niyo?" pang uusisa ko pa na may halong sarcasm.


Captain pa naman kasi siya.

"We've been preparing for forever, ma'am. I'm confident that we prepared enough for today's game." he said and suddenly winked at me. Umirap na lang ako at nagpokus sa harap.

Nagsimula na din sa trabaho ang mga commentor, hudyat na magsisimula na nga ang laro.

The game went smoothly and the winning team is very obvious. Malaki ang lamang ng isang team at hirap ding makahabol ang kabila kaya naman kahit na matulog ang mga manonood ay alam nila kung sino ang mananalo.

"Are you confident na mananalo kayo ng gan'yan din kadali?" i whispered to Danzel while everyone is clapping and cheering to the winning team.

"I don't wanna answer that question. Tatawagin mo na naman akong mayabang." he said that made me giggle.

"Promise, hindi." i lied.

"Hmm, yeah. I think so—"

"Yabang." i cut him off and smirked while he's glaring at me.

Tumawa lang ako bago maingat na kinuha si Muffy sa kandungan niya. Baka kasi may mahawakan o masagi akong hindi dapat.

"Alis na, sunod na kayo oh. Naka t-shirt ka pa." pantataboy ko sa kanya dahil mukhang wala pa siyang balak na umalis. Hihintayin pa ata niyang tawagin ang grupo nila bago pa siya umalis dito.

"Where's my 'goodluck'?" nakakunot na tanong niya habang dahan dahang tumatayo.

"Goodluck!" i said with a smile.

His Irreplaceable Possession Where stories live. Discover now