#HIP14

2 1 0
                                    

Domino


            "No offence ha, pero i never expected you, Mr. Rajasandro, the next president of many outstanding companies to bring me.. here"

I sensed how he glanced at me and smirked for a second. He was holding my hand and Muffy at the same time with his two arms and i couldn't do anything but to remain that way. Mahigpit pero hindi naman nakakasakit ang paraan ng paghawak niya, kaya hindi ako makakalag.

"It's the only way to avoid unnecessary awkwardness while we're talking about it. And i know you don't want luxury foods. 'Wag kana mag reklamo, Amore." sagot naman niya na ikinairap ko habang nakangisi.

Napalinga nalang tuloy ako sa kapaligiran. Nasa isang streetfoods stall kami at gaya ng mga tipikal na ganitong lugar, sobrang dami ng tao..pero hindi naman gaanong siksikan. Marami rin ang napapatingin sa amin ni Danzel dahil kahit na nakakahiyang aminin, naiiba ang kasuotan namin kumpara sa kanila.

May ganoong style din naman ako tulad ng kanila pero pormal kasi ang dinalohan ko kaya ganito.

"Bitawan mo nalang ang kamay ko." usal ko nang maalala ang magkahawak na mga kamay namin.

He shook his head cutely and did not look at me. Pasaway.

"Are you still not used to it? Ganito naman ako palagi tuwing magkasama tayo ah?"

"Which is very confusing, Danzel Mateo." agad kong sabat.

"Really, Hurricane Samantha Amore?" he snapped too that made me roll my eyes and made him laugh. Agaw pansin ang perpekto niyang tawa. Hindi nakakasawang pakinggan ang mababa niyang boses, lalo pag nagsasalita. I know, this seems to be contradictory to my actions and attitudes with him, pero i really admire his physique, his image, voice, and intelligence. And that's normal.

Napuno kami ng katahimikan pagkatapos nun. But, however silent it is, i could not feel any awkwardness. That's something i should be questioning, right now. But instead of questioning it, i am going with it like it's already part of my daily routine now.

Nakakatakot, oo.

Ang dating kinamumuhian ko, kinaiinisan ko, iniiwasan ko, ngayon ay kasama ko na, hawak pa ang kamay ko.

Dinala kami ng aming mga paa sa isang bench na may kalayuan sa mga tao. We both decided to sit down there without even talking to each other. He finally let go of my hand and pet Muffy's head while staring at nowhere.

I rested my hands on my lap, feeling the silence between us. Should I speak first?

"Uhh—"

"Amore—"

Agad kaming nagkatinginan nang sabay kaming magsalita. Pigil ang tawa ko habang siya ay nakangising umiiling.

"You go first," he said.

"No, ikaw nalang. Wala naman talaga akong sasabihin, tatanungin ko lang kung alam mo pa magsalita." palusot ko.

His laugh was so manly, especially when he look up and unintentionally flaunt his adams apple.

"I know, this might sound so crazy but.." saglit siyang huminto para tumingin sa akin. Ako naman ay naroon lang, alertong nakikinig sa mga sinasabi niya kahit naghuhurumintado na naman ang puso ko.

Something in his serious voice threatens me.

His dark green eyes remained staring at me as my breath began to get deep.

"Be my girlfriend."

Akala ko ay nabingi ako matapos kong marinig ang sinabi niya. Naging tahimik ang paligid kahit na sobrang daming tao at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.

His Irreplaceable Possession Where stories live. Discover now