003

37 4 0
                                    

“Hi, Theo!”

“Aki,” he smiled.

Pinigilan ko ang sariling magwala. Theodore’s smile is my everything! But then the asungot appeared. Binigyan niya ako ng isang pangmalupitan niyang bombastic side eye, minata niya pa ako mula ulo hanggang paa. Nakakapag-init naman talaga ng bungo.

Pairap kong iniwas ang tingin sa kaniya. Nang balingn ko si Theo ay malawak na ulit ang ngiti ko.

“Congrats! Ang galing mo!” I beamed.

“Thanks, Aki. Mag-isa kang nanood? You aren’t with Bell and Jape?”

Jasper is one of volleyball boys’ closest friend. Buti nga at hindi pa ako inilalaglag ng pinsan kong ‘yong kay Theo na gusto ko siya. Pero mukha namang halatang-halata na ako.

I nodded. “Ayaw akong samahan, e. Saka rito ako nakatoka para sa publication.”

“Sayang, gusto pa naman makita ni Eodor si Bell.” Nakangising singit ni Red habang kinukuskos ng tuwalyang nakasabit sa balikat ang buhok niyang daig pa ang buhok ko kapag tuyo sa sobrang lambot, shiny, at healthy tingnan.

Sinamaan ko siya ng tingin. Alam na alam niya talaga kung paano sirain ang araw ko.

There are rumors that Theo likes Bell. Pero hanggang chismis lang ‘yon dahil wala namang ginagawang aksiyon si Theo. Hindi ito kumpirmado. Kahit noong minsang nabanggit ko iyon kay Bell, sabi niya ay hindi naman sila nag-uusap.

It doesn’t bother me, though.

I still like him.

•••

(v) patutunguhanWhere stories live. Discover now