“Uuwi ka na? May kasabay ka?”
“Paki mo?”
Siya naman ang napairap. Napapagod na siguro siya sa ugali ko, puro pagsusungit sa kaniya. Kinuha niya ang isang helmet na nakasabit sa manibela ng motor at iniabot sa akin. Tinitigan ko lang iyon.
“Sakay na bago ka pa abutan ng dilim, alam mo namang pahirapan sumakay.”
I looked up to him. “Malapit lang ang bahay ko.”
He raised a brow. “Ano naman? Basta ihahatid kita. Delikado kung mag-isa ka.”
I sighed in defeat. Hindi nga ako sanay umuwi nang mag-isa dahil madalas ay kasabay ko si Jasper, minsan, si Bell din madadaanan ang bahay namin pauwi.
It was the longest seven minutes ride. Hindi ko alam kung paano pa ako nakahinga. He was just too close! Ayoko namang kumapit o yumakap sa kaniya kaya focus ako sa pagbalanse ng katawan. Pero dahil bigla siyang pumreno, ang ending, nagkadikit pa rin talaga kami.
“Salamat,”
He gave me a nod which was unusual. Hindi niya ako inasar? I sighed. Hinintay ko siyang makaalis bago pumasok sa bahay. Tangina, ayaw ko na nga siyang makita, e!
•••