“Sorry ulit, Bell...”
“Sorry din, Aki. Hindi ko talaga alam. Hindi ko in-expect.”
Bell rejected him. I don’t know if it was because of me or she just don’t like him pero na-guilty ako. What if, gusto naman talaga nila ang isa’t isa but Bell was considering me? Sana, hindi.
“Pero hindi ko naman gusto ‘yon. Kaya nga nagdahilan ako. Sabi ko, strict ang parents ko saka study first ako kahit wala na naman talaga kong mga magulang at babagsakin pa.” Nagawa niya pang tumawa.
Napatawa na lang din ako. “Sus, hindi maniniwala ‘yon. Siguro, na-conclude niya na right after na hindi mo siya gusto.”
“Pero seryoso, girls code. Hindi ako tumatalo ng gusto ng kaibigan. Kahit magustuhan ko ‘yon, hindi ko papatulan.” She smiled.
Drop that code. I don’t want to be a hindrance to their story.
“Ano ka ba! Wala naman na sa akin kung magkakaroon ng kayo. Magm-move on na ako ro’n. If you like him, then push. Huwag mo na akong isipin, baka maging kontrabida pa ako sa love story niyo.”
I just laughed it all. Bell is more important than my feelings for Theodore. Kaya ko ‘yong kalimutan agad.
•••