“Red, baka mapagalitan tayo.”
“Nagpaalam ako kay Ma’am Julie, saka mamayang ala una pa naman ir-release ang results...”
Red gently reached for my hand. Nauuna siyang maglakad kaya parang hila niya ako sa puwesto namin. Ang haba naman kasi ng bias. Sinadya kong bagalan ang paglalakad at pumalikod sa kaniya. Maraming tao dahil Linggo kaya puno ang mga pathway.
I silently stared at his broad back and shoulders. Redley’s wearing a white polo partnered with his black slacks and white shoes. May suot din siyang branded na relo at kuwintas na may pendant na ‘R’. Sa ganitong style pa lang ay ang guwapo na, paano pa kaya kung mas magarbo ang ayos niya?
“Aki...”
Nilingon niya ako. Sa gulat dahil malalim pa ang iniisip nang tawagin ay ngumiti na lang ako. He gently grabbed my shoulders. Nakaakbay siya ngayon sa akin dahil nagigiit na ako ng mga taong dumaraan.
Bahagya akong nagulat nang bumilis ang tibok ng puso ko sa biglang pagdampi ng katawan niya sa akin. My lips parted. Kung ikukumpara ay mas malala pa ito kay Theodore. I never felt nervous or awkward around him but I feel shy towards Red now.
“Okay ka lang ba?”
I just nodded and bit my lower lip. It’s a damn no, Akina. He is Theodore’s best friend, baka hindi ka niya patulan because of bro code or whatever! I mean, we dislikes each other before, baka ano... ah, hindi ko maipaliwanag!
“Red?”
Nalubog lang ako sa iniisip ay bigla na lang siyang nawala sa paningin ko. Hindi ko nga namalayan na hindi na pala kami magkadikit. Nawawala ba ako?
I almost squeaked when someone touches my shoulders, but thank God, it was just Red.
“I bought you canned drink... medyo namumutla ka kasi, ayos ka lang ba talaga? Masama ba ang pakiramdam mo? Sorry, niyaya pa kitang lumabas, Akin.”
Akin, putangina. Walang sa ‘yo, Redley! Wala pa...
•••