We were staying overnight due to the process of checking their works. Bukas pa maia-announce ang mga nanalo. Hindi naman nagalit si Mame noong ipaalan ko dahil biglaang din ito. Kampanteng-kampante siya sa mga kasama ko.
“Nag-uusap pa kayo ni Theo?” Red suddenly asked.
“Hindi na.”
Kapag nagkakasalubong kami, nginingitian naman namin ang isa’t isa. Pero kagaya noon na kung hindi ko siya babatiin o lalapitan ay hindi talaga kami magkakausap.
“Malungkot ka?”
I shook my head. “Hindi rin. Happy crush ko lang ‘yon.” Na iniyakan.
Happy crush... Pakiramdam ko nga, may bago na ulit akong hapoy crush.
“Hindi ko naman ipinakita ang story mo kay Eodor. Hawak niya kasi ang phone ko that time noong byahe pauwi. Alam mo naman sigurong mahilig kaming magpalitan ng phone, kahit nina Jape... daig pa mag-jowa, ampucha.” Tumawa siya.
“So... paano niya nakita?”
“Hindi ko alam na na-view niya, basta bago niya ibigay sa akin ‘yong phone, bukas na ‘yong convo kasi nag-chat ka at pinagbibintangan mo na ako.”
Napanguso ako. Buong akala ko ay ipinakita talaga niya.
“I’m sorry. Ikaw yata ang napagbintangan ko noon.”
Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Not Theodore related, pero may kasalanan din talaga ako...”
Kumunot ang noo ko.
“Kapag lowercase ang typings ng kausap mo sa account ni Jasper, ako ‘yon...” He grinned.
Nanlaki ang mga mata ko at otomatikong nahampas siya sa braso. Ilang beses kong napansing nagbabago ang typings ni Jasper kapag magkausap kami pero hindi ko naman inakalang si Red na ang kausap ko no’n!
“Nakakainis ka!”
•••