034

30 6 0
                                    

Alas onse na pero mulat pa rin ako. Hindi ako makatulog sa kaiisip sa naging panaginip ko kagabi. Bangungot talaga, hindi panaginip.

Of all people, why him?! Nakakairita.

“Nakakairit — AH!”

Napahawak ako sa dibdib nang may biglang sumulpot sa daan ko papuntang kusina. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino itong nakaputing hoodie na nasa bahay namin. Hindi si Jasper ‘to!

“Luh, si Ate, ang oa.”

Nakumpirma ko kung sino nang marinig ang boses niya. What the hell?!

“Anong ginagawa mo rito?!” I exclaimed.

“Sleepover.”

I scoffed. “Ang kapal ng mukha?”

“I have Mame Allen's permission.”

Napakunot ang noo ko lalo. Saan ba siya kumukuha ng kapal ng mukha? At si Jasper naman, hinayaan pa talagang tumuloy ang lalaking ‘to sa bahay namin!

“Nakiki-mame ka na rin sa mame ko? Nasaan ang hiya?”

“Nasa abs ko.” He grinned.

I rolled my eyes. “Kaya pala wala kang hiya. Wala ka namang abs.”

Tumawa siya habang nagsasalin ng tubig sa baso. “Sus, gusto mo lang ipahawak ko para maka-tsansing ka kaya kunwairng hindi ka naniniwala.”

He even raised his brows. I looked at him with disgust all over my face. I can’t believe I dreamt of with a guy like this.

Jasper appeared exaggeratedly.

“Anong ipahawak? Anong tsansing? Mga kabataan talaga! Matulog na nga kayong dalawa!”

•••

(v) patutunguhanWhere stories live. Discover now