“Tangina, nakalimutan ko.”
“Ang?”
“Canned drinks ni Aki!”
“Anong drinks ba? Bibili ako sa labas.”
Habang nakapila si Jasper sa cafeteria ay lumabas ako sandali para hanapin ang paboritong canned drink daw ni Akina. Napakahirap talagang timplahin ng babaeng ‘yon.
Inilapag ko sa wooden table ang pagkaing pinabibili niya. Naupo ako sa tabi nito saka ibinaba ang bag ko.
“Thanks,” masungit na aniya.
Tatlong araw na kaming magkasama buong araw. Wala naman kaming ibang ginagawa bukod sa mag-badtrip-an kapag nakatalikod si Ma’am Julie, coach namin. Well, I kind of enjoying annoying Akina. Ang cute ng reactions niya, pang-meme na sa Facebook at Twitter.
Inilapit ko sa kaniya ang baunan kong may lamang chapsuey. Ang dry ng pagkain niya, mamantika pa.
“Kumain ka ng gulay.”
“Para kang si Mame. Ayoko nga ng gulay,” sumimangot pa siya at inilayo ang container.
Kinunutan ko siya ng noo. Kung ayaw, edi huwag. Tahimik kaming nag-lunch dahil busy siya sa paghimay ng chicken niya. Pinagmamasdan ko lang siya, then surprisingly started praising her in my thoughts.
Magaling sumulat ng headline si Aki. Kung hindi niya choice at ipinaglaban ang photo journ at hindi iyon ang category niya since elementary ay baka sa editorial writing siya napunta. Magkasama na kami rito simula grade eleven pa.
Pikon, mainitin ang ulo, masungit. That is how exactly to describe her. Pero nakakatuwa siyang tingnan kapag natutuwa siya sa isang bagay at mahinahon siya. Para siyang bata.
But I like it. Mukhang masarap alagaan.
•••