Levine POV
"Achiee nurse may joke po ako" panimula ni Yanin. Nandito ako sa room niyat kasalukuyang inaasikaso ito.
"Ano yun?" sagot ko naman, iniligay niya naman ang daliri niya sa ilalim ng baba niya at tila nag isip.
"Ano po ang paboritong subject ng mga isda?" tanong pa niya, napaisip naman ako, ano nga ba?
"Hmm diko alam, sirit" sabi ko pa.
"Edi, fishikal education hehehehe" sagot niya sabay tawa pa nito maski ako ay nahawa sa kanya. Ang taba ng utak.
"Saan mo naman nalaman yan?" tanong ko pa, sinenyasan niya naman akong mas lumapit pa at saka siya bumulong.
"Kay Doc Hashiro po" sabi niya sabay bumingisngis.
Napakurap ako dahil sa narinig ko.
"Si Hash?" pag uulit ko, tumango tango naman siya.
Napangiti ako, aba marunong pala sa mga korni jokes ang seryosong taong tulad niya.
"Naku naku marami palang baon na joke si Doc Hashiro ah" sabi ko pa,
Sa seryosong mukha ni Hash di lang ako makapaniwala na ganito pala siya ka lambot pagdating sa mga bata.
"super bait po ni Doc, just like you po achi, kaya super bagay po kayo" dagdag niya dahilan para masamid ako.
jusko ano bang pinagsasabi niya.
"Ah- hehehe" naiilang na sabi ko, biglang may kumatok sa pinto at ng bumukas ito ay iniluwa nga nito si Hashiro, napalunok ako, jusko bat ang hot niyang tingnan ngayon?!
Nakasuot siya ng gold square glasses na nahiglight lalo na sa matangos niyang ilong, isama mo pa ang pinkish niyang labi't ang magulo niyang buhok.
Bat ganon?!
Dahil sa sobrang pagkatameme ay diko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.
"you keep staring at me, it make me uncomfortable" biglang bulong nito dahilan para mapaatras ako.
Nanayo bigla balahibo ko, pati bosess niya...ahh basta di nalang ako magtatalk.
"sorry" ang tanging naging saad ko.
Umiwas na nga siya saakin at saka na lumapit kay Yanin.
"How are you Yanin?" tanong ni Hash, kinuha na nito ang kanyang stetescope na nakapalupot sa leeg niya at chineck up na si Yan.
Biglang sumimangot si Yanin dahilan para mapatingin si Hash sakanya.
"Hey, what's wrong?"
Yumuko naman ito at di umimik, sinilip ko naman ito at laking gulat ko ng walang boses itong umiiyak. Yung tipong mga luha niya lang ang pumapatak. Kaagad ko na naman din siyang nilapitan.
"Hey Yan, what's wrong? may masakit ba? dumudugo ba nanaman yung ngipin mo? sumasakit ba ang mga boto mo?" subod sunod na tanong ko. Inangat niya naman ang tingin saka siya marahang umiling iling.
"Achie nurse...doc Hash... sa tigin niyo po gagaling pa po ako?" malungkot na tugon niya. Di ako agad nakapagsalita.
Patuloy pa din ang treatment ni Yanin, di pa naman ako matagal dito pero nasa second phase na ang treatment niya, kung saab binibigyan ang mga c4ncer patient ng high doses of medicine. Sa pagkakaalam ko din ay di kaagad naiadmit si Yanin sa ospital kayat masakit man isipin pero nasa stage 2 ang c4ncer niya, pero malakas siyang bata, alam kong gagaling siya, masakit man isipin pero nasa stage 2 na ang c4ncer niya.
Napatingin ako kay Hash, at sa ikalawang pagkakataon ay nakita ko siyanv nakangiti. Inilagay niya ang isang palad niya sa ulo ni Yanin at marahan niya itong hinaplos.
YOU ARE READING
"That Doctor is Mine"
Romance- Dr. Hashiro Kalen Cromwell- A tall good looking man and a professional doctor who had a secret marriage with Levine. - Rn. Levine Gwyn Cromwell- The secret wife of Dr. Hashiro and a registered nurse. STARTED: DECEMBER 25, 2022 PUBLISHED: JANUARY 1...