CHAPTER 35

14 4 0
                                    

Levine POV

"Oo nga anak, nakatingin siya dito! At omygod naglalakad na siya papunta rito!"

"Omg ma! kamusta po mukha ko maganda ba? ano pong sasabihin ko kapag tinanong niya pangalan ko?"

"Oo nak maganda ka na naman, at kapag tinanong ka niya edi sabihin mo ang pangalan mo. Give a great impression anak."

Napakunot tuloy ako ng noo. Pambihirang mag nanay to oh. Napakadesperada.

"Ahm di po ba may fiancee na po si Valerie? Bakit ipapakilala niyo pa po siya sa lalaking yun?" Pagsisingit ko, napabaling naman silang dalawa saakin at masama akong tiningnan.

"Pake mo ba? pakibhasa walang nagkakagusto sayo e. Atsaka bakit concern ka kay Benedict? gusto mo siya noh?" si Valerie.

Edi t*ng ina mo! anong pinagsasabi nang babaeng to.

"Diko siya gusto, sadyang ang kitid ng utak mot ang landi niyo"

Diko na natampi ang sarili ko, tapos na akong api apihin and never again.

Masyado ko ng dinedegrade ang sarili ko at wala silang karapatan na ganoon nalang ako.

"Anong sinabi mo?" inis na sabi ni Aling Berta.

"Ha, talagang nasabi mo na ang mga salitang yun Levine. Bumalik kalang galing Maynila naging mayabang kana!"

At ako pa talaga.

"Atleast ako ngayon lang, di tulad sainyo na mula noon hanggang ngayon. Feeling mayayaman kala mo naman di nagtatago kapag sinsingil ng utang. Mapanglait kala mo kung sinong perpekto. Oo si Valerie pinagkakandarapaan ng mga lalaki, alam niyo kung bakit? Kasi nagpapagamit!"

I feel bad sa mga nasabi ko but they deserve this.

"Walang hiya ka!" nagwala na silang dalawa. Nakita kong itinaas ni Aling Berta ang kamay niyat akma akong sasampalin pero naunahan ko siya.

"Walangya!" saad pa ni Valerie, isa pa toh. Sasampalin niya din sana ako pero naunahan ko toh.

"Baka inaakala niyong si Levine noong highschool parin itong kaharap niyo. Na hahayaan nalang na lait laitin ako. Actually yung sampal na yun ay di pa sapat, mula sa panglalait niyo noong bata ako. Ang pag scam niyo sa lola ko noon na inorderan niyo ng isang daang suman tapos sinabi niyong di galing sainyo."

"Nalugi si lola noon, yung pagod niya, na di niyo alam na mula alas dose ng umaga niya ginawa lahat ng iyon, kahit uugod ugod na siya sa paglakad ay nagawa niyo pa talaga siyang linlangin at abusuhin ang kabaitan niya."

"Sinabihan na siya ng mga kamag anak namin na ipa barangay kayo pero di niya ginawa dahil ang bait bait niya! At mula noon nalugi na ang business na pinakamamahal niya. Nanghinansi lola at nagsimula na siyang manghina hanggang sa nawala na siya"

"At may talagang nagpakita pa kayo sa burol niya. Ilang taon akong nagtimpi, hanggang sa kinalimutan ko na nga ang bagay na yun dahil yun ang turo ni lola, ang magpatawad pero hindi e. Di niyo deserve ang kapatawaran ko"

napaiyak nalang ako habang inaalala lahat ng iyon.

"Ang dami mong sinasabi!" rinig kong sabi ni Aling Berta at akmang sasamplain na niya ako ng biglang may humawak sa kamay niya't pinigilan ito.

"You won't be able to lay a single finger on my wife" mala yelong saad ni Hash. Lahat kami napahinto at napatingin sakanya.

Narito na nga siya sa tabi ko. Iwinaksi na din niya ang kamay ni Aling Berta na ngayon ay natameme.

"A-anong?! Asawa mo ang babaeng yan?" di makapaniwalang saad ni Valerie.

Tumingin saakin si Hash saka niya ako hinawakan sa beywang at kaagad na inilapit sakanya.

"That Doctor is Mine"Where stories live. Discover now