Levine POV"Hi ate, good morning!" bati ni Jimuel.
"Good morning" bati ko pabalik.
"Mukhang puyat ka po ah, dika po ba ate nakatulog ng maayos kagabi?" tanong naman ni Rena Jane.
Si Hash kasi e, parang tanga, bigla ba namang magsasabi ng mga salita na very unsual sakanya. Nakainom pala siya ng kaunti kagabi ng magkausap kami sa may garden. Binigyan kasi siya ng lolo ko, asawa ni lola Machica ng tuba (coconut wine). After niyang sabihin yun ay nakatulog siya sa may balikat ko.
"Hello! Good morning!" masayang bati nito, si auntie Alice!
"Tita!" masayang sabi ko at nagmano.
"Levine!!! Ahhh ang pamangkin ko!" masayang saad niyat niyakap ako ng mahigpit.
"Kakaon o ka uli?" (Kailan ka umuwi?)
"Kagab i la po" (kagabi lang po)
"Kadako mo na!, parang dati nagdadaru dalagan ka na waray panty" (ang laki mo na! parang dati tumatakbo kalang ng walang panty)
"Tita nama eh!"
"biro lang biro lang. Oh siya bat parang puyat ka?"
"Ah siguro po naninibago lang" pagsisinungaling ko.
"Ah ganun ba. Teka, sino naman siya?" tanong ni tita na nakatingin sa likuran ko. Napalingon na naman ako at nakita ko nga si Hash na bagong gising at hinaplos pa nito ang ulo niya.
"Ka gwapong binata uy. Siya naba yan Levine?" naaasar na tanong ni tita. Ngumiti na naman ako at tumango.
"opo. S-siya po si Hash, ang asawa ko po" sagot ko, nakita kong nanlaki ang mga mata niya.
"Aba! totoo ba ito? kinasal kana? bat di kami na inform?" gulat na saad niya. Nalungkot tuloy ako, biglaan kasi yung kasal namin ni Hash kayat di na namin sila nabalitaan. At higit sa lahat di nila alam na arrange marriage lang ang lahat ng iyon.
"Sorry po tita di na po namin kayo nabalitaan. B-biglaan lang po kasi"
"Biglaan? ang kasal piangplaplanuha yun at pinag iisipan lalo nat magiging isa kayo sa harap ng diyos. Di madali ang panunumpa sa harap ng diyos ng inyong pagmamahalan sa walang hanggan" saad pa niya na mas lalong nagpahinto saakin,
Pagmamahalan sa walang hanggan?
Napatingin tuloy ako muli kay Hash na ngayon ay nagmano nadin kay tita saka bumaling saakin at marahang ngumiti, nasaktan akong muli ng maalala na pakulo lang pala toh lahat ng mga magulang namin. Nawala tuloy sa isip ko ang sinabi niya saakin kagabi.
Ang sakit pala sa pakiramdam na walang pagmamahalan ang namamagitan saaming dalawa. Na hindi ako ang taong mahal ni Hash, na baka sa huli sisihin niya lang din ako. Pano kung mahanap niya ang taong mahal niya? at di siya makawala dahil na trap siya sa kasal naming dalawa?
Diko alam kung ano ang sasabihin ko kay tita.
"I'm sorry po, it was all my fault kayat dina nadisseminate ang kasal namin sainyo. I just really love Levine at hindi na ako nakapaghintay na pakasalan siya. I want to be united with her immediately. To be his husband, and she, as my beloved wife" tugon pa ni Hash na nagpahinto saakin.
Oo alam kung pinagtatakpan niya lang ako, mga kasinungalingan lang ang lahat ng iyon pero diko maiwasan kiligin lalo nat napaka sensiridad ng pagkakasabi niya, at ang mga mata niya'y nakatingin saakin habang binibitawan ang mga salitang iyon.
YOU ARE READING
"That Doctor is Mine"
Romance- Dr. Hashiro Kalen Cromwell- A tall good looking man and a professional doctor who had a secret marriage with Levine. - Rn. Levine Gwyn Cromwell- The secret wife of Dr. Hashiro and a registered nurse. STARTED: DECEMBER 25, 2022 PUBLISHED: JANUARY 1...