Levine POV
Nandito na nga kami sa airport, excited na talaga akong umuwi! Kinuha ko na din selpon ko saka na nagpaalam sa tatlo. Pigil ngiti pa ako sa sobrang pagka excite halos di na nga ako makatulog kagabi.
"You are really excited"
Napabaling naman ako sa katabi ko na aakalain ko talagang foreigner, ngayon ko lang talaga siyang nakitang naka civilian at hindi naka lab gown, naka PPA, or doctor's uniform. Naka black t-shirt siya na talaga namang nangibabaw ang kaputian niya, nakatouser na itim at naka sapatos na puti't itim, dagdag mo pa ang shades niyat sobrero din na itim.
"Pupunta ba tayo sa probinsiya o lamay?" tanong ko sakanya dahilan para mabaling din siya saakin at kita ko ang pagkunot ng noo niya
"Why?"
"Ewan ko, tanong mo kaya sa outfit mo" sarkatikang sabi ko pa.
Pinagmasdan niya naman ang sarili niya mula ulo hanggang paa.
"Oh" pagtatanto niya.
"Hoy ano kaba joke lang, bagay naman sayo e para ka ngang foreigner, mas nangibabaw ang puti mo" sabi ko pa, well totoo naman to. Mukha talaga siyang foreigner at ako mukhang yaya lang putek.
Nauna na nga akong maglakad.
"You look like a princess" rinig kong sabi niya.
Teka wait tama ba dinig ko? inicompliment ako ni Hash?!
"What did you say?" tanong ko ng di padin lumilingon sakanya.
"I- I said y-you..you look like a princess" tila kinakabahan pa niyang sabi.
Daiz! totoo nga ang dinig ko! nagcompliment nga siya ackkk!
Echos to! napangiti tuloy ako ng patago. Bumaling na naman ako sakanya at tinanong ito.
"sinong disney princess naman?" tanong ko pat pigil ngiti.
"Si .....
"...Princess Fiona, you know, yung asawa ng green na lalaki, what's the name of it?...oh shrek right?" sabi niya ng deretso at nakita ko pang marahan siyang ngumiti at bumalik din agad sa pagka seryoso. Tiningnan ko nga ang sarili ko at sabagay naka dress ako't kulay matcha ito. Ang tagal ko kayang pinagdesisyunan na ito ang gamitin ko.
Ang ganda ng compliment ko sakanya tapos yun ang sasabihin niya, nabadtrip tuloy ako.
"hahaha grabii funny mo, ang ganda ng compliment ko sayo tapos saakin... ganoon ba talaga kayong mga lalaki? Buti pa sa isdaan tawag sakin ganda" pagdradrama ko pa.
"di manlang gumamit ng flowery words yung dila mo" dagdag ko pa.
"Hey sorry, I'm just joking. I mean you look like..." pambabawi niya pa. Nag cross na naman ang kamay ko atsaka siya tiningnan.
Okay Levine relax. Ofcourse he is just joking, masyado naman yata akong OA noh?
"Sige okay, continue," sabi ko naman.
"I mean you look like uhm...." putol na sabi pa niya, inilagay pa niya talaga ang kamay niya sa may panga niyat tila pinag isipan talaga.
Baka sabihin niyang isa akong dilag na anghel o dikaya I look like a goddess, huii naman!!
Pinagmasdan niya nga ang kabuuan ko at--
"Oh I know!" sabi niya na nagpangiti sakin.
"You look like sansevieria trifasciata"
sansevieria trifasciata?
Ano yun?
"Ano yun?"
"It's uhm a tiger plant"
Tiger plant?
Ibig sabihin ba niya ay isa akong mabangis na mahalimuyak na tanim? Nakss naman!
Talaga namang mapapasabi nalang ako ng small thing, nananalaytay na talaga yan sa type AB kung dugo.mapapasabi nalang ako ng small thing, nananalaytay na talaga yan sa type AB kung dugo.
Ene be nemen yen Hesh, no thanks but thanks!
Nilaro laro ko pa yung buhok ko, in-game ang lola niyo sa ganda gandahan. Sabihan ba naman ng nag iisang Hashiro Cromwell na isa akong mabangi na mahalimuyak na tanim noh, isa lang ang ibig sabihin nun.
I have a rare beauty, shesh!
"Tiger herb plant" sabi niya ulit.
"tiger herb plant?" tanong ko naman, may herbal pa? napaka organic, does he mean na organic ang beauty ko like..come on! was it simple yet attractive?
d*mn haba ng hair ko today ah.
"Thanks" nahihiya ko pang sabi at ngumiti pa.
"Iyong kalabo tigre" biglaang sagot niya.
"Kalabo tigre..yeah I know--?"
Huh?
"Ano?"
"Yeah you look like kalabo tigre, kanina ko pa tiningnan yung damit mo and it seems familiar and napagtanto kong kamukha nga ito, which makes you look like one"
At talagang ipinaliwanag niya pa. Kung kanina badtrip ako ngayon masaya ako, masaya kung masasapak ko siya.
"Dimo nalang deneretso at talaga pang pinaganda mo pa, may pa sansevera trifash trifash kapang nalalaman"
Siya naman ay taka lang nakatingin sakin.
"I-I thought y-you want flowery words?" sabi pa niya. Napasapo nalang talaga ako sa noo ko.
"Hash can I hug you?"
"Hug?"
"Oo pahug, I want to hug you really really tight...sa leeg, mga 1 minute siguro"
"Uhm...m-maybe some other time cause thingking about it already make me suffocate"
Puchaa kala ko seryoso e, nagmukha pa akong herbal na tanim, porket may design yung damit ko na tila may slash slash na itim na kamukha nga ng kalabo tigre.
"Sorry sorry I'm just kidding"
"Eh hindi ka na naman bata ah"
"Huh?"
"Ha?...ah w-wala ewan ko sayo, ikaw kamuha mo si shrek total asawa naman kita"
Bigla siyang napahinto at napakurap, oh tas ngayon napahinto siya, uuna una kasi di naman--- what the!
Namilog din ang mga mata ko ng marealize ang sinabi ko. Tumalikod na nga ako sakanya at dali daling naglakad.
"Hey, wait for me" rinig ko pang tawag niya sakin.
"Ha? ano? sorry ah di kita marinig niluluga kasi ako"
•| PS: Hi guyss, disclaimer lang ah, diko sure kung allowed ang mga nurses and doctors na mag leave ng two weeks ah lalo na sa ganoong rason lang, imagination ko lang yan ah HAHAHAH. Yun lang, tenkiess🤍
YOU ARE READING
"That Doctor is Mine"
Romance- Dr. Hashiro Kalen Cromwell- A tall good looking man and a professional doctor who had a secret marriage with Levine. - Rn. Levine Gwyn Cromwell- The secret wife of Dr. Hashiro and a registered nurse. STARTED: DECEMBER 25, 2022 PUBLISHED: JANUARY 1...