Chapter Nineteen

66 0 0
                                    

Ryanne's POV

Pumunta ako sa mall nang mag'isa. Binili ko kung ano ang dapat bilhin. Thank God sumakto lang yung pera ko pero nawalan ako ng pamasahe. Sumakay nalang ako ng taxi at dito ko na binayaran.

Simple lang yung polo na binili ko. Sana kahit papaano, magustuhan niya. Long sleeve siya. Papatayin ko siya pag di niya nagustuhan, ang mahal tapos eechepwerahin lang niya? Shabu pa, bakulaw.

Pinalaba at pinaplansta ko na kay manang yung polo para safe. Nahiya naman daw ako baka masira nanaman ulit. Wala na kong pera na pambili, wala na rin akong baon. Kapag humingi ako, pagagalitan na ko at sasabihin magastos ako masyado.

Nilagay ko na sa kwarto niya yung polo na binili ko, natutulog si bakulaw. Sasabihin ko ang word na to kahit labag sa kalooban ko. Hindi ko man gusto, eh kasalanan ko naman talaga eh. At least, marunong akong umako ng kasalanan eh siya? Masyadong perfect tingin niya sa sarili niya.

"S-sorry bakulaw!" agad din akong lumabas ng kwarto niya baka mahuli pa ko at sabihing nirerape ko siya. Asaness naman siya, wala ngang abs yun!

Nakasalubong ko si manang.

"Naibigay mo na?"

"Opo manang."

"Nagustuhan niya ba?"

"Tulog po eh. Sige po una na ko." paalis na sana ako kaya lang hinigit ni manang yung kamay ko.

"Teka, Ika'y mag'ayos na. Baka malate ka pa"

Napahawak ako sa batok ko, "Hindi na ho ako tutuloy."

"At bakit? Barkada mo yun, hindi ka dadalo?"

"Eh manang, wala ho akong gagamiting dress eh nakakahiya naman pong pumunta dun na nakapambahay lang."

Ngumiti si manang, "Halika."

Dinala ako ni manang sa kwarto niya. May sarili siyang kwarto.

"Manang ano hong ginagawa natin dito?"

May nilabas si manang na dress. Simple siya pero iba yung pagkasimple niya. Ang gandang natural.

"Isuot mo eto."

"H-ho? Wag na manang! Hindi naman po ako aattend dun eh kaya wag na."

"Isuot mo na, ryanne."

In the end, wala akong nagawa kundi suotin yung dress. Sakto lang siya sa katawan ko, hindi ako ganun kataba. Payat ako, hindi sexy. May konting laman, pero hindi chubby.

Pagkalabas ko ng cr ni manang, nakangiti siya.

"Ang simple pero bumagay sayo."

"Manang wag nalang ho kaya? Sayang naman tong dress, kanino ho ba to?"

"Pinadala yan ng anak ko. Sige na, Ryanne. Suotin mo na. Bahala ka, magtatampo ako."

"Sige na nga ho."

Inayusan ako ni manang. Marunong din pala siyang mag'ayos. Kinulot niya yung dulo ng buhok ko at light make up lang ginawa niya. Nagmukha nanaman akong tao.

"Oh ayan, iha. Umalis ka na at baka mahuli ka pa." 

 Lumabas ako ng bahay na naka'make up at dress plus wedge. Anyare? Baka sabihin may baliw na gumagala sa daan. Duh! Sa ganda kong to? Haha. 

Teka, sinuot kaya ni Bakulaw yung binili kong polo? Hindi ko pa kase siya nakikita kanina pa. Sana naman sinuot niya, ang kapal nalang ng mukha niya pag hindi niya sinuot.

@ Hunter's House

WOW! Ang laki pala ng bahay nila Hunter. Ang dami ng tao sa loob, nahihiya na tuloy akong pumasok. Mon? Cass? Nasan na kayo?

Marrying the PERFECT man ღ (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon