Chapter Nine

66 0 0
                                    

Terence's POV

Beep Beep Beep *

"Aish! Late nanaman ako!" traffic nanaman kase. Sabagay, 1st day of school. Marami ang nagsisipasukan.

After 25minutes, nakarating na rin ako sa school. Sigurado namang mas late pa yung teacher namin kesa sakin. Tumakbo ako papunta sa room. Gul! 3rd floor pa tapos sa pinakadulo pa yung room namin. 

Pagkarating ko ng room, nagtilian ang mga babae. Kabayo oh! Hanggang 4th year ganyan ba naman? Kelan sila titigil? Sa totoo lang, nakakabadtrip na.

"Late? Nandito na ko." sigaw ko. For sure kase pinag'uusapan nanaman nila ako. Pero someone caught my eye. May kasama silang isang babae na nakatalikod sakin at nakaharap sakanila. She looks familiar. Parang si ... Ah wala! I just miss her.

Wala pa rin pinagbago ang barkada. Si Wacky na nagwawave sa mga babae, si Monina at Hunter may katabing badminton raket at si Cassie na nakapamulsa at may cap.

"Yan na pala si Rence eh!" tinuro ako ni Hunter at napatingin sila sakin. Pumunta ako sa place nila. Ofcourse, sa likod pa rin kami uupo. BATAS EH. XD

"Sorry guys, traffic!" sabi ko.

"Ry! Si Rence oh. Barkada din namin. Bagong barkada natin tong si Ry!" Cass, napatingin ako dun sa babae at tinuro siya.

"New comer?"

"Isa pa to. Bakit nakita mo na ba siya dati?" pilosopo talaga tong Mon na to. -___-

"Hindi pa. Hi Ry! Baka gusto mo akong harapin?" sabi ko. Medyo mahiyain to ah? Halata sa galaw eh. 

Huminga siya ng malalim at dahan dahan humarap sakin.

 O___O

"BESTFRIEND?!"

What the FUDGE! Hindi ko ineexpect to. Akala ko ba? Akala ko ba nasa probinsya siya? O baka naman sa sobrang miss ko siya, naprapraning na ko.

"Bestfriend?" naguguluhan nilang tanong.

Hindi pa rin ako maka'get over sa nakikita ko. Yung bestfriend kong nasa probinsya, ngayon nasa harapan ko na. Nananaginip ba ako o hindi?

Lumapit ako sakanya at tinusok ko yung cheeks niya.

"Ikaw ba talaga yan Ryanne?" naguguluhan kong tanong.

"Bakit? Ikaw din ba yan Terence?" tinusok niya din ako sa cheeks.

Parehas na nanlalaki ang mga mata namin.

"Teka teka teka! Naguguluhan kami! Ryanne na yung bestfriend mo sa probinsya?" Wacky.

"Oo siya. Si Ryanne nga yun!"

"So siya pala yung bestfriend mo na-----" tinakpan ko yung bibig ni Hunter. Alam ko kase katuloy nung sasabihin niya eh. Ayokong mabuking! Natatakot ako.

"Anong ginagawa mo dito, terence?"

"Eh di ba dapat ako nagtatanong niyan? Anong ginagawa mo dito?"

"Mahabang istorya eh. Mahirap ipaliwanag. "

"Oh Ryanne pano ba yan, welcome to the group!" Mon.

Nginitian ni Ryanne sila Mon.

Napapangiti nalang akong mag'isa, you know why? Dahil maproprotektahan ko na siya, maaalagaan kapag may sakit siya, mapapatawa kapag malungkot siya, at higit sa lahat makakasama ko na siya. Hindi na ako mag'aalala kase nasa tabi ko na siya.

Ryanne's POV

HINDI KO INAAKALA TONG MGA PANGYAYARENG NAGAGANAP SA LUPANG GINAGALAWAN KO. Biruin mo yung lalaking hihintayin ko ng sampung buwan, eh makakasama ko pala araw-araw. Pero masaya ako dahil may kaclose na ko kagad sa school na to, hindi na ako mahihirapan. OHA! Si Terence pa na BESTFRIEND ko. :)

Dumating na yung Sir namin and syempre pag new comer ka, magpapakilala ka sa harapan. Hindi  pa rin maiiwasan yung bulong-bulungan, yung mga mata na nanlilisik tapos titignan ka from head to toe tapos tataasan ng kilay tapos iisnaban ka. 

"Teka, nasan pala si Wesley?" sabi ni Cassie, break namin ngayon kaya papunta kami sa canteen.

Sino ba yang WESLEY na yan?  -___-

Habang naglalakad kami papunta sa Canteen, nakarinig kami ng bulungan.

"Siya yung taga probinsya di ba? Bakit kasama niya ang barkada ni Monina?"

"Eww! Bakit kaya sinasamahan nila yang promdi na yan?"

"Gold digger!"

"Tinira kaya ni Michelle yan!"

Inakbayan ako ni Cassie, "Wag mo nalang pansinin. Inggit sila kase gusto din nilang mapasama sa barkada namin."

"Oo nga Ryanne, don't mind them nalang."

Nginitian ko sila. Thank God, may friends kagad ako sa Forbes. Akala ko wala.

"Alam kong nagpipigil ka." singit ni Terence kaya naman napatingin kaming lahat sakanya at binigyan siya ng 'WHAT-ARE-YOU-TALKING-ABOUT-LOOK'

Napatingin siya saming lahat at natawa.

"Haha! Wag niyo nalang akong pansinin. Baliw ata ako eh!" tapos napakamot siya sa ulo niya. Alam ko kung ano ang gusto niyang palabasin.

Nagpipigil? Oo. Ayoko kase sa lahat, pinag'uusapan ako. Kapag ganyan ang nangyayare, sinusugod ko sila. Pero hindi ko magawa dito sa Forbes eh. Ayokong masira ang mga Ramirez.

Habang naglalakad kami, may humawak sa braso ko para mapatigil ako sa paglalakad.

Si Terence.

"Bestfriend, bakit?" inakbayan niya ako. Naunang naglakad yung apat, nahuli kami.

"Sa buhay, kailangan mong magpakatotoo. Ipakita mo sa lahat kung sino ka talaga. Ipakita mo yang katapangan mo. Walang mangyayare kung hahayaan mong tapak tapakan ka ng ibang tao."

Ayun! Ayun pala ang gusto niyang palabasin.

"Pero natatakot akong masira ang pangalan ko. Ang Ramirez."

"Hindi ka naman maninira eh, magpapakatotoo ka lang." tinignan niya ako at nginitian. "Ikaw bahala." at tuluyan na niya akong iniwan. 

Tinignan ko siya habang naglalakad papalayo sakin. Tama siya, wala naman mawawala kung ipapakita ko sa lahat kung sino ako. 

Nag'evil smile ako.

Ryanne Miuelle Ramirez - prinsesa nang probinsya! >:)

Marrying the PERFECT man ღ (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon