Chapter Thirty

70 2 2
                                    

Ryanne's POV

Maaga akong gumising para magreview. Hindi porket naging rank one ako last quarter, magpetiks ako ngayon. Kinakailangan ko ring mag'aral ng mabuti. Okay na okay na rin pakiramdam ko dahil kay Dr. Trent Clinton, my future husband. Ang galing galing mag'alaga ni trent. Sana palagi nalang akong may sakit para anghel siya. Nakakagamot kasi yung tawa't ngiti niya eh. YUN OH. :)

Bumaba ako para magtimpla ng gatas, hindi pa gising si manang. Tumingin ako sa wall clock, 04:04 a.m. palang pala. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla, pagkatapos ay ininom ko na yung gatas. 

Paakyat na sana ako kaya lang napatingin ako sa garage. Hmp? May biglang pumasok na masamang plano sa utak ko. Gagawa nanaman ako ng kalokohan. Pero sa gusto kong makasama si trent pagpasok eh, ewan ko ba kung bakit pero gusto ko. Pagbigyan niyo ko, minsan lang naman to eh. Pero ang sama ko noh? Remember nung nagasgasan ko yung sasakyan ni trent? Haha. tapos ngayon naman bubutasin ko yung gulong. 

Dahan dahan ko inunlock yung door at dahan dahan rin akong lumabas. Binuksan ko yung ilaw at naghanap ng matulis na bagay. Bubutasin ko yung gulong ng sasakyan ni trent para sumabay siya sakin sa pagpasok sa school. Hindi ko alam kung bakit ganun pero wala eh. Gusto ko lang. Nang makahanap ako ng pambutas, agad kong tinusok yun sa gulong. Medyo mahirap kasi makapal pero gagawin ko ang lahat para makasama lang siya! hahaha. Nakakapanibago ba ko? Ako rin eh, naninibago ako. Si author kasi eh!

Go ryanne! Butas lang ryanne, para makasama mo si trent! Butas la---

*PPSSSSSHHHWW

"Yes!" bulong ko. Woooo! Makakasama ko mamaya si trent. pero ano kaya ang magiging reaksyon niya mamaya? Hay, sana hindi siya magalit. :3

Mabilis ako pumasok at umakyat papunta sa kwarto ko. Wala naman makakakita nun eh, malalagot pa ko hahaha. Lord, patawad po sa ginawa ko. Gustong gusto ko lang talagang makasama si trent eh. Sana ho pagbigyan niyo ko.

@ Breakfast 

Pagkatapos kong ayusin lahat ng gamit ko, bumaba na ko para magbreakfast. 

"Oh ryanne, okay ka na ba?" sabi ni manang habang naglalagay ng plato sa lamesahan. Umupo naman ako sa upuan.

"Okay na po manang. Manang kain na ho kayo." sabi ko at kumuha na ng kanin at ulam. Sumubo na ko, ang sarap talagang magluto ni manang.

"Sige mamaya na, iha." sabi niya. Tumango lang ako at sumubo ulit. charap charap! ^^

"Manang, bakit nabutas po yung gulong ng sasakyan ko?"

* Ehem! * 

Bigla akong nabulunan sa sinabi ni Trent. Sulpot sulpot din pag may time! >___<

"Ryanne! Ayos ka lang?!" nag'aalalang tanong ni manang. Kinabog ko naman yung dibdib ko! Err, trent! kasalanan ni trent to eh! "Oh, tubig!" inabot ni manang sakin yung tubig at ininom ko naman yun.

Tumingin ako kay trent na nakatingin na pala sakin. Sheez!

"Wesley, magcommute ka nalang muna. Ako na ang magpapaayos sa gulong ng sasakyan mo, sumabay ka muna kay ryanne." sabi ni manang. Bigla akong kinabahan, baka hindi siya pumayag e---

"Okay, miu let's go." sabi ni trent at kinuha yung gamit niya. P-pumayag siya diba?! Oo tama nga! YES! Thank you, Lord! Pinagbigyan mo ko. "Wag ka ng ngumiti diyan, malelate na tayo." sabi niya. Nakangiti na pala ako? Ganun ba kahalata na masaya ako? Hindi naman siguro haha.

Tumayo agad ako at kinuha yung gamit ko, hinabol ko sa labas si trent. Ang saya saya ko talaga kasi sumabay siya at hindi siya galit. Kaya lang medyo awkward pa ngayon eh pero ayos lang hahaha! Magseselos siguro ng bongga si ashley kapag nakita niya kami. >:)

Marrying the PERFECT man ღ (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon