Chapter Thirty Three

63 1 0
                                    

Ryanne's POV

"Sige na trent, papasukin mo na ko. Baka madami akong mamiss na lesson." pangungulit ko kay trent. Ayaw niya akong papasukin ngayon dahil magpapahinga muna daw ako.

"Edi ituro ko sayo." pagmamatigas nya. ihh! Sumimangot ako. "Tsaka bakit ba gusto mong pumasok? Sembreak na nyan sa wednesday. Wag ka ng pumasok. Magpahinga ka nalang, okay? Aalis na ko. Wag kang lalabas ng bahay. Pag nalaman ko lang na lumabas ka, magkalimutan na tayo." sabi nya at tuluyan ng umalis. Talagang tinakot pa ko ah!

Ang daya naman ng lalaking yun! Ang boring kaya sa bahay na to. :3

"Iha, umalis na ba si wesley?" tanong ni manang habang naglilinis ng bahay.

"Opo manang."

"Oh iha, aalis muna ako sandali. Ang kabilin bilinan ni wesley ay wag na wag kang lalabas ng bahay." Pati ba naman si manang? Naku! 

"Manang naman."

"Sundin mo ang sinasabi ni trent kung ayaw mong magkalimutan kayo. Osya aalis na ko. Wag lalabas, maliwanag?"

"Maliwanag pa po sa buwan." bored kong sagot. Umupo ako sa sala at binuksan yung TV, balita. Ayoko ng balita! Bakit walang KPOP? :(

Napansin kong lumabas ng bahay si manang. Kung pumunta kaya ako sa park kung san ko napulot si kiopie? Hmm? Wala naman si trent eh kaya pwede akong pumunta. Di naman niya malalaman eh haha.

Lumabas ako sa bahay at dumiretso sa park. Naalala ko tuloy si kiopie nung napulot ko siya pero, bigla ko nanaman naalala yung mga nangyare. Paano kaya kapag hindi dumating si trent? Nasan kaya ako ngayon? Buhay pa kaya ako ngayon? Hays. Bangungot!

Naglakad ako papunta sa swing nang may nabangga ako.

"Ahh!" sabay naming sabi. Malakas ang pagkakabangga naming dalawa kaya naman napaupo kaming parehas. Pero agad akong tumayo at tinulungan siya.

"Miss oka--- Sydney?!" hindi ko makapaniwalang tanong. Tanya Sydney Ramirez Andrada, pinsan ko!!!! Kasing tanda ko lang sya at isa sya sa pinakaclose kong pinsan. Kaso bulag si sydney. Since birth, ganyan na sya. Ewan ko ba sakanya kung bakit ayaw nya magpagamot eh ang yaman yaman ng pinsan kong to. Eto yung pinsan kong laking maynila! Woot. Ang liit naman ng mundo namin ng pinsan kong to. Magkapatid ang tatay ko at ang nanay ni Sydney. 

"R-r-ryanne?" hindi nya makapaniwalang tanong. Kinapa niya yung mukha ko na parang nagiimbestiga. Tinulungan ko siyang tumayo at binigay ko sakanya yung tungkod ba yun? Yung ginagamit ng bulag kapag para makalakad sila? Oo yun haha. 

"Oo! Sydney!" mahigpit ko siyang niyakap. Namiss ko tong pinsan kong to.

"Ryanne namiss kita!" mahigpit nya rin akong niyakap. Hindi ko aakalaing makikita ko dito tong pinsan ko.

"Syds, hindi ko aakalaing makikita kita dito sa manila." masigla kong sabi. Ngumiti lang siya. Tinulungan ko syang maglakad at umupo kami.

"Kamusta ka naman ryanne? Long time no talk." pilosopo nyang sabi. Sinasaktan nanaman nya sarili nya.

"Sydney naman." sabi ko at bigla siyang natawa. "Oo nga pala, san ka nakatira? Nasan si tito atsaka si tita? Miss na miss ko na sila." sabi ko.

"Dito din sa subdibisyon na to."

"Ibig sabihin, malapit lang bahay niyo samin?"

"Oo, bisita ka sa bahay minsan ah? Bigay ko sayo address namin." masigla nyang sabi. Wag na kayo magtaka kung pano nakakauwi mag isa to, sinanay nila tita si sydney para kahit hindi sya makakita, nakakaramdam sya. Ngumiti nalang ako bilang sagot.

Marrying the PERFECT man ღ (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon