Chapter Four

71 0 0
                                    

Ry's POV

WOW! Yun lang ang masasabi ko sa Manila. Grabe! Ang ganda pala dito sa manila. Ibang iba sa probinsya. Kung sa probinsya, malalaking bundok. Dito sa manila, malalaking gusali. Ibang iba talaga ang probinsya. Malaki ang pinagkaiba ng probinsya sa maynila. Akalain niyo yun, makakapunta din pala ako dito.

"Mister Kenneth tignan mo yun oh! Ang laking ilog!" turo ko dun sa ilog. Ang laki! Grabe. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaki. Pero bakit walang naliligo? Tsaka parang may barko. Ilog ba talaga yan?

"Miss Ramirez hindi po ilog yan. Manila Bay po yan." natatawang sabi ni Mister Kenneth.

Manila bay at ilog parehas lang, parehas lang na may tubig -___-

Nilibot ko ulit yung paningin ko sa paligid ng manila. Matutuwa siguro si Lola kapag nakita niya tong mga to. Hindi ko alam kung nakapunta na sa manila si Lola eh pero ang alam ko hindi pa. Ayaw nya kasing umalis ng probinsya eh.

Tuwang tuwa ako sa mga nakikita ko. Wala naman kaseng ganito sa probinsya. Nakakaenjoy tignan tong mga gusali. Ang dami pang sasakyan! OA ba ko magreact? First time ko lang kasi pumunta sa maynila eh.

@ Ramirez House

"Miss Ramirez, nandito na po tayo."

Unti-unti kong minulat yung mata ko. Hindi ko namalayang nakatulog ako. Napagod siguro ako sa biyahe. Malayo layo kase ang probinsya namin dito sa maynila eh. Mahigit 8hours din ang inabot namin sa daan. Ang sakit na nga ng pwet ko kakaupo eh!

Tumingin ako sa labas, nanlaki ang mata sa nakita ko. Bahay pa ba to o palasyo na? Sobrang laki kasi eh. Mukha ng palasyo.

"Mister Kenneth, b-bahay po ba namin yan?" hindi ko makapaniwalang tanong. Hindi ko naman kasi ineexpect na ganito pala talaga kalaki yung bahay namin eh. Ang akala ko simple lang pero hindi pala.

"Opo miss ryanne." seryoso nyang sagot.

"Eh nagbibiro ka ba Mr. Kenneth? Eh parang prinsesa't prinsepe na yang nakatira dyan eh. Bahay ko ba talaga yan?" Hindi kase ako makapaniwala na ganito talaga kalaki ang bahay namin.

Umiling nalang si Mister Kenneth at kinuha yung mga gamit ko. Pumasok siya sa malaking bahay.

"Miss ryanne, naghihintay na po sa loob ang parents nyo." sabi ni manong driver.

"Parents?! Si mama tsaka si papa!" masigla kong sabi. Agad agad akong lumabas ng sasakyan at tumakbo papasok ng bahay. Nung una nag aalangan pa kong pumasok baka masira ko yun pinto eh pero bahay ko pala to hahaha.

Laking gulat ko nang may nakalinya sa pintuan. Napatigil naman ako sa pagtakbo ng makita ko sila. Nakayuko silang lahat. Lahat sila babae pwera lang kay Mister Kenneth. Lahat sila pare'parehas ang damit, mula ulo hanggang paa. Wow! Astig. Pero mas maganda pa yung mga damit nila kesa sakin. Damit ko kasi luma na hahaha.

"Uy Mister kenneth! Sino tong mga to?" tanong ko kay Mr. Kenneth.

"Maid niyo ho yang mga yan."

"Maid? Kasama sa bahay?! Bakit ang dami?" ang alam ko kasi ISA lang dapat ang maid pero bakit 8 silang lahat? Maid pa ba yan o classmates na? hahaha joke lang.

Nevermind! Nilibot ko yung buong bahay. Ang daming dyamante! Parang nakakatakot hawakan tong mga gamit sa loob baka kasi may masira ako or mabasag. Wala pa man akong pamalit. Samantalanang samin sa probinsya, puro kahoy ang makikita mo dun.

Pumunta ako sa sala, ang gaganda ng display! May mga pictures dun. Picture namin nila papa at mama. Yung ibang gamit, mamahalin lahat. Mayayaman nga naman ho. Nagsasayang ng pera sa mga walang kwentang bagay, eh kung pinambili ng pagkain edi busog? Tsk.

Marrying the PERFECT man ღ (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon