Chapter Twenty Two

79 2 2
                                    

Magcomment naman daw po kayo ah! Sabihin niyo kung maganda or panget para malaman ko kung papalitan ko yung iba or idedelete ko nalang tong story ko na to. :)

------------------------

Ryanne's POV

Lumabas ako ng office na nakabusangot. Wala talaga akong alam sa intrams intrams na yan. Ang malala pa, eto.

"Miss Ryanne, gusto kong maghanap ka ng singer na lalaki. Kakanta siya sa closing. Deadline, the day after tomorrow. Sige, you may go."

Seryoso?! Wala naman akong kilalang kumakanta eh. Ang lupet, lalaki pa! Aish. Si Terrence? Barag boses nun! Napakinggan ko na, sobrang panget tapos sintunado pa. Si Cass? Nung kinantahan niya si Hunter nung birthday niya, sus! Uulan na yata nun. AYY! LALAKI pala, sorry. Si Wacky? Nakakaantok boses nun! Oo, narinig ko na. Pag nambobola ng babae. Ako? NEVERMIND. LALAKI, kakulit! Sino kaya ang pwede?

Napatingin ako sa hallway, si Wesley nagbabasa ng book. Maganda kaya boses neto? Baka naman boses halimaw. Wag nalang baka makasira pa ng araw boses niya wehehe. O kaya naman masira ang mood ng manonood! Hindi naman magaganda ang boses ng mga halimaw di ba? 

Juskoday, tulungan niyo ko. TT____TT

@ Dismissal Time

"Cassie, bakit yung mukha ni ryanne parang binagsakan ng langit at lupa? Hindi ko maexplain oh."

"Ewan ko nga eh, langit at lupa? Baka langit at impyerno! O baka naman hindi pinapasok sa langit kaya nagkakaganyan."

"Parehas din yun. Tignan mo best friend ko, mukhang nakadrugs."

"Oo nga terrence, hindi na siya chicks."

"Chicks ka dyan wacky! Napakababaero mo talaga kahit kelan!"

"Masama bang mag hanap ng chicks?! Tignan mo nga yang best friend mo oh, ang haggard haggard ng mukha! Parang nirape ng 100 na tao!

"Sssshhhh! Baka gumising. Ang pangit pala ni ryanne pag nakatulala!"

"Wag mo ngang ginaganyan best friend ko! Ang sama niyong dalawa!"

Tumingin ako sa kanilang tatlo at "WAAAAAAAAA! Hindi ko na kaya! Mababaliw na ko!" tapos inubob ko yung mukha ko sa table ko. Hindi ko na kaya! NakakaSTRESS! Hindi man lang nila ako tulungan sa problema ko. Nice friends!

"Ano ba kasing problema mo? Tutulungan ka namin. Barkada tayo dito oh. Dapat nagtutulungan tayo. Problema mo, problema din namin. Alam mo namang walang iwanan di ba? We're always here for you, ry."

Napabangon ako, "Talaga? tutulungan niyo ko? Kahit mahirap, tutulungan niyo ko?" yiee! Sabi ko na nga ba eh, hindi nila ako papabayaan.

"Oo, kahit mahirap pa yan. What are friends for di ba?"

"Tulungan niyo akong mag'organize sa intrams!" nakangiti kong sabi. Bigla namang nawala ang ngiti sa kanilang mukha. Ay? Nagusot?

"Saan nakakabili ng mogu mogu na malaki? Yung 1.5! Naglilihi ata ako ng mogu mogu. Tagal ko ng di nakakainom nun!" Terrence.

"Gusto ko ng Vans na sapatos, ang cool nun! Tapos tribal na shirt yung loose shirt ba!" cassie.

"Ang daming sexy ngayon sa boracay! Gusto ko humanap ng chicks!" wacky.

NGEEEEEK!

"A-akala ko ba tutulungan niyo ko? Eh nasan yung tulong dun? Anong connect ng mogu mogu, vans at sexy sa pag oorganize ng intrams?"

Napatingin silang lahat sakin.

"Sorry hindi ka namin matutulungan diyan kase kahit isa samin, walang may gustong mag'organize sa intrams. Ang hirap kaya nun!"

Marrying the PERFECT man ღ (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon