Chapter Twenty Seven

63 0 0
                                    

Ryanne's POV

Simula nung nangyare kagabi, pumasok pa rin ako sa school. Humanda talaga yang ashley na yan pag nakita ko. Pero nakakahiya yung kagabi, yung ano, Uh! Yung ano? Yung niyakap ko si trent. Ganun kasi ako eh, kapag natatakot ako, yayakapin ko yung unang makita ko. Hindi ko rin ineexpect na siya ang magliligtas sakin. Iniisip ko, pwede naman yung mga guard pero laking gulat ko nung siya yung nakita ko. Hindi pa nga ako nagtethank you sakanya eh.

Pagkapasok ko sa school, madami na agad tao. Mabenta sakanila! Hihi. Second day na ng intrams. Okay na yung mga booths. Nilibot ko yung school para icheck yung mga booths. Ang una kong napuntahan, marriage booth.

"Miley ayos ba tong marriage booth?" tanong ko kay miley, classmate ko. Siya ang inassign ko dito sa marriage booth. Marami kasing alam tungkol sa love eh haha. 

"Ayos naman, mabenta lalo na sa mga couples! Hahaha. Tapos yung iba trip na nilang magpakasal kahit di nila mahal ang isa't isa! Chaka noh? Hahahaha." natawa ako sa sinabi niya. Chineck ko yung mga gamit na pangkasal. 

"Di ba ang kasal para lang naman yun sa mga taong nagmamahalan?" tanong ko. 

"Oo, para lang sa mga nagmamahal. Bakit ka naman magpapakasal sa taong hindi mo mahal? Tss. Ryanne subukan mo dito! Kahit trip lang."

Umiling ako bilang sagot. Ilang months nalang ba ang hihintayin ko bago ako ikasal kay trent? yung totoong kasal. September na, 6 months nalang. Six months akong malaya, after nun may asawa na ko. Hindi na ko pwedeng tumingin sa ibang lalaki. Hayayay! Hindi ko man lang mararanasan magkaroon ng boyfriend. Asawa kagad! Hindi ko man lang mararanasan yung may katawagan na BABY or BABE. Mister kagad! hahaha.

"Sige miley, ichecheck ko pa yung ibang booths. Una na ko!" at umalis na ko. Naglibot pa ko para tignan yung mga booths. Ang dami palang booths, ngayon ko lang napansin. Enjoy na enjoy yung mga students. Ang galing talaga ni trent mag'isip. 

Pero hindi ko pa nakikita ang barkada. Nasan kaya sila? Paano kaya kapag nalaman nila yung nangyare sakin kagabi, ano magiging reaksyon nila lalo na si Terrence? For sure, magagalit ng sobra yun. Hay, wag ko nalang ikwento sakanila.

Habang iniisip ko yung mga pwedeng mangyare after ng kasal namin ni trent, may nabangga ako.

"Ow sorry!" sabi ko at tinignan siya. Si trent.

'Tss!" sabi niya at umalis na pero hinabol ko siya.

"trent sandali lang!" habol ko at hinawakan siya sa braso.

"Ano nanaman?" sabi niya. Tinignan niya yung kamay ko na nakahawak sa kamay niya, agad kong tinanggal yun. Bakit ba lagi ko syang hinahawakan sa braso? nakakahalata na ko ah! Hindi na maganda to.

"T-thank you kas------"

"Alam mo ryanne hindi sa lahat ng oras may taong magliligtas sayo. Napakacareless mo masyado. Nagpapaniwala ka sa mga walang kwentang bagay. I'm not your hero." sabi niya at umalis na. Concern ba siya kapag ganun? Siguro, ewan ko. Magtethank you lang naman ako tapos ang dami pang satsat! Abnormal talaga yung halimaw na yun kahit kelan! Akala ko galing sa puso yung ginawa niya kagabi, hindi naman pala. 

Umalis na rin ako, maghahanap ako ng pwedeng pagkaabalahan. Sana makita ko ang barkada! wala tuloy akong kasama. Kahit si terrence man lang. Loner nanaman ako.

San kaya pwedeng pumunta? Umm, sa horror booth nalang. Mukhang enjoy dun! Oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo na may mga mini rides din. Mayaman ang school, sila na ang nagprovide dun, sila na rin ang nag'ayos. Sa mga schedules, sports and booths lang ako.

Nang makarating ako sa horror booth, nakita ko nananananaman ang kinabwibwisitan kong si ashley. Nang makita niya ako, nanlaki ang mata niya tapos ngumiti naman agad siya. Masyado naman siyang pahalata sa ginawa niya hahaha!

Marrying the PERFECT man ღ (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon